Papel

21 1 0
                                        

Sometimes, I think of you pero I quickly shrug the thought of you. Gaya ng mabilis mong pagkalimot sa existence ko sa buhay mo.

Sa mga gabing ganito ko lang kayang ilabas lahat ng nadarama ko. Walang manghuhusga sa 'yo pagsapit ng gabi. Ang makakarinig lang ng mga iyak mo ay ang langit, minsan nga sasabay pa 'to sa paghagulgol mo.

Ngayong gabi ipinangako ko sa sarili ko na titigilan ko na ang pag-iyak ko dahil sa isang tao. Hindi na ako tanga, sabi ko sa sarili ko. Tama na siguro ang ilang gabing pagluluksa ko para sa relasyon naming ako lang naman ang lumalaban.

Pero akala ko hindi na ako nasasaktan.

Minsan taksil ang gabi. Taksil ang katahimikan at ang lamig. Sa gabi rin kasi susulpot ang mga alaalang pinipilit mong kalimutan. Sa gabi ka magkakaroon ng oras para alalahanin lahat dahilan para umiyak ka na naman.

Ang ironic talaga. Kung ano pa ang magbibigay ng comfort sa 'yo, iyon pa ang magpapaalala sa 'yo ng sakit na pinagdadaanan mo.

Naaalala ko ang lahat. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko, ayoko nang umiyak. Hindi pwede. Pinipilit ko nang kalimutan ang lalaking nagmahal sa akin ng lubusan.

Mali, ako pala ang nagmahal ng lubusan sa aming dalawa. Hindi nga ako sure kung minahal ba niya talaga ako.

Bawat patak ng ulan sa aming bubungan ay sumasabay ng lungkot na aking nararamdaman. The sky is tempting me. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi na ako iiyak para sa kaniya.

Minsan na akong nakita ng aking ina na umiiyak. Akala niya nababaliw na ako dahil ilang linggo ako umiiyak pero hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan. Ayoko sumama ang impresyon nila kay Asher.

Kahit pa nasaktan ako ng ganito, hindi ko maitatanggi na mahal ko pa nga siya. Sobra. Sobra pa sa inaakala niya.

Tumayo ako sa aking higaan. Dumiretso ako ng upo sa sahig habang nakapaligid sa akin ang mga bolang papel na nilukot ko kanina. Laman ng mga papel na 'yon ang mga tula ko para sa kaniya. Mga tula na hindi ko alam kung pinahalagahan ba niya. Mga tula kung saan doon ko lamang naipaparating sa kaniya ang pagmamahal ko na para lamang sa kaniya.

Gaya ng mga bolang papel na ito, nilukot din niya ang mga alaala namin at tinapon na lang kung saan. Ganoon lang kadali iyon sa kaniya.

Nanumbalik sa akin ang mga alaala naming dalawa. We've spent a year and a half loving each other pero it looks like all this time, all this damn time, ako lang ang nagmamahal.

It was all one-sided.

Kung minahal niya talaga ako, nandito pa siya. Nandito siya sa tabi ko. Yakap-yakap ako, hinahalikan ang noo ko at kinakantahan ako. Hindi sana ako nandito na nasasaktan, iniisip kung saan ba ako nagkamali, saan ba ako nagkulang. Hindi sana ako umiiyak gabi-gabi, iniisip kung bakit siya nag-iba, kung bakit nagkaroon pa ng iba kung sapat na ba talaga ako sa kaniya gaya ng sinabi niya.

Hindi sana ako nandito na hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin para sa kaniya, umaasang babalik siya, umaasang kahit papaano sumasagi ako sa isipan niya.

Napapikit ako at tuluyan nang hinayaan ang mga luha ko na tumulo sa aking pisngi. Hindi ko maintindihan. Sabi ko hindi na ako iiyak para sa kaniya. Sabi ko tama na ang ilang beses na umiyak ako para sa kaniya. Pero bakit gano'n? Bakit ako nasasaktan pa rin hanggang ngayon pero siya masaya na sa piling ng iba?

Bakit ako yung naging miserable e ako naman yung nagmahal ng tapat sa kaniya?

Habang nakapikit ako, hindi ko maiwasang maaalala siya. Lahat ng bagay tungkol sa kaniya pumapasok sa isipan ko. Lahat ng may kinalaman sa kaniya bumabalik sa akin.

INEFABBLE - Short Stories Collection #2Where stories live. Discover now