"Mikee! Ayos ka lang ba?" tinulungan ako ni Stello makalabas sa ilalim ng sasakyan. Halos lahat sila nagtipon tipon upang tanungin kung ayos lang ba ako.
Maybe they were alarmed when i screamed a while ago.
"Ayos lang ako" pagputol ko sa pag aalala nila. Kung tutuusin nga dapat ako ang nag aalala sakanila.Sila ang nagpatumba sa mga nakakadiring nilalang na nakahandusay na sa sahig ngayon. Halos lahat sila ay may bahid na ng dugo sa mukha at sa kamay.
"We need to get out of here before a whole new bunch of these creatures chase us" saad ni Paulo na nagpalinga linga sa paligid, sinisigurado na wala kaming makakasalubong na katulad ng mga nilalang na ito.
"Kailangan nating magamot ang sugat ni Philip. Yung dugo nya ang naaamoy kaya tayo nasusundan" saad ni Josh na sinang ayunan ng nakararami sa amin.
"We have to find at least a secure place"
Nagpatuloy kami sa paglalakad pero sa pagkakataon na ito ay mas maingat at mas alerto. Nakaalalay si Dustin at Stello kay Philip lalo na sa braso nitong wag masyadong tagasan ng dugo.
Pinuluputan lang nila Paulo ito ng kapiraso ng tela bago kami umusad.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapasulyap isa isa sa mga lalakeng kasama ko.I can't help myself but to wonder what kind of life did they have before this apocalypse occured? I am curious how did they live their lives as a normal person.
Napabuntong hininga na lamang ako at winaglit ang mga kaisipan na pumapasok sa utak ko. Pinagmasdan ko ang kalangitan at ang kalsadang patuloy naming binabaybay.
Napaka linaw ng langit. Hindi na mainit, hindi rin makulimlim. Hindi nagtatago ang araw na ilang oras lamang mula ngayon ay paniguradong lulubog na. Malayong malayo ang itaas sa itsura ng kalupaan ngayon. Kung saan tila dinaanan ng bagyo ang bawat bagay na makikita ko. Mga bagay na sa unang tingin mga kagamitan na nawasak man subalit nakaligtas padin sa isang digmaan.
It is already quarter to 6 pm when we arrived at the first village. Aligagang aligaga na kaming makakita ng maayos na bahay upang mapagpahingahan lalo na at dumidilim na.
We knew we won't find any place that as good as an apartment unit but atleast a secure place that will let us rest overnight.
"This house looks fine than the others" Stello announced at lahat kami napahinto sa tapat ng isang kulay gray na bahay. Napapalibutan ng screen ang kulay itim nitong mga bintana. Sarado din ang pinto na hindi tulad sa ibang bahay na nakabukas na.
"Baka may tao pa dyan. Baka may survivors sa loob nyan!" Dustin exclaimed. Sa mukha pa lang ng bahay mula sa labas ay hindi nalalayo ang iniisip ni Dustin.
"We should atleast try to check what's inside the house" sa hinaba haba ng paglalakad namin ay ngayon lamang nagsalitang muli si Philip.
"May papasok sa loob at may matitira dito" litanya ni Paulo. Agad namang nagtaas ng kamay si Josh at Stello, "Sasama kami sa loob"
Bago nagpatuloy sila Paulo sa loob ay binilinan nya si Dustin at ang bawat isa sa amin na maging alerto habang naghihintay.
At first i have no idea how they will gonna be able to enter the house. Pero may dinukot si Paulo sakanyang bulsa na mukhang alambre na maikli at pinangkutkot sa door knob at maya maya lamang ay bumukas na ang pinto. What a clever man.
"You feel okay? Kaya pa?" nabalik ang tingin ko kay Dustin at Josh na umupo na sa gilid ng kalsada. Philip just gave a thumbs up to Dustin as a response.
Umupo na din ako sa tabi ni Dustin at diniretso ang mga binti ko. Nakaramdam ako ng pananakit sa paa, binti at hita dulot ng ilang oras na paglalakad. Hindi ko inakala na sa buong buhay ko ay makakapaglakad ako nang ganoong katagal at kalayo. We truly can never know our limits unless we push ourselves through.

BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mistério / SuspenseA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...