Mask

17 1 0
                                    

Sobrang lamig ng paligid.

Nandito ako sa usual spot ko sa isang parke. Hinihintay ko ang aking boyfriend dito hanggang sa matapos ang klase niya ng alas singko ng hapon. Kanina pa tapos ang klase ko na hanggang alas dose ng tanghali, tapos na rin ako sa duty ko sa work immersion na hanggang alas kwatro ng hapon.

Trenta minutos na lang at matatapos na rin ang klase ng boyfriend ko. Hindi naman ako mainipin na tao kaya naghintay na lang ako.

Kinapa ko ang aking bulsa. Isa-isa kong inalis ang laman nito hanggang sa madukot ko ang isang kulay asul na surgical mask. Dali-dali ko itong sinuot at pagkatapos ay isinuot ko na rin ang aking jacket.

Maya-maya pa'y kinuha ko ang cellphone ko. Binuksan ko ang aking Facebook. Tumambad sa akin ang samu't saring mga balita sa aking news feed.

BREAKING: The Philippines reports its first case of nCOv.

JUST IN: A 38-year-old woman from Wuhan, China positive for nCOv, the first case of nCOv in the Philippines.

Napatingin ako sa paligid ko. Lahat ng taong dumadaan sa harapan ko ay nakasuot ng mga masks. Bata man o matanda, nagtatrabaho man o estudyante, lahat ay may suot na mask sa kanilang mg mukha. 'Yung iba ang suot ay disposable surgical masks na kagaya ng sa akin. 'Yung iba naman ang gamit 'yung n95 na masks na palagay ko ay ginamit pa noong nagkaroon ng ashfall galing sa Bulkang Taal. May nakita din akong ang gamit pang mask 'yung may mga design pa na kalahating mukha ng kung sino-sino.

Lahat ay nag-iingat at umiiwas na mahawaan ng sakit. Lahat ay may halong kaba ang dibdib, takot na baka sa bawat taong makakasalubong nila ay mayroong nagdadala na ng sakit.

Napatingin naman ako sa isang taong walang suot na mask. Bitbit ang isang kulay brown na envelope, dumaan siya sa aking harapan at tuloy-tuloy na naglakad papalayo. Hindi alintana sa kaniya ang banta ng pagkakaroon ng sakit. Mas importante sa kaniya ang laman ng envelope na hawak niya na baka ang natatanging pag-asa ng kaniyang pamilya para makakuha ng pera.

Matapos ko makita ang taong iyon, may mga dumaan naman sa aking harapan na wala ring mga suot na masks. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang panic at pangamba habang nag-uusap.

"Naubusan na ng mask doon sa botika?" tanong no'ng isa habang karga-karga ang isang batang babae na wala ding mask na suot.

"Wala na. Naghanap na ako kahit saan, kahit sa Mercury, wala na din," sagot ng isa niyang kasama.

Habang papalayo silang naglalakad, napansin ko sa hindi kalayuan ang dalawang babae na wala ding mask. Nakatalikod sa akin ang isang babae at mukhang naghahanap sila sa online ng mabibiling mask.

"Putangina!" sigaw ng babae. "Ang mahal naman ng benta nila ng mask!"

"Bakit, sis? Magkano ba benta nila?" tanong ng kasama niya.

"Dalawang daan, isang piraso!" galit na sagot ng babae. "Sinasamantala nila ang sitwasyon, porket kailangan ng mga tao ngayon."

Nalungkot ako sa aking narinig.

Aware ako sa law of demand and supply. Aware ako na price changes when there is a calamity. Pero iisipin mo pa ba ang benta, ang perang kikitain, sa mga panahong ganito? Bakit kaya may mga taong mas gustong kumita ng pera kaysa intindihin ang kalagayan ng mga tao sa paligid nila? Hindi ba nila alam na apektado din sila? Akala ba nila immune sila?

Napailing na lang ako. Ayoko sanang manghusga dahil may iba't ibang rason kung bakit nila ito ginagawa. Pero sa kahit saang anggulo ko pa rin ito tignan, mali ito. Hindi ko gustong bumalik sa hayskul para lang malaman ang law of supply and demand dahil aware ako, pero iisipin mo pa ba 'yan sa panahon na ganito?

INEFABBLE - Short Stories Collection #2Where stories live. Discover now