"Bianca? Bakit bigla kang napasugod?" Bumaba ang tingin ng mommy niya sa maletang hawak niya. "Bakit may dala kang maleta? Nag-away ba kayo ni Gregorio?" sunod-sunod na tanong nito nang dumating siya sa kanila.
"Maaari bang dito muna ako, Mommy?" Sinikap niyang maging kalmado ang tinig pero hindi niya magawa. Ang pinipigil na mga luha ay nag-uunahang bumagsak sa mga pisngi niya.
Inabot ng mommy niya ang maletang hawak. "Ano ka ba namang bata ka. Siyempre naman. Maupo ka." Naupo siya sa sofa. "Ano ba ang nangyari?"
Hindi makasagot si Bianca. Hindi niya gustong sabihin kung ano ang nangyayari. Kahit kanino. Ang gusto niyang gawin ay magkulong sa silid niya sa itaas at huwag nang lumabas doon magpakailanman.
"I-iniwan ko si Greg," she said in a trembling voice.
"Bakit?" Magkahalong pagkagulat at pag-aalala ang mababanaag sa mukha ni Mrs. Sebastian. "Nag-away ba kayo?"
"Hindi kami nag-away, Mommy." Isinandal niya ang likod sa sofa. Napapagod siya sa mga nangyayari. "And I'm not falling in love with him."
Hindi niya alam kung bakit sinabi niya iyon gayong hindi naman iyon ang itinatanong ng ina. She felt so defensive. Ipinikit niya ang mga mata at hiniling na sana ay hindi na nangyari ang lahat.
"I've been so stupid."
"Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari. Aayusin natin kung anuman ang problema n'yo ng asawa mo. Wala namang problema na hindi nalulutas."
"It started off all wrong," usal niya habang nakapikit. Nag-flash sa isip niya ang mga alaala habang unti-unting idinetalye sa ina ang lahat.
Nahirapan siyang ipaliwanag sa ina kung bakit siya pumayag sa suhestiyon ni Greg na magsama sila. Muli, gumaralgal ang tinig niya nang sabihin ang pasya niya na hiwalayan ang asawa. Alam niyang tama siya. Natitiyak niya iyon. Pero hindi niya inaasahan na ganoon kasakit ang resulta niyon. Lalo na nang sabihin niya sa ina ang sinabi ni Greg na isa siyang duwag.
Marahan siyang niyakap ni Mrs. Sebastian. Sapat iyon upang tuluyang kumawalang lahat ang mga luha niya. She cried until she didn't have the breath to cry anymore.
"Magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap," wika ng mommy niya, lumakad patungo sa minibar. "A little brandy would do you good."
Pagkatapos inumin ang isang shot na ibinigay ng ina ay pumanhik na siya sa itaas. Ganoon pa rin ang ayos ng silid niya magmula nang umalis siya. The room held a lot of memories. And at the moment, it felt safe. Pumasok siya sa banyo at naligo. Umaasang sana ay tangayin ng tubig ang lahat ng sakit at kalituhang nararamdaman niya.
Pagkatapos maligo ay nahiga siya at nakapagtatakang agad na nakatulog.
UMAGA na nang magising si Bianca. Sa kusina ay naroon ang ina at nagluluto ng almusal.
"O, magkape ka na," anito. "Nakatulog ka ba?"
Tumango siya. Pagkatapos ay nagsalin ng kape sa tasa.
"Mag-usap tayo," diretsang pahayag ni Mrs. Sebastian nang maupo siya.
"Tinapos ko na ang pagsasama namin. End of story." Dahan-dahan niyang hinigop ang kape.
"Tama si Greg nang sabihin niyang duwag ka," malumanay na wika ni Mrs. Sebastian. "Hindi dahil sa kinakampihan ko siya."
"Sa simula pa lang alam ko nang walang patutunguhan ang relasyon namin, Mama. Napapayag lang niya ako," aniya. "Mommy, sorry kung nagsinungaling kami sa inyo."
"Wala na sa akin iyon, anak. Pero sino'ng may sabi na walang patutunguhan ang pagsasama ninyo?"
"It's obvious, isn't it?" Muli siyang humigop ng kape bago itinuloy ang sinasabi. "Hindi namin kilala ang isa't isa. Isang pagkakamali ang nangyari sa aming dalawa. How can we build anything on a beginning like that?"
Naupo sa kabilang gilid niya ang ina. "Hindi mahalaga kung gaano mo kakilala o hindi ang pinakasalan mo, Bianca. Marami kayong panahon para kilalanin ang isa't isa. Kapag nagpakasal ang dalawang tao, nagsisimula pa lang nilang kilalanin ang isa't isa. At ang pangyayari kung paano kayo nagpakasal ay isang magandang istorya na maikukuwento mo sa mga anak ninyo ni Greg."
"There aren't going to be any children, Mommy, because there isn't going to be a marriage," deklara niya.
"Alam mo kung ano ang problema? Ikaw. Takot kang magmahal. Takot kang masaktan."
"Hindi, Mommy. Kapag kilala mo ang isang tao, may tiwala kang hindi ka niya sasaktan," giit niya.
"In more ways than one, we hurt the people we love, Bianca. Bahagi iyon ng buhay. Hindi man natin gusto pero nangyayari. Kahit gaano ka pa kakilala o kamahal ng isang tao ay hindi iyon garantiya na hindi ka niya masasaktan. Sa palagay mo ba ay hindi kami nagkaproblema ng daddy mo?"
"Of course, you had your problems. Alam ko namang hindi naiiwasan iyan sa isang relasyon. Pero iba pa rin kapag kilala at mahal mo iyong tao at alam mong mahal ka niya."
"May isang pagkakataon sa buhay namin ng daddy mo na binalak ko siyang iwan, Bianca..."
Napatuwid siya ng upo sa sinabing iyon ng ina. "Hindi mo nasabi sa akin iyan. Bakit?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "I thought he was having an affair. Noong akusahan ko siya sa bagay na iyon ay hindi siya nakipagtalo. Tinitigan lang ako ng daddy mo at sinabing paniwalaan ko raw ang gusto kong paniwalaan. Muntik na akong umalis pero dahil mahal ko siya, hindi ko siya iniwan. Natuklasan kong mali ang hinala ko."
Naiiling na inilayo ni Bianca ang tasang hawak. "Kung kayo ni Daddy na mahal ang isa't isa ay muntik nang magkahiwalay, paano pa kami ni Greg?"
Malungkot itong umiling. "Nasabi ko na ang maaari kong sabihin, Bianca. Marahil ay tama si Greg na sabihing duwag ka. Iyan din marahil ang dahilan kung bakit inabot mo ang ganyang edad bago nag-asawa. Takot kang masaktan, takot mabigo. Pero ang buhay ay pakikipaglaban, hija. Walang sino mang nakatitiyak sa buhay na ito. At hindi tamang wala pa mang problema'y tinakbuhan mo na." Tumayo ito, hinawakan siya sa balikat. "Nalulungkot lang ako sa bagay na pinakawalan mo, Bianca."
Hanggang sa lumabas ng kusina ang ina ay hindi siya kumibo. Parang pinalalabas nito na mali siya at si Greg ang tama.
Tama ba ito? Tama ba si Greg? Was she really a coward?
BINABASA MO ANG
When Fools Rush In (COMPLETED)
Romance"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy...