Chapter nineteen
I turn away. With heavy footsteps i walk away.
Pero hindi pa ko nakakalimang hakbang nang isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng sigaw ni Philip, "Mikee!!"
Tila bumagal ang oras, bumagal ang lahat. Kahit gustong gusto ko nang makalingon ay dahan dahan lamang ang pag ingot ng ulo ko. Hanggang sa tulayan na akong makaharap.
Isang mainit na bagay ang tumama at nanuot sa kaibuturan ng puso ko. Nasalo pa ko ni Philip bago ako tuluyang bumagsak sa lupa, naghihingalo.
"Gago kaaaaaa!" dinig ko pang sigaw ni Paulo na akmang susuntukin ang lalaking may pakana ng bala na nagpapahirap sa paghinga ko. Inaawat at pinipigilan sya nila Stello kahit na mismo sila ay gusto nang saktan ang lalaki.
Bumalik ang atensyon ko kay Philip. Namumula na ang mata at ilong nya. Hindi ko pa sya nakikitang ganyan. Napangiti ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Gustuhin ko mang iangat ang kamay ko upang mahawakn ang mukha nya ay hindi ko na magawa. Tila naninipsip ng lakas ang bala na tumama sa akin na kahit ang pinaka dulo ng daliri ko ay hindi ko na magalaw.
Gusto ko kang magsalita at banggitin ang pangalan nya, sabihin na magiging maayos lang ang lahat ay wala na din akong kakayahan.
Ang tumitig na lamang sa mga misteryoso nyang mata ang kaya kong gawin. Habang patagal ng patagal ay mas lalo akong nahihirapang huminga. Kahit anong singhot ko ay wala na akong makuhang hangin. Tila nauubusan ako ng oxygen.
Nadidinig ko pa ang iyak ni Dustin at Josh na ngayon ay nakaupo na din sa tabi ko. Hawak hawak nila ang kamay ko.
"Tulungan nyo kameeeee! Gamutin nyo sya!" pagwawala ni Philip.Subalit kahit anong sigaw at hingi nila ng tulong ay walang gustong tumulong. Sa mga mata ng tao dito ay tama lang ang nangyari sa akin. Dahil kapag mas tumagal pa ang buhay ko ay baka maging sanhi lamang ako ng panganib.
I can feel my body giving up. My heart grew so much weaker and my eyes..... my eyes suddenly wanna rest.
Isa isa ko silang tiningnan. Si Dustin at Josh na nasa gilid ko parehong hawak ang kamay ko. Si Stello na nasa paanan ko na lumuluha din. Si Paulo na nakatayo at nakatalikod sa akin. Kita ko pa ang pagtaas baba ng balikat nya. Gusto ko sanang lumingon muna sya bago ako pumikit. Gusto kong makita ng huling beses ang matapang na si Paulo.
Ngunit tila wala syang lakas upang lingunin ako. Huling huminto ang mata ko kay Philip kung saan ang bisig nya ang sandalan ko ngayon.
This man saved my life numerously. And i won't deny in the last seconds of my life that there is something special with him. A special thing that makes me grew fond of him more than i should.
Dahan dahan na akong pumikit. Kasabay nang pagsarado ng mga mata ko ay ang paghinto ng puso ko sa pagtibok.
Napabalikwas ako ng kama. Naghihingalo at pawis na pawis. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa kwarto ng bahay namin.
It took me a couple of minutes before i gain strength to stand.
Pinagmasdan ko ang kwarto ko, napaka ayos nito. Sinuri ko din ang sarili ko subalit wala akong natagpuan kahit anong sugat.Anong nangyayari?
"Mikee hapon na-" bumukas ang pinto at halos nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko si mama sa pinto.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Galing ka ba sa palayan? Bakit pawis na pawis ka?" lumapit sya sakin at kinuha ko itong pagkakataon upang yakapin sya.
BINABASA MO ANG
Safe And Sound
Mystery / ThrillerA fifteen year old girl find herself in the middle of the chaotic world with five boys who'll protect and guide her throughout their apocalyptic journey. Date Started: October 20, 2019 Date Finished: December 15, 2019 Disclaimer: This is a work of f...