4

28.7K 726 21
                                    


Sa sumunod na mga oras ay nakalimutan ni Bianca na noon lang sila nagkakilala ni Greg. There was something about him that made it impossible to stay uptight. Masigla itong kausap, palakaibigan. At may sense of humor, one of the things she admired in a man. Hindi niya kayang tagalan ang seryosong lalaki na tila ba pasan ang mundo.

And it didn't hurt that he looked at her as if he found her as attractive as she found him.

"Sigurado akong kinukulit ka na naman ng mommy mo, Bianca," komento ni Jenny.

"Sinabi mo pa. Ilang beses kong ipinaliwanag sa kanya na hindi naman big deal sa ngayon kung wala pang asawa sa ganitong edad." Bumaling siya kay Greg. "Ikaw? Hindi ka ba kinukulit ng mother mo?"

Nabigla siya sa tanong at hindi na niya iyon mababawi pa. Ni hindi nga siya sigurado kung wala nga itong asawa. Nakakatatlong shot na siya at nawawala na ang tact niya.

"Oh, I'm sorry," bawi niya. "You aren't married, are you?"

His grin was sexy. Suddenly Bianca was breathless. "Yeah. Binatang-taring. Iyan ang sabi sa Katagalugan. And yes to your first question. Baka mas makulit pa ang mama ko kaysa sa mommy mo. I'm thirty-three, at ako na lang ang hindi niya nahihiwatigang nagbabalak mag-asawa."

She shook her head in dismay. "Pare-pareho ang mga magulang. Akala nila kapag nagpakasal ka, eh, iyon na ang magdadala sa iyo sa walang-hanggang kaligayahan."

"It does," sang-ayon ni Jenny. Masuyong nilinga ang asawa na nananatiling tahimik at nakangiti lang. "Kung hindi ba'y di wala na sanang gustong mag-asawa."

"Listen to her," sabat ni Pete. "Tinutukan niya ako ng shotgun para lang magpakasal kami."

Everybody laughed. Siniko ni Jenny sa tagiliran ang asawa. Tumayo si Pete at inakay ang asawa sa dance floor. Sumunod sina Carlo at Trisha.

"Care to dance?" anyaya ni Greg.

"You don't have to offer the obligatory dance. I won't mind sitting here."

Bahagyang napaangat ang mga kilay nito. "If you think it is obligatory, then you're very well mistaken, ma'am. I love to dance with you."

Her smile was pure pleasure. Nagiging magaan na ang pagngiti niya dahil sa nainom.

"Pero hindi ako marunong sumayaw. One of my frustrations."

"Sinisira mo ang sarili mong kaarawan. Isa pa, hindi naman mahirap matuto. Besides, isa sa mga favorite songs ko ang tinutugtog." He smiled at her boyishly.

She couldn't help not to smile back. "An Eric Clapton fan?" Kasalukuyang pumapailanlang sa ere ang Wonderful Tonight.

Kinuha ni Greg ang isang kamay niya. Hindi na niya namalayang nagpaakay siya rito sa dance floor. Sinimulan siyang isayaw nito.

She discovered that Greg's arms felt every bit as strong as they looked. Masyadong masikip ang dance floor, kaya hinapit siya nito sa baywang palapit dito.

Hindi niya nakuhang magprotesta man lang. Besides, it felt wonderful to rest her cheek on the soft cotton of his shirt. Nararamdaman at naririnig niya ang bawat pintig ng puso nito.

She raised her face to him. Halos hindi na niya ito maaninag sa nainom niya. "You dance well..."

His eyes hooded. His smile soft. Hindi malaman ni Bianca kung sino ang mas maraming nainom sa kanila. Sa sulok ng isip niya ay walang ginawa si Carlo kundi salinan ang baso nilang lahat at pagkatapos ay kakanta ng birthday song.

"Practice makes perfect," wika nito. "Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga kapatid na babae."

"May... mga kapatid kang babae?"

"Dalawa. Ang bunso'y halos dalawang taon nang kasal at nasa ibang bansa. Ang sumunod sa akin, si Sam, ay dalawang babae ang anak. Sa tuwing JS prom ng mga iyon ay sa akin nagpa-practice para sa sayaw sa cotillion."

"Nag-iisa lang ako." Napakunot-noo siya na tila noon lang naisip iyon. "Marahil kaya masyadong nag-aalala sa akin si Mommy."

"Twenty-eight is not that old, Bianca."

She pouted, unconscious of how pretty she looked. "Tell that to my mother. Besides, I'll probably die an old maid." Hindi niya malaman kung bakit nasabi niya iyon.

"Oh, I don't think so."

She stared at him, blinking owlishly. "Hindi? Paano mo naman nasabi iyan?"

He shrugged. "You're too lovely to be destined for an old maidhood."

"Why, thank you," she said breathlessly, taking the compliment graciously. Nasisiyahang inihilig niyang muli ang mukha sa dibdib nito.

Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap ni Greg sa kanya. But she didn't care. Being in his arms felt good.

Natapos ang awitin ni Eric Clapton pero nanatili sila sa gitna ng dance floor kasama ng ilan para sa panibagong tugtugin. The music was a slow romantic ballad. Marahang umangat ang mga kamay ni Greg sa likod niya. Bianca felt a slow shiver work its way up her spine, an awareness she'd never felt before.

Hindi na gaanong gumagalaw ang mga paa nila. Para bang pakunwari na lang na nagsasayaw sila. Muli siyang tumingala. Their gazes locked. The room, the night, everything faded away, she was lost in his brilliant eyes.

Habang ibinababa nito ang mukha, hindi niya matiyak kung may mali sa kanyang paghinga. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat nito, her lips parting in soft anticipation.

When his lips touched hers, it felt so right, so perfect that a sigh came out of her throat. Para bang nahalikan na siya nito noon pa man. Her arms slid upward to circle his neck as her mouth softened beneath the pressure of his lips.

His lips were warm and firm, coaxing, hungry, demanding, promising. Bianca's head spun with the pleasure of it. Tomorrow she might blame her reaction on too much wine, but tonight she had the sense of destiny. This moment, this kiss had to happen.

Bahagyang kumurap ang mga mata niya nang marahan siyang ilayo ni Greg. Tila ba walang nakapansin sa mga nangyari. Tila silang dalawa lang ang naroroon. Tumitig siya rito, pakiramdam niya ay tila ba nahuhulog siya sa nangingislap nitong mga mata.

She was falling further and further until she could never climb out.

Pagkatapos ng ilang sandali ay naging malabo na ang lahat. Nang muli niyang alalahanin ang mga nangyayari, naging tila hiwa-hiwalay sa mga alaala niya. Pakiramdam niya ay naging maluwang ang kinatatayuan nila. Na tila nawala ang lahat ng mga tao. Ngunit pakiramdam niya ay idinuduyan pa rin siya.

Nakarinig si Bianca ng mahinang tawanan. Ng palakpakan at pagbati. Muli ang alok ng alak ni Carlo. And she had a vague sense that she was the center of this approval. Malinaw sa kanya na may hawak siyang bungkos ng mga bulaklak.

Bakit siya may hawak na bulaklak?

Naramdaman niyang may muling humalik sa kanya. Kapareho ng halik noong nagsasayaw siya. There was someone with her, in dim and private. Someone strong and warm who held her, kept her safe. 

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon