Mula sa couch ng RV ay natatanaw ko na ang mga building at establishment. Narating na namin ang pinaka main ng Vanity City. Pero tulad ng inaasahan ay wala nang katao tao at tila isang abandunadong lugar ang bayan na ito.
"Shit, we're out of gas" lahat kami ay napatingin kay Paulo na patuloy parin sa pagmamaneho.
"Wala bang extra dito? Baka mayroon silang stock" tanong ni Stell.
"I already checked the whole RV earlier but i found none" sagot ni Philip."So are we gonna give up this RV?" may panghihinayang sa boses ni Dustin. Sobrang sayang naman kung iiwan namin ang sasakyan na ito. Milagro nga na nakakita pa kami ng ganitong bagay kung saan nakapag stay kami ng overnight na hindi pinoproblema na bigla kaming gambalain ng mga nilalang na iyon.
"We have no choice. After this main town we will be passing two villages" Paulo said. Napabuntong hininga kaming lahat.
"Which of the two is your house located, Mikee?" tanong ni Paulo.Maliit lamang ang bayan ng Vanity at kakaunti lang din ang populasyon namin dito.
"Sa huling village ang bahay" nakita ko kung paano napapikit si Paulo, "Mukhang aabutin pa tayo ng bukas bago makarating sa inyo"May kalakihan ang unang village na dadaanan namin at dahil wala na kaming magagamit pa na sasakyan ay panigurado na lalakarin lang namin mula dito hanggang sa village namin.
Unti unti nang huminto ang RV.
"We have to hurry, kailangan marating natin ang unang village atleast bago lumubog ang araw. Get your things now" umalis na mula sa driver's seat si Paulo at mabilisang pumasok ng kwarto.Sinukbit ko naman na sa likod ko ang backpack ko na may lamang isang litrong tubig at ilang tinapay at biscuits. Nakapagpalit nadin ako mula night gown sa damit na nahalungkat ko kagabi.
"Maging alerto. Wag masyadong mabagal ang lakad hindi din naman kailangang sobrang bilis. Basta maging mapag obserba kayo" bilin ni Paulo bago nila buksan ang pinto at isa isa kaming lumabas ng RV.
Bago kami tuluyang makalayo sa sasakyan ay binigyan ko muna ito ng isang ngiti at kaway na tila ba isa itong tao at nagpapasalamat ako sa tulong na naidulot nito sa aming anim.
Ramdam ko ang init ng araw habang dumadampi ito sa aking balat. Pero dahil maaga pa ay hindi pa ito masyadong mahapdi.
Tahimik lamang kaming naglalakad habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.
Nadaanan namin ang isang noodle house na pamilyar sa akin. Naaalala ko noon na dinala kami dito ni papa nung birthday ko. Masarap ang noodles nila pero dahil hindi ko alam na maanghang iyon ay talagang sinunggaban ko.
Mga ilang segundo lang bago naramdaman na tila sinusunog ang dila ko sa init. I was 8 back then and after that i never ate any spicy foods.
Nang nadaanan namin ang sinasabi kong noodle house ay magulo ito sa loob. May mga ilan pang bowl ang naiwan sa dalawang mesa na nakahilera sa gilid. May tapon pa ng noodles at sabaw sa sahig. Gulo dulo din ang mga bagay na nakapatong sa counter. Malayong malayo sa kung paano ko ito natatandaan nung huli akong makapunta.
"Ayos ka lang?" napalingon ako kay Josh ng bumulong sya sakin. Tumango lamang ako bilang sagot.
Lumipas ang halos tatlong oras at hapong hapo na kami sa paglalakad. We all wanna rest pero hindi namin gugustuhin na maabutan ng dilim at wala pa kaming paglilipasan ng gabi.
Matindi na ang sikat ng araw at sigurado akong nasa pasado alas onse na. Mabuti na lamang ay nakakatulong ang matataas na building upang magbigay ng lilim sa amin habang naglalakad kami.
"Guys teka teka, hinto muna tayo hindi ko na talaga kaya" napaupo si Dustin habang hinihingal. Pinagpapawisan na din sya, lahat kami ay tagaktak na ang pawis.
BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mystery / ThrillerA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...