Chapter Seventeen

5 0 0
                                    

Chapter seventeen

"Tinawagan ako ni papa mula sa safe zone na kailangan nya ng tulong ko" saad ni Roger mula sa driver's seat na nakabasag ng pananahimik namin.

"Safe zone?" kunot noong tanong ng katabi kong si Paulo.
"Sa Villamil. Ang city pagkatapos nito ay ang safe zone kung saan nagtitipon tipon ang mga survivors" nagkatinginan kami ni Paulo. Pati si Philip na nasa unahan ay napalingon samin ng may gulat na mukha.

"That's exactly where we're heading" bulalas ni Paulo.
Napangiti si Roger.
"Well you guys are going to the right direction kahit hindi tayo nagkita kita" nababakas sa mukha ni Paulo kung gaano sya nabuhayan.

Kahit ako ay lumakas na ang loob na parang hindi ako sumusuko kanina. God is surely amazing, sending us instruments that will lead us to the safe path.

"Doon may stable connections. May supply ng tubig at stock ng pagkain. May medic din don at mabibigyan kayo ng lunas. They provide shelter and clothes kaya wala na kayong kailangang alalahanin sa loob" tila isang milagro ang lumalabas sa bibig ni Roger.

Pero hindi ko magawang maging panatag dahil kahit nakatagpo kami ng tao na tutulong sa amin makarating sa ligtas na lugar, hindi ko pa din nalalaman ang lagay ng magulang ko.

"May isang lugar pa akong kailangang hintuan bago dumiretso sa safe zone kung pahihintulutan mo" litanya ko.
Napatingin mula sa rear view si Roger.

"Ang huling village ng Vanity. Nandoon ako nakatira. Nandoon ang mga magulang ko" kita ko sa mukha ng nagmamaneho ang pag aalangan sa sinabi ko.

Alam ko ang iniisip nya. Alam ko din kung anong gusto nyang sabihin. Pero wala akong pake sa maririnig ko. Babalikan ko ang pamilya ko.

Tuluyan nang sumikat ang araw. Naging malinaw ang kalangitan habang binabaybay namin ang daan.

Gustuhin ko mang pumikit at magpahinga ay hindi ko magawa. Baka tuluyan akong mahimbing at lumampas kami sa dapat hintuan.

Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang binyahe namin bago namin marating ang village na pinagmulan ko. Nagsimulang tumindig ang balahibo ko at pumintig ng kay bilis ang puso ko. Napuno ng kung ano anong isipin ang utak ko. Parehas na mabuti at hindi.

Makalipas ang sampung minutong umaandar ang sasakyan sa loob ng village ay pinahinto ko ito.
"Dito ang bahay ko"

Nag aalangang hininto ni Roger ang sasakyan at nilingon ko. Napansin ko din na huminto ang sasakyan nila Necessito na nasa unahan.

Nilingon din ako ni Philip. Pero ni isa sakanila wala akong tinignan.
"Sasamahan ka namin" umiling ako sa alok ni Paulo. Isa itong bagay na kailangan kong gawin mag isa. Kung may panganib man sa loob isa lang ang ibig sabihin non. Wala na ang pamilya ko.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas. Nakaramdam ako ng panadaliang pagkahilo at  pandidilim ng pangin. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa hindi ko alam na rason.

Bago pa ako makaapak palapit sa bahay namin ay bumukas ang bintana at nagmula doon ang kamay na pumigil sakin.
Napalingon ako at nakita si Philip na nakatitig sa akin.

Wala syang sinabi. Sapat na ang mga mata nyang nagsasabi na kailangan kong mag ingat. Binawi ko ang kamay ko at muling humugot ng malalim na buntong hininga.

Bago ako nagpatuloy ay nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko si Stello at Dustin na lumabas ng kotse at nakatanaw sa akin.

Tuluyan akong lumakad palapit ng bahay. Parehas lamang ito halos ng bahay na inalisan namin kanina. Light blue ang kulay na halos bumabalot sa kabuuan nito. Kumatok ako sa pinto, umaasang may magbubukas at babatiin ako ng yakap.

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon