It is almost sunrise nang makasakay kami ulit sa van. Stello is the one who's driving since Paulo haven't got any good sleep,he's sitting on the shotguns though.
Philip and Josh sits at the middle row while Dustin sat with me at the back. Napaka tahimik ng atmospera sa loob ng sasakyan. Siguro dahil sa gulong nangyari kanina. Philip didn't even bother to lay his eyes on me for the whole time we're sitting on a same car.
"Ganito ang magiging plano guys, makinig kayo" Stello announced from the driver's seat.
"100 kilometers away from here will be our first stop. It's a pharmacy. We need to get medicines for Mikee and Philip. Hindi pa kasi sakop ng city ang lugar na ito kaya walang mas malapit na pharmacy""Any news from the city?" Josh asked. I heard Stello sighed. "The radio just stopped working earlier"
Ganon na talaga siguro kalala ang pangyayari na pati linya ng komunikasyon ay naputol na."Anyway another 100 kilometers will led us at the tunnel na tatawarin nalang sana natin para makarating sa kabilang city" dama ang bawat bigat sa pagsasalita ni Stello.
"But since nasira ito ay kelangan nating tahakin ang ibang ruta""Pagpunta kasi natin dito kahapon, wala ka pang malay non. Pagkalampas namin ay biglang may nagkasalpukan na mga sasakyan sa sobrang traffic at pagkakataranta. Nagbunga ito ng pagliyab ng mga sasakyan at sumabog kasama ang tunnel" Dustin must have seen the confusion in my face.
"We will cross the river that will lead us on a highway near the opening of the nearby city" may takot na biglang kumapit sa sistema ko ng marinig ang sinabi ni Paulo.
Napakadelikado na sa labas. The only thing that made me feel calm somehow right now is the fact that I'm inside a car. Pero kapag lumabas na kami at walang ibang proteksyon, i don't think it's a good idea.
"Anong madadatnan natin sa kabilang siyudad? Magiging ligtas ba tayo doon?" all of them except Philip that doesn't seem to care turned their heads over me.
Nang wala akong matanggap na sagot mula sa isa sakanila ay alam ko nang nasa tagilid kaming sitwasyon. We don't have any idea what's waiting for us at the next city, yet here we are risking our lives to get there.
"We have to take risks, Mikee. Surviving is about taking risks" Paulo answered me meaningfully.
Risks is what I'm afraid the most. I guess i don't have enough courage to fight for things that I'm not sure worth fighting for. Natatakot akong tahakin ang isang mapanganib na sitwasyon at matagpuan ang sarili kong natatalo.
But Paulo is right. Surviving takes risks. Life is all about taking risks. If we want to survive, we need to fight even without the assurance of winning in the end. We have to still fight considering the fact that we may lose.
Especially today's world is no longer about living, it's now about merely surviving.
Wala ng iba pang nagsalita pagtapos ng litanya na iyon ni Paulo. Mukhang bumabawi na ang iba ng tulog dahil ni isa ay wala ng nagsasalita.
Unti unti kong nasaksihan ang pagliwanag ng mga ulap at ng kalangitan. Pinagmasdan ko ang paggising ni Haring Araw. Sumikat na ang araw na tila isa lamang itong normal na araw.
How can the sun pretends that everything under it is still alright? I wish i can also pretend that this is one of a normal days in my life. Sana isa lamang itong normal na road trip at isang nakakamanghang lugar ang pupuntahan namin.
Pero alam kong sa paghinto ng sasakyan na ito ay kailangan ko ring gumising at harapin ang realidad. Ang katotohanan na ang mundo ay isa ng nakakatakot na lugar.
Sa ilang oras kong pagdungaw sa bintana ng sasakyan ay puro matataas na damo at puno lamang ang nakikita ko. Malayo pa talaga siguro kami sa siyudad.
Nang dalawin ako ng antok ay sinubukan kong isandal ang noo ko sa bintana at pumikit. But it's so uncomfortable i can't keep my eyes close. Then Dustin let me lean on his shoulders, as i fall asleep leaving the destroying world temporarily.
"All the weapons we will need are at the back of the car. Make sure na pag baba ninyo ay mabilisan lang ang pagkuha ng mga gamit" nagising ako sa boses na iyon ni Paulo. Dustin was no longer beside me, nakaupo na sya sa gitna ni Philip at Josh at nakikisali sa tila ginagawa nilang pagpupulong.
Nakahinto na ang sasakyan at hindi makapaniwala ang mata ko sa nakikita sa labas ng bintana. We arrived at our first stop. The pharmacy. But it can barely recognize as a pharmacy if not because of the shattered signage that somehow still manage to stand at thr top of the place.
Basag basag ang mga salamin nito at kahit nasa malayo ay natatanaw ko kung gaano kagulo sa loob nito. Wala nang tao. Napakatahimik na ng siyudad. Maraming mga sira sirang sasakyan ang nakakalat at nakaharang sa kalsada. It made me cringe to see some blood stains on almost everywhere.
"And you Mikee, you'll stay here. Wait for us and open the door immediately if you saw us coming out of the pharmacy" agad akong umiling sa sinabi ni Paulo. Hindi ako papayag na maiwan.
"You're not going to leave me here. Sasama ako" mariin kong saad. They all gave me a look na tila mga tatay na pinagsasabihan ang anak.
"It's too dangerous outside. Hayaan mong kami nalang" saad ni Josh."Well same for all of you. Delikado din kayo doon. Ayokong umupo lang dito habang kayo ay nakikipagpatayan doon" pagmamatigas ko.
"But we can handle ourselves-" agad kong pinutol ang sasabihin ni Stello.
"I can also handle myself""Goddamn it. Let her come if she insist to" iritadong saad ni Philip.
"I promise i won't be a burden, just let me come. Let me do something. Let me fight with you" nagkatinginan silang lahat na tila nagtatanong sa isa't isa kung papayagan ba ako."Fine, but you'll have to stick with Josh. Kahit isang pulgada ay wag kang lalayo sakanya" agad akong tumango, simbolo na naiintindihan ko ang sinabi ni Paulo.
"At ikaw Josh, wag na wag kang malilingat. Malaki ang pharmacy at ang pinaka ayaw nating mangyari ay ang magkahiwahiwalay tayo. Nagkakaintindihan?" lahat kami ay sumagot.
"There's only one rule that all of you have to keep in mind" Paulo said clearly, making every word understandable.
"Don't make any noise" he added."Noise will attract them so we have to move quickly yet gently to avoid making noises" lahat kami ay tumango.
"Be alert. Wag kayong magpadalos dalos sa kinikilos nyo. Wala tayong ideya anong meron doon sa loob. At kung meron man ay gaano karami. Wala pa tayong masyadong alam sa mga kakayahan nila. Pero pagkakataon na natin ito para obserbahan kung paano sila kumikilos at kung may mga kahinaan ba sila. Kaya maging mapagmasid at mapag obserba kayo" Paulo is making sure we understand him very well.
Bago kami ng sasakyan ay sandali kaming naglaan ng katahimikan upang magdasal. Kung nakikinig man ang Diyos ay sana ingatan nya ang bawat isa sa amin. Sigurado ako iyon ang hiling ng bawat isa.
Naunang lumabas si Paulo, siya ang nangunguna samin. Sinundan ni Stello at Dustin, kami ang nasa likod nila at si Philip ang nasa likod namin ni Josh.
Mabilis nilang binuksan ang trunk ng sasakyan at bumungad samin ang armas na gagamitin namin. Hindi ito baril o ano mang armas na makikita mong gamit ng mga pulis. Mga simpleng kagamitan lamang ito na mayroong sapat na impact upang makasaki naihampas ng malakas.
Dinampot ni Paulo ang itak, samantalang si Stello naman ang gagamit ngmartilyo. Kay Dustin napunta ang isa sa dalawang golf club at yung isa ay kay Philip. Josh picked up a baseball bat.
But before we finally move on, he hand me a knife while looking intently into my eyes.
"I will do everything to protect you. But i can't promise to protect you all the time. So this knife will be my substitute. Use it to protect yourself"***
BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mystery / ThrillerA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...