Chapter 15

88 3 2
                                    

Clyd.

"Nasaan si Ms. Del Rosario? I need a report and a valid reason kung bakit hindi siya sumipot sa laro." Pinal na banggit ng professor nila Anca bago inis na umalis.

Nanalo ang department namin by default. Hindi nagpakita si Michelle. Sinubukan kong tawagan ito pero hindi niya sinasagot kahapon pa.

I already asked Angeles and Gino pero pati ang dalawa ay hindi alam kung nasaan si Michelle.

"Chill bro, may rason iyon." Sambit ni Harold pero kita ko ang pagaalala sa mata nito. Huminga ako ng malalim.

"Alam mong hindi iyon ugali ni Michelle na hindi sumipot sa laro lalo na't badminton iyon."

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla iyong tumunog. Nagkatinginan kaming apat.

"Girlfriend <3 calling.." pagbasa ni Gino.

"Sino yan?" Tinaasan ko ng kilay si Gino. "Michelle." Sagot ko. Tumango naman siya.

"Ahh, akala ko si Mika. Malay ko ba." Hindi ko na pinansin ito. Sinagot ko ang tawag.

"Hey, hun. Are you okay? Nasaan ka?"  Pagbungad ko.

"Hun? Ngayon alam ko na kung bakit inis sayo si Michelle, Clyd." Napakunot ang noo ko.

"Tita Elli? Bakit gamit niyo po ang cellphone ni Michelle? Nandyan po ba siya?" I asked.

"Tumawag ako sayo para sana itanong kung alam mo kung nasaan ang anak ko, pero parang hindi rin."

"Po? What do you mean Tita?"

"Punta ka nalang dito sa bahay, iho. Ipapaliwanag ko."  Napatayo naman na ako.

"Bakit? Ano daw nangyari?" Anca asked.

"Hindi ko pa alam."

Mabilis kong tinungo ang bahay nila Michelle. Ilang minuto lang ay nakarating naman na ako doon. Pumasok ako at bumungad sa akin si tito na inaayos ang sira nilang cabinet.

"Magandang tanghali po, tito." Pagbati ko. Tinanguan lang naman niya ako at ipinagpatuloy ang paggawa.

"Kuya Clyd?" Natigilan ako ng lumabas mula sa kusina ang pamilyar na babae.

"Reicell?" Ngumiti naman ito sa akin. Nagawi ang tingin ko sa batang karga niya, nasa tatlong taong gulang.

"Say hi to Tito Clyd, baby." Agad namang kumaway sa akin ang batang lalaki. Bahagya kong pinisil ang pisnge nito dahilan para bumulanghit siya ng tawa.

Nagawi ang tingin ko sa pintuan ng bahay nila kung saan pumasok ang pamilyar na lalaki kasama si tita.

"Clydder." Hindi ako nagbigay ng emosyon ng tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Patrick."

"Clyd nandito ka na pala." Nagmano ako kay Tita. Kaagad naman niya akong hinila papunta sa maliit nilang hardin pagkatapos magpaalam kay Reicell at Patrick.

"Ano po ba yon? At bakit nandito ang lalaking iyon?" Yamot na tanong ko kay tita.

"Eto ang cellphone ni Michelle. Kagabi pa siya hindi umuuwi. Hindi halata pero nagaalala din ako sa batang iyon. Kahit palagi niyang ginagawa ito tuwing umuuwi sila Reicell dito." Bumuntong hininga ako ng hindi niya pansinin ang tanong ko kung bakit nandito ang lalaking iyon.

"Alam ko naman na babalik din siya pagnakaalis na ang kapatid niya. " tukoy nito kay Reicell. "Pero hindi ko parin maiwasan ang magalala. Pwede bang hanapin mo siya kung may oras ka? Gusto ko lang makasiguro na okay siya." Tumango ako.

Bahagyang tumingkayad si Tita at inilagay ang kamay sa ulo.

"Pero anong relasyon mo sa anak ko ha?" Napangiwi ako ng bigla niya akong kutusan. "Naka-register ang numero mo sa cellphone niya sa pangalan na 'monkey'. Infairness, Clyd. Malinis ang convo ninyo." Ngumiti ako ng hilaw.

"Tama na biruan, Clydder." Sumeryoso ang istura nito kaya di ko maiwasan na mapatuwid ng tayo.

"Po?"

"Alam kong hindi na kayo bata at nasa wastong edad na kayo sa mga ganyang bagay. Kahit sabihin na natin na nakagraduate ka na ng HRM na kurso at pangalawang attempt mo na 'to sa college, nagaaral parin kayo." Litanya nito sa akin.

"Hindi ako tutol sa relasyon na meron kayo, Clyd. Ang ayoko lang ay iyong naglilihim kayo sa amin. Mabuti kang bata, nasubaybayan kita sa paglaki mo, kaya alam ko na hindi mo sasaktan ang anak ko. Hindi na ako manghihimasok, basta dapat yung limitasyon ninyong dalawa ay alam niyo parin."

"Salamat tita."  Bahagya akong yumuko.

"And please, use protection if ever." Parang wala lang na sambit nito sa akin.

"Tita!" Namumulang suway ko dito.

"Bakit? Huwag mong sabihin na hindi ka pa home run?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Tita, nirerespeto ko po yung anak ninyo," nakangiwing banggit ko.

"First base?" Muli akong umiling dahilan para makatanggap ako ng isa pang batok.

"Ay weak." Inirapan ako ni tita.

"Tita naman, parang binebenta niyo na sa akin si Michelle na'n." Natawa nalang si tita sa sinabi ko. Hindi ko rin matantya kung ano talaga ang ugali ni tita. Hays.

"Binibiro lang kita, Clyd." Pinisil niya ang magkabilang pisnge ko.

"Honey," ngumiti lang sa akin si Tita at agad na pumasok sa bahay nila ng tawagin siya ni tito. Napabuntong hininga nalang ako at hinimas ang pisnge ko. Putek, masakit.

"Pasensya ka na. Pinaglilihian ka ata." Namilog ang mata ko sa sinabi ni tito. Umupo siya sa tabi ko habang hindi parin ako makapaniwala na tumingin sa kanya.

"Huwag mo'kong tingnan ng ganyan. 42 lang ang Tita mo at 45 lang ako." Natatawang sambit niya sa akin.

"W-wow." Hindi parin ako makapaniwala. Ang laki ng agwat kung ganuon knowing na 23 lang si Michelle. Ang astig. 19 years old lang kasi si Tita ng ipagbuntis niya si Michelle then after two years ay sumunod naman si Reicell.

"Congrats tito." Tinapik niya lang ako sa balikat. Sumakay na ako sa kotse ko at tiningnan ang cellphone ni Michelle.

I guess alam ko na kung nasaan siya. Huminga ako ng malalim. Sana nandoon lang siya.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon