Chapter Three

10 0 0
                                    

Dinig ko mula sa putol putol na radyo ang balita patungkol sa kumakalat na virus sa buong bansa. Hindi malinaw ang bawat salita pero sapat na ito upang maintindihan ko ang nangyayari.

Nagising ako sa mga hindi pamilyar na boses ng mga lalaki.
"Saan mo ba nakita yan? Mukhang delikado lagay nyan ah" pinilit kong aninagin ang mga mukha nila subalit mas lalo lang akong nahilo. Kaya muli kong sinara ang aking mga mata at idinilat ito matapos ng ilang minuto.

It was then i realized I'm inside a car. With four- five strangers including that guy who saved me.
Nasa pangalawang row ako ng passenger seat kaya hindi nila napansin ang paggising ko.

Isa sa mga pinaka malalang pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Pilit kong pinagkasya ang jacket na ipinulupot sa bewang ko upang maging panangga sa lamig na nararamdaman ko.

Tila sasabog naman sa sakit ang ulo ko, at ramdam ko sa buong sistema ko na sobrang taas na ng lagnat ko. Even a simple move is a challenge for me

"Josh, check her temperature please" nanghihinang saad ng pamilyar na boses. Two of them looked back at me and i don't have any idea which of them is Josh.

"Hala gising na sya" the guy on the right window uttered the most obvious. Samantalang ang nasa gitna naman ang lumapit sa tabi ko at chineck ang ang thermometer na ngayon ko lang napansin na nakaipit pala sa leeg ko.

"Shit, she's 40 degrees. Inaapoy na sya ng lagnat" lahat sila ay napalingon sakin. Even the guy who's driving.
"Masyado na sigurong maraming dugo ang nawala sakanya. Hang in there medyo malapit na tayo" the guy behind the wheel said.

Though i have no idea where exactly we are, i felt relieve as if everything will be alright.

Dahil nga sa sama ng pakiramdam ko ay hindi ko na din napansin kung gaano katagal bago namin narating ang isang bahay. Madilim na ang kalangitan nang silipin ko ito mula sa bintana ng sasakyan.

Naunang lumabas ang nag drive, tanaw ko mula sa loob ang pag iingat nya habang papasok sa loob ng bahay. I get it na kahit dito ay hindi na ligtas. I doubt if there's still a place that defines the word safe.

Inalalayan ng dalawa sakanila palabas ang lalaking nagligtas sakin. I guess hindi nalalayo sakin ang nararamdaman nya ngayon.

And for the second time on this day, this guy carried me. Kung tama ako sa pagkakatanda, sya si Josh. Sya rin yung bumuhat sakin papasok ng sasakyan kanina.

He seems unbothered on how close our faces are, while i remain adoring how good looking he is.

"Sandali na lang susunod na si Stello dito, sya ang gagamot ng mga sugat mo" hindi ko nagawang makasagot sa sinabi nya. Kaya nginitian nya lang ako, making my heart skip a beat.

Tama nga sya dahil pagkalipas ng ilang minuto ay may pumasok na lalaki. He's taller than Josh, nakaayos ang buhok nya na tila si Rizal. His face looks cheerful despite how serious the situation is.

"Hindi ako doktor, pero hindi ko din pwedeng hayaan na ganyan ang kalagayan mo. I don't even know if i can do something to make your condition better because honestly you look terrible" umupo sya sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

He started cleaning my wound on my left forehead. Pigil tili ang ginawa ko habang nililinis nya ang sugat.
Nang matapos ito ay nilagyan nya ito ng bandage, i had to sit up para malinisan nya din ang ibang sugat sa iba't ibang lugar sa katawan ko.

Nagsimula na ding pumasok ang iba nilang kasamahan sa kwartong kinaroroonan ko. Maliban nalang sa lalaking nagligtas sakin.
"How's Philip doing?" tanong ni Stello habang dinadampian nya ng beta dine ang sugat ko sa braso.

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon