Aswang sa Online

1.3K 36 6
                                    

WARNING: This story may contain strong language, offensive theme, adult content, depictions of sex, violence and elements that are not suitable for some audiences. Read at your own risk.

TUWANG-TUWA si Jervie habang kausap ang mga babaeng nakilala sa online. Paniwalang-paniwala ang mga ito na isang modelo na may dugong banyaga ang kanilang kausap.

Mistulang makina sa bilis ng pagtipa ang mga kamay ni Jervie. Bawat minuto, nakakatanggap siya ng mga friend request at mensaheng nais makipagkaibigan sa kanya.

Eksperto na siya pagdating sa pagpapanggap. Ilang babae na ang nauto niya sa online gamit ang iba't ibang larawan ng mga lalaking guwapo pero hindi kilala.

"Hi pogi! Gusto mo makarating ng langit?" Isang mensahe ang nagpalaki sa dalawang mata niya. Galing iyon sa account na may pangalang Maria Madonna.

Tatawa-tawang sinakyan niya ito. "Yes! Dahil mo 'ko do'n ngayon din! Kaya mo?"

"Sure!" Nagpadala ng litrato ang babae. Ganoon na lang ang pagkagulat niya pagtambad ng hubad nitong katawan. Halos mapa-Wow siya sa sarap. Picture pa lang, ulam na!

Hindi niya napigilan ang pagtigas ng pagkalalaki. Sa kinis ba naman ng babae, sino ang hindi matitigasan dito? Dagdag pa ang malusog nitong mga dibdib, ang mala-manikang mukha at ang mapupulang mga labi na nakanguso pa sa kanya.

Kulang na lang ay pasukin niya ang screen mahawakan lang ang maalindog na katawan ng babae.

"I wanna fuck you like an animal!" banat niya, ginamit pa ang linya sa kantang Closer ng Nine Inch Nails.

"You want a piece of me?"

"Yes, girl! Hit me baby one more time!"

"Open your cam, boy. I will drive you, crazy."

Napatda siya. Patay! Naalala niya, poser nga lang pala siya. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoong anyo at baka block ang abutin niya.

Ini-set niya sa "mark as unread" ang mensahe para hindi halatang nag-seen siya. Pagkuwa'y agad siyang nag-log out ng account at napabuga ng hangin.

Napagod ang mga kamay niya sa kakatipa sa keyboard. Ipinahinga muna niya ang katawan sa kama. Pagtingin sa wrist watch, pasadong alas-nuebe na pala ng gabi.

Ang cellphone muna ang kinalikot niya. Nagtungo siya sa website na puno ng mga entertainment videos. Umagaw sa atensiyon niya ang isang upload sa trends category na may pamagat na, "Aswang na Gumagala sa Online! Mag-ingat!" Nakuha ng pamagat ang daliri niya kaya pinindot ang play button.

Tinalakay sa video ang balita tungkol sa isang aswang na gumagala umano sa online. Sa lahat ng aswang, ito raw ang naiiba at higit na makapangyarihan. Nagtatago ito sa isang misteryosong account at nakikipagkaibigan sa mga lalaki. Pagkatapos makuha ang loob, dinadalaw nito ang mga biktima sa sarili nilang mga kuwarto para patayin at kainin.

Hagalpak ng tawa si Jervie. "Kagaguhan!" Balak yata ng uploader gumawa ng pelikula kaya lumalakas ang imahinasyon. Kung anu-anong fake news ang inilalabas makahatak lang ng sandamakmak na views. Kung mayroon mang aswang na gumagala sa online, wala nang iba kundi siya lamang.

Nakaramdam ng pagod ang mga mata ni Jervie. Ibinaba niya ang cellphone at pumikit. Naisip niya, kahit nakakapagod ang magtago sa mukha ng ibang tao, masarap naman ito sa pakiramdam. Wala nang mas sasarap pa sa pagpapalit ng anyo sa online gaya ng mga 'aswang' na katulad niya.

Ganoon kalagim sa mundo ng online. Marami ang nagpapanggap. Marami ang nagtatago sa iba't ibang mukha. Marami ang gumagamit ng iba't ibang pangalan. Dagsa ang gumagawa ng kung anu-anong kalokohan. Sa dami ng mga ito, hindi na malaman kung sino ang tao at sino ang aswang.

Shocker Files (Disturbing Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon