Chapter Fourteen

7 0 0
                                    

Chapter fourteen

Nang natapos silang magluto ay tulong tulong kami para i-set up ang table. Lahat ay mabilisan kumilos dahil lahat ay gutom na gutom na.

Nang magsimula na kaming kumain ay akala ko meron nanamang lalait sa luto ni Josh katulad ng mga naunang nangyari. Pero mukhang walang may balak magsalita dahil bawat isa ay masyadong abala sa pagtugon nila sa mga nagwawala nilang tyan.

"Maaga tayo aalis bukas kaya pagtapos neto ay magpahinga na kayo" saad ni Paulo.
Nang matapos kami ay nilinis ko ang mesa at sila Dustin ang naghugas ng pinggan.
"Look for things we might need including foods and clothes. Medicine is also a must and don't forget water" muling paalala ni Paulo.

Natahimik ang lahat at bigla ko tuloy naisip kung pare pareho ba kami ng naiisip. Maikokonsidera bang pagnanakaw at trespassing ang ginagawa namin? Pinasok namin ang bahay na hindi amin, pinakialaman namin ang mga bagay na hindi namin pag aari. Are we considered criminals for surviving?

"Hahatiran ko lang ng pagkain si Philip" naputol ni Josh ang naglalayag kong isip.
"Let Mikee do that" kumunot ang noo ko ng pigilan sya ni Paulo. He was already staring at me before i switched my attention.

"Philip wants you to take him his foods" saad nya sakin. Nagtataka man ay lumapit sakin si Josh at dahan dahang pinasa ang tray na may lamang isang bowl ng kanin at ng adobo na may kutsara at tinidor. Nasa gilid din ang isang basong tubig.

Medyo mabigat but i managed to reach the room without spilling anything. Hindi na ko kumatok dahil may siwang naman ang pinto at doon nalang ako pumasok. Nadatnan ko ang nahihimbing na si Philip. May benda na ang braso nyang duguan kanina.

Nilapag ko sa kalapit na study table ang tray habang iniisip kung gigisingin ko ba sya o hindi.
Marahan akong umupo sa edge ng kama at pinagmasdan sya. He must be so tired and in pain that he just fell asleep without thinking of food.

Hinawi ko ang ilan sa hibla ng kanyang buhok na tumutusok sa talukap ng kanyang mata. He looks so innocent and calm while asleep. It made it hard for me to wake him up.

Napabuntong hininga ako sa huli at tumayo. Why do he even wants me to take him his food if he'll just gonna be asleep and make it hard for me whether I'll wake him up or not?

Napailing nalang ako at tumalikod palabas ng kwarto ng may isang humawak sa kamay ko dahilan upang mapahinto ako.

Naramdaman ko kung paano kumuha ng lakas sakin si Philip upang umupo.
"Ang tagal namang dumating ng pagkain ko" he complained with a face and wanly voice.
"So you're not asleep the whole time?" my eyes widen

He looked at me while grinning.
"I kinda liked the way you cleared my face"

Halos hindi na ko huminga sa sinabi nya. Why the hell am i embarrassing myself?
"Bakit ba ako ang pinaakyat mo dito?" my eyebrows furrowed.

Nawala na ang nakakainis na ngiti sa mukha nya at bumalik ito sa pagiging seryoso. May inabot sya sa ilalim ng katabi nyang unan. He handed me the knife Josh gave to me.
"This is an essential. Use it to protect yourself not others to protect you"

Kinuha ko ito at tinitigang mabuti. It's a knife with approximately 7 inches in length. Kulay black ang handle nito. I can already see myself through it so i assumed he already cleaned this off.

Muli ko itong sinuksok sa likuran ng garter ng sweatpants ko.
"You should start eating and drink all the medicines you need. Regain your strength we'll leave early tomorrow" i sounded like Paulo stating those words.

Hindi sya sumagot at tumitig lang sakin kaya binalak ko nang umalis. I scarcely stepped my foot to walk out of the room when his hand pulled me to sit at the edge of the bed.

Safe And SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon