Michelle.
"Michelle.."
Napaangat ako ng tingin at napabitaw kay Gino ng humarang ang ilang basketball players. Nakajersey mula sa Engineering Department.
"Hi." Nginitian ko si Wesley na may hawak nanamang bulaklak na siyang bumati sa akin.
"Goodluck, Wesley." Tiningnan ko lang ang rosas na hawak niya ng bigla iyong kunin ni Harold na nasa tabi ko.
"She's allergic to flowers bro." Iwinagayway niya ang tangkay ng rosas sa harap ni Wesley.
"Oh that. Sorry." Nahihiyang nagkamot ito ng batok at kinuha pabalik ang bulaklak.
"Okay lang." Natatawang sambit ko.
"A-aray! Nanakit ka?" Asar na tanong ko kay Harold na nakabusangot. Napahawak naman ako sa ulo ko na binatukan niya.
"Bakit mo ginud-lack? Mamaya ginalingan no'n matalo pa ang department natin." Natawa ako ng malakas sa reklamo nito na parang bata.
"Ipapanalo mo naman ang department natin, diba Harold? I loveee youu" ngumiwi lang siya sa akin.
"Geh, landian pa. Di na ako magtataka kung mamaya nakahandusay na'yang si Harold." Nagawi ang tingin ko kay Gino na ininguso ang isang direksyon.
Madilim ang mukha ni Clyd habang nakacling sa braso niya si Mika.
Kung makapagselos akala mo naman walang ibang hinaharot.
"Yaan mo yan." Natatawang banggit ko. Dumeretso na kami sa court at pinanuod ang laro. Ang bawat sigaw at hiyaw ng mga nanunuod. Pati ang ingay ng cheering squad ng department namin at ng Engineering Department. Halos magkadikit.
"Kyaaaa~ GO HAROOOLDDD! BIBILHAN KITA NG SPIDERMAN NA BRIEF KAPAG NANALO KAAA!" Natawa ng malakas si Gino na nasa tabi ko. Hinampas ko lang naman siya at hindi pinansin ang ilan pang nakitawa.
"I-SHOOT MO PARA SA SPIDERMAN NA BRIEF! GOOO HARROOLLD!" nakisigaw nadin si Gino at parehas kaming tawa ng tawa.
"YOOON OOHH! I LOVE YOU NA TALAGA!" Hindi na lumingon sa amin si Harold. Namumula man ang mukha ay bakas ang ngiti nito sa labi at nage-enjoy sa laro.
And as expected, our department won. 89-87 ang score. Nagtatalon talon ako at sumalubong naman sa akin si Harold na akmang yayakapin ako ng itulak ko si Gino dito at sila ang nagyakapan. Duh, pawisan kaya siya.
"Yieee, may chemistry." natatawang banggit ko. Inungusan lang ako ng dalawa.
"Congrats Harold. Sabi sayo e." Nakangiti kong banggit. Tumagos ang tingin ko sa grupo nila Wespey na palabas na ng gym. Eksaktong nakatingin din ito sa akin at kumakaway. Kumaway naman ako pabalik.
"Congrats Wesley! You did a great job." Nag thumbs up pa ako na ikinahinto niya at ikinapula ng buong mukha niya. Nginitian niya lang naman ako at kaagad na nagpaalam habang kinakantsyawan siya ng barkada niya.
Natawa nalang ako ng sinimangutan ako nila Harold. Nagexit kami sa gym at kaagad na tumungo sa canteen. Ang usual spot namin kung saan naghihintay si Anca. Lumaki ang ngiti nito lalo na ng magsitabi na kami sa kanya-kanyang upuan.
"Nice game, Harold." Bumili naman na kami ng makakain.
"Laro ni Clyd ngayon, hindi ka manunuod?" Anca asked me. Naiwan sa ere ang pagsubo ko sa pagkain ko at tiningnan siya.
"Hindi yan manunuod, banas padin yan kay Clyd." Natatawang sapaw ni Gino na inirapan ko lang.
"Kanina pa yan banas kaya ang ingay ingay sa court." Dagdag pa ni Harold.
"Shut up." Napangiwi ako dahil sa paos na boses ko.
"Kitams? Namaos na kakasigaw. As I know, wala naman talaga sa game ang isip na'n kanina. Kundi sa kung paano niya patatahimikin si Mika." Tumawa ng malakas si Harold.
"How can you say so?" Masakit talaga sa lalamunan. Nagkatinginan silang lahat.
"Michelle, may habit ka na ida-divert ang atensyon mo sa ibang bagay para di ka masaktan. And you became clingy and loud which isn't you." Natigilan ako sa sinabi ni Anca.
"And you always wear that fake smile. Hindi man mapansin ng iba, but believe me. You're not in your usual self right now." I shrugged.
Hindi na ako nakisali sa usapan nila hanggang sa matapos kaming kumain. 5 pm na nagsimula ang laro nila Clyd at sa kasamaang palad, nando'n ako at pinapanuod siyang makipagharutan sa iba.
Nag cross arm nalang ako at hinintay na matapos ang laban. Hindi ako lumapit sa kanya, naglagay nalang ako ng headset at nagpaiwan sa seat ng lumapit sila Harold sa kanya para i-congrats siya.
Sapat naman na siguro sa kanya yung halik at yakap ni Mika so no worries.
"M-michelle? Can we talk?" Inalis ko ang earphone ko.
"What?" Binawi ko ang matalim na tingin ng makitang si John iyon. "Uhm, sorry." Hinging paumanhin ko.
"No, it's okay." Umupo ito sa tabi ko.
"Gusto ko lang humingi ng sorry. I know and I'm aware that you don't do serious relationship and still I insisted. Lalong sumama ang tingin sa'yo ng mga tao dahil don. I don't want to play the role of being a victim since ako naman ang nagpasimuno ng lahat. Again, I'm sorry." Yumuko ito. Iniangat ko ang kamay para tapikin siya sa balikat.
"No worries, John." Ngumiti siya sa akin ng lamapad.
"Truce." Inabot ko ang kamay niya at doon kami nagshakehands.
"Bukas na tayo magcelebrate kapag natapos ang laro mo, Michelle." Tinanguan ko lang si Harold. Clyd did try na makipagusap sa akin pero hindi ko ito pinansin.
Hanggang sa makauwi ako ay ang pagti-text nito sa cellphone ko at walang sawang pagtawag niya sa akin.
Natigilan nalang ako ng marinig ang mga tawa at asaran sa loob ng bahay namin. The house feels lively than the usual.Binuksan ko ang pinto at lahat ng mata ay nasa akin. Kusang nawalan ng emosyon ang mata ko ng makita ko ang taong iyon.
"Patrick."
--
BINABASA MO ANG
The Player's Endgame [COMPLETED]
Teen FictionZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endgame mean? - Former title: I Heard You're A Player