Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari noong araw na iyon. Wala akong ideya kung paano humantong ang isang normal na araw sa kakila kilabot na pangyayari.
Walo kaming magkakaibigan na nagkasundo para gumala noong araw na iyon. Si Faith, Lynne, Nina, Reene, Aera at ako ang mga babae, samantalang si Chris at Carlo ang dalawang lalaki.
Hindi pa ganon katirik ang araw nang magising ako. Ni hindi ko ng alam kung nakatulog ba ko ng maayos dahil sa sobrang pagka excite ko. Madalang lang kasi akong magkaroon ng bonding sa mga kaibigan ko na lalabas kami at talagang kami kami lang.
Before 10 am ang usapan naming meet up sa isang convenience store. Si Faith lang ang nakaka alam ng mall na pupuntahan namin kaya sya ang pinaka leader namin ngayong araw.
"Anong oras ka uuwi, Mikee?" rinig kong tanong ni mama mula sa kwarto.
Hinayaan kong nakaladlad ang aking buhok habang nakatayo sa harapan ng salamin. Naglagay ako ng kaunting lip tint para bigyang kulay ang maputla kong labi."Mga 7 pm, ma" kahit na hindi ko nakikita si mama ay alam kong naglapit na ang dalawang kilay nya sa pagkakunot ng kanyang noo.
"Hindi ka magpapagabi, Mikee" bakas sa boses nya ang mala awtoridad na tono na akin nang kinasanayan.Sumilip ako sa siwang ng pinto at doon nakita ang aking ina na nakahiga sa kama subalit nakaharap sa pinto. Madilim sa loob subalit nakikita ko parin ang pagkaistrikto sa kanyang mukha.
"Ma, minsan lang toh. Pagbigyan mo na ko please" i knew she'll be giving up any minute, "Siguraduhin nyo lang na alam nyo yang pupuntahan nyo" napangiti nalang ako kasabay ng pagluwag ng aking dibdib.
Wearing a pink croptop, black skirt and a pair of black sneakers ay lumabas na ko ng bahay at dumiretso sa usapan naming venue ng meet up.
Si Lynne at Carlo palang ang naabutan ko don na masayang nag uusap. Sumunod na dumating si Reene kasabay si Nina. Samantalang si Faith naman ay nag aantay sa terminal na sasakyan namin papunta sa mall dahil mas malapit doon ang bahay nya.
Christian arrived a little bit late and Aera arrived on the last minute bago kami tuluyang maubusan ng pasensya at iwan sya.
Typical meet up scenarios ng mga high school na tulad namin. Usapan 10 am pero ang dating ay 11.Kahit na walo kami at obviously hindi kasya sa isang tricycle ay pinilit naming magkasya para lang hindi na kami maghiwa hiwalay. Hindi kasi kami familiar sa lugar na ito since si Faith ang medyo nakakaalam dito and speaking of her ay siguradong naiinip na yon kakaantay sa amin.
Si Nina at Aera ang pumuno ng upuan sa loob, dahil nga maliit ako ay doon na ko sa maliit na upuan sa loob. Si Reene ay siniksik ang sarili sa lapag ng tricycle. Hindi ko alam kung anong itsura ng iba doon sa labas pero mukhang nagkasya naman kami kase nagsimula na din kaming umandar.
Pagkadating namin sa terminal ay sumalubong samin ang nakangiting si Faith. She was waiting for about an hour and i admire how she can still greet us all smiling.
Maingay ang grupo namin habang nakasakay sa jeep. Puno ng halakhakan na pinapangunahan nila Lynne, Reene, Nina at Faith. Napapansin ko ang iling ng mga ilan sa katabi namin sa jeep, siguro ay naiingayan samin. But my friends doesn't seem to care.
Nang makababa kami doon ay isa pang jeep ang sinakyan namin bago narating ang mall. This is my first time to be in here so i took my time eyeing the beautiful view of the mall.
Para kaming mga ibon na nakawala sa hawla habang nililibot ang kabuuan ng lugar. Bawat anggulo na ata ng mall ay may kuha kami eh. It was quarter to one pm so we decided to eat lunch first before we continue our tour.
Kahit sa loob ng fast food chain ay talagang nangingibabaw ang ingay ng aming grupo. Mabuti nalang at talagang maingay dito dahil na rin sa matao kaya hindi kami masyadong pansin.
Matapos naming mabusog ay nagpatuloy na kami sa pag ikot. Kanya kanya kaming window shopping dahil hindi sigurado kung anong gustong bilhin. They were fun to be with and I'm happy I'm hanging out with them.
"Uy baba tayo maraming sale doon oh" turo ni Nina mula sa second floor na kinakatayuan namin. Sumilip ako sa ibaba at tama nga sya, madaming tao doon dahil lahat ng gamit ay sale. Kaya bumaba kami at nakihalubilo sa mga taong tumitingin ng mga paninda.
When my phone rang ay nagpahuli ako. It is my dad who's calling and I'm stuck between answering it or not. Tinanaw ko ng huling beses ang mga kaibigan ko na nakahinto at tumitingin sa mga damit na nakasabit sa stall bago ako lumayo sa mataong lugar.
"Kamusta dyan, anak?" tanong ni papa mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako, nakakaramdam ng inis dahil iyon lang pala ang dahilan ng kanyang pagtawag.
"Nagkakasayahan pa kami, pa." i answered in my mono tone voice, doing my best not to show how irritated i am.
Hindi rin nagtagal ay binaba ko na ang linya at pinasok sa loob ng sling bag ko ang cellphone.Subalit sa pag angat ko ng aking ulo ay nabalot ng tilian ang buong lugar. Ang mga tao sa unahan ay nagsisimulang tumakbo na tila nakakita ng paparating na tsunami na papatayin sila. Kaming mga walang alam sa bandang dulo ay naestatwa sa naririnig na kaguluhan, walang ideya sa nangyayari.
Habang nagkakagulo ay pinilit kong hanapin sila Faith, pero hindi nakakatulong ang maiikli kong binti upang matanaw ko ang kahit isa man lang sakanila. Kalaunan ay nagsimulang mataranta ang lahat ng tao at natutulak ako ng mga taong hindi magkanda ugaga sa kakatakbo at kakasigaw.
Para akong mabibingi. Nagsisimula nang sumakit ang aking ulo sa pangyayari. Hanggang sa may isang babae na walang pakundangang hinawi ako pagilid. Hindi na ko nagkaroon ng oras para pa sumigaw ng maramdaman ko ang pagbagsak at paggulong sa matigas na dulo ng hagdanan.
Naumpog ang noo ko sa railings nito, hindi ko na malaman kung kaliwa ba o kanan. Basta ang alam ko noon ay nangingibabaw ang sakit at hapdi sa bawat kalamnan ko, tila bumaliktad ang sikmura ko at parang sasabog na ang ulo ko sa sakit. Kaya pumikit muna ako, hinayaang mawalan ng malay sa kalagitnaan ng gumugulong mundo.
***
BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mystery / ThrillerA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...