Chapter Eighteen

8 0 0
                                    

Chapter eighteen

Inalalayan ako ni Philip palabas ng bahay. Tumakbo palapit sakin sina Dustin at yinakap ako. Muli akong naiyak. Totoo nga na kapag pinapatahan ka mas lalo kang naiiyak.

Paulo tapped my shoulder and Stello smiled at me sympathetically.

Nagpatuloy kami sa byahe na tila walang nangyari. Umalis ako ng bahay pero alam kong tuluyang naiwan doon ang puso ko.

Habang umaandar ang sasakyan ay nakatulala lamang ako sa kalangitan. Nagagalit ako. Nagagalit ako kung paanong napaka linaw pa din ng kalangitan na tila walang gulong nangyayari sa kalupaan. Naiinsulto ako sa tingkad ng araw.

Parang isang normal na araw lamang kung umasta ang kalangitan.

Muli akong nakaramdam ng pagkahilo na pilit kong hindi pinapansin. Hindi pa nagagamot ang kahit ano sa mga sugat ko kaya normal lang na makaramdam ako ng panghihina.

Paulo let my head rest on his shoulders. I close my eyes desiring to rest and forget for a little bit of moment the pain I'm feeling.

My life with a complete family is a total blessing.  Lumaki kase ako na laging sinasabihan na napaka swerte ko. Totoo nga naman. Dahil may nanay at tatay ako. May tahanan ako. May sapat na pera upang mabili ang mga pangangailangan.

Pero bukod don swerte ako kase mahal ako ng nanay at tatay ko. Hindi tulad ng iba na pinabayaan ng magulang sa ibang pamilya o mas malala hinayaan sa lansangan.

My life as a child was fun. Lagi akong kasama sa mga activities sa school, supportive ang parents ko. Dahil don motivated akong mag aral ng mabuti kaya lagi akong nasa honor.

My mom isn't the sweetest. May pagka istrikta sya pero kahit na ganon nagagabayan nya ako ng maayos. She helped me in most of my homeworks.
My Dad always spoils me with everything that i want. But despite of that i learned not to be a spoiled brat.

There are certain times i felt sad and anxious. But my parents made sure they're showing enough love and care to comfort me.

I am an only child but i never felt as though i was alone, my parents filled up all the spaces in my heart with love and care.

Nagising ako ng huminto ang sasakyan. Wala na sa tabi ko si Paulo at nakasandal na lamang ako sa bintana.

Wala din si Roger. Tanging si Philip lang na natutulog ata ang natira kasama ko. Hindi ko alam bakit bigla akong sumilip sakanya. Dumungaw ako mula sa upuan nya at pinagmasdan kung gaano sya kahimbing na natutulog.

I gently caress his hair. Before, i don't know how in just span of few days can a stranger meant something to you. I grew fond of him, mindlessly.

Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko mula sa ulo nya dahilan upang mapahinto ako. Nang dumilat sya ay nagtama ang paningin namin. Binaba nya ang kamay ko sa pisngi nya at doon ito hinawakan.

Napangiti ako kase para syang bata.
"You smiled" he uttered.

Kalaunan nalaman ko na kaya pala kami huminto ay binigyan muna nila ng first aid si Josh dahil medyo malayo pa ang tatakbuhin ng sasakyan.

The others refuse to get their injuries treated dahil makakasagabal lamang daw ito sa oras. Ganon din ako.

Nagpatuloy ang byahe namin at tanghali na.

Hindi ko mapigilang isipin na sino sino kaya ang madadatnan namin sa safe zone? May kakilala kaya ako don? May kamag anak o kaibigan kaya akong nakaligtas?

O di kaya ang pamilya ng mga lalaking nagligtas sa buhay ko? Kahit pamilya nalang nila. Kahit sila nalang. Magiging mas okay ako kapag nalaman kong ang pamilya nila ay nakaligtas.

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon