Chapter Eight

6 0 0
                                    

It is almost an hour of Stello's driving when we decided to temporarily stop the car. Philip here is now badly needs medical attention. Hindi pa nga sya masyadong nakaka recover sa bumaon na malaking piraso ng salamin sa braso nya at ito nanaman, may mga bubog naman sa mukha nya ngayon.

I really feel bad for him kahit na mukhang ang tibay nya.

Dahil nga kailangan na ding i-check ang mga sugat ko ay nahati kami sa dalawa. Si Philip kasama si Paulo at Stello ang nasa loob ng sasakyan. Mas kailangan nya ng komportableng lugar dahil sigurado akong masakit ang ginagawang pagkuha ng mga bumaon na bubog sa mukha nya.

Sa kabilang banda ay nandito ako kasama si Josh at Dustin sa labas. Nakaupo ako sa harap ng kotse habang inaasikaso ng dalawang kasama ko.

Hindi naman daw ganon kadelikado ang lumabas ng sasakyan dahil hindi naman din kami magtatagal at basta wag lang mag ingay.

Nakatayo si Josh sa tapat ko, magkapantay na kami dahil nakaupo ako sa harap ng kotse. Marahan nyang tinanggal ang bandage na bumabalot sa sugat ng kaliwang noo ko.

Nakagat ko ang labi ko ng makaramdam ng hapdi.
"How bad is it?" I'm hoping he wouldn't tell a lie just to comfort me because honestly I don't think my wound would get any better without me taking any medicines for it.

"Hmm it's not that bad. Not that very good either" napabuntong  hininga nalang ako.
"Lilinisan ko lang ah, tapos papalitan ng bandage" Dustin who is beside me help Josh with the things he need to clean my wound.

"You were so unpredictable, Mikee" nagsimula na nyang idampi ang cotton buds na may hindi ko malaman kung tubig, alcohol o ano sa sugat ko at nagsisimula itong humapdi.
"Saan banda don?" tanong ko.

"The whole part. Starting sa nag suggest ka na ikaw nalang yung pumasok sa loob hanggang sa makalabas ka. I didn't expect for you to still be able to think that way despite the fear building up inside you" nakapikit lang ako habang nililinis nya ang sugat ko. Sinusubukan kong magrelax kahit damang dama ko ang hapdi.

"Nung nabagsak mo yung pill container, honestly hindi na namin naisip na makakalabas ka pa doon" Dustin added. We shared the same thoughts. Kahit ako din kanina ay ganon ang iniisip.

"The most insane part was when you threw the pill container. We thought back there you did somehow lost your mind" mahina akong natawa sa sinabi ni Dustin. I was trying my best not to lose my mind back there. And glad thing i didn't.

Patapos na si Josh sa sugat ko at nagsisimula na syang lagyan ito ng panibagong bandage.
"Para kaming nanonood ng horror movie kanina, sa sobrang thrilled namin halos nakalimutan na naming huminga" hindi ko alam kung saan namin nakukuha ang karapatan na tumawa pagkatapos naming humarap kay kamatayan kanina.

Nang matapos si Josh sa sugat ko ay hindi ko na sya hinayaang linisin ang iba pa. Ako na ang naglinis sa ibang parte na kaya ko tutal maliliit lamang ito at hindi kasing lala ng nasa ulo ko.

Hindi ko na inintindi ang mga sugat na nasa binti ko dahil nababalutan ito ng pants na suot ko. Paulo made me changed my clothes into jeans ang black fitted tops back in the house.

Tirik na ang araw ng matapos sila Paulo sa panggagamot kay Philip sa loob ng sasakyan. Bumalik na kami sa loob dahil masakit na sa balat ang sinag ng araw. Philip was unconscious the time we hop in, he must be regaining his energy.

"It's already passing lunch time. Kailangan na natin kumain at magpatuloy sa daan kung ayaw nating abutan ng dilim at hindi pa tayo nakakatawid sa kabilang siyudad" nilalabas na ni Paulo at Stello na nasa driver's at shotgun ang mga tupper ware na may mga laman na iba't ibang pagkain.

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon