Pigil ang hininga ng bawat isa sa amin sa paglabas ng kotse. Mapagmasid ang bawat mata. Maingat ang bawat galaw. Kailangan naming kumilos ng mabilis subalit ng marahan.
Nauna si Paulo sa paglusot sa malaking siwang ng railings. Hindi ito ganon kataas. Dahan dahan syang nagpadulas hanggang sa marating ang ibaba ng walang ingay. Sumunod na dito si Stello at Dustin.
At nung ako na ang bababa, hindi pala ito kasing dali ng akala ko. Dudulas ako at mahuhulog ng biglaan kung hindi ako mag iingat sa pagbalanse ng katawan ko.
Nang akma akong dudulas na pababa ay sinensyasan ako ni Paulo na wag munang gumalaw. Sandali silang nagbulungan ni Josh na nauna na sakin sa ibaba. Matapos ng ilang sandali ay may sinenyas si Josh kay Philip na nasa likod ko.
"Hahawakan kita para alalayan hanggang makarating ka sa gitna, pagdating mo don ay si Josh nang bahala sayo kaya kumapit ka" saad ni Philip na hindi man lang nag abala na tumingin sa akin habanv pinapaliwanag nya ang gagawin ko.
Mahigpit syang kumapit sa railings at pinuwesto ang sarili nya sa posisyong squat bago nya inilahad ang palad nya sa akin.
And then suddenly he's staring at me. It made me freeze at some reasons. Something about his eyes made me forget what to do next.
Nagulat ako ng hindi ko kinuha ang kanyang palad ay biglaan nyang hinablot ang kamay ko at hinawakang mabuti bago ako sinenyasan na tumuloy na sa kailangan kong gawin.
Pagtingin ko naman sa ibaba ay nandoon si Josh na nakatingala sa akin. He's smiling and his eyes telling me that I'm gonna be fine since he's in there.
Kumapit ako ng maigi sa malaking kamay ni Philip bago sinimulang kontrolin ang pagdulas ng sarili ko sa lupa. Nang sapat na akong malapit kay Josh ay binitawan na ako ni Philip at si Josh ang umalalay sakin hanggang makababa ako ng tahimik.
Sa ibaba ay nakita ko ang tatlo na sina Paulo, Stello at Dustin na maingat na binubuhat ang mga bangka papalapit sa ilog.
"Saktong tatlo ang bangka na meron. Kaya wala tayong problema" nakangiting saad ni Josh.Sa oras na iyon ay nakababa na si Philip at tumulong sila ni Josh na ilabas ang ilan pa sa bangkang gagamitin namin. Hindi ito ganon kalaki, kung ako ang tatanungin ay parang ginawa lamang ito para sa isang tao.
Pero hindi naman siguro makakaapekto ang bigat ng dalawang tao since mababalance naman ang bangka.
Malinaw na malinaw ang tubig. Nakikita ko ang mga bato sa ilalim ng tubig. Hindi na masyadong maaraw subalit maliwanag pa. Pero ang liwanag na yan ay hindi nadin magtatagal. Anumang oras ay sasapit na ang dapit hapon.
"Wag tayong masyadong malayo sa isa't isa para magkakarinigan tayo kahit papaano" huling saad ni Paulo bago kami magsipuntahan sa sari sariling bangka na sasakyan namin.
Tulad ng usapan sa unang bangka ay si Philip at si Paulo. Kami ni Josh ang sa pangalawa at ang huli ay sina Stello at Dustin.
Nauna nang nakarating sa tubig ang bangka nila Paulo. Sila ang mauuna dahil si Paulo ang gagabay sa daanan namin. Sumampa na ako sa bangka at si Josh ang nagtulak nito hanggang sa lumutang na ito sa mababaw na tubig.
Tsaka sumakay si Josh at nagsimula na kaming magsagwan. Sa likod namin ay nakasunod na si Dustin at Stello.
Payapa anv tubig na tila walang nangyayaring kaguluhan sa kanyang paligid. Hindi tulad ni lupa ay walang bahid ng dugo ang kumapit dito.
I found myself staring at Josh ang thinking how honestly I'm attracted to him. He looks gentle and kind and his personality suits his face. He's indeed gentle and kind.

BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mystery / ThrillerA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...