6

27K 711 35
                                    


"Shut up!" Bianca hissed. "Nakuha mo pang magbiro!" Dinampot niya ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.

This can't be happening! Nagmamadali niyang tinungo ang banyo. Umaasa siyang paglabas niya ay wala na ang lalaking ito at panaginip lang ang lahat.

Naghilamos siya. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata, trying to piece together the memories of the night before. He'd kissed her and made love to her. He remembered his gentleness, iyon ay sa kabila ng marami na itong nainom, tulad niya.

Nakapagtataka namang malinaw iyon sa isip niya. She'd really done it. She had sex with a stranger. Then married him. Oh, no. Not in that order. Married a stranger and had sex with him. At least, there was nothing immoral about it.

Hah! If that was of any consolation.

How could she had done this kind of irresponsibility?

Paglabas niya ng banyo ay bihis na rin si Gregorio at nakaupo sa gilid ng kama at hinihintay siya. "Look..." he started.

Iwinasiwas ni Bianca ang kamay. "Hindi ko gustong pag-usapan ang nangyari. That document is fake!" Itinuro niya ang hawak nitong papel.

"It looks genuine," he said. "Unless this isn't your signature." Itinuro nito ang pirma sa ibaba ng dokumento. "Sa iyo ba ang pirmang ito?"

She gritted her teeth. Hindi gustong sumagot. Nakita na niya kanina ang signature niya. It was hers. Kahit humapay ang pagkakapirma natitiyak niyang kanya iyon.

"I don't know how this happened but I am certain this is my signature. The strokes were mine."

"No," pagpipilit niya sa matigas na tono. "Somebody made a joke of this. Hindi ako naniniwala diyan!"

"Paano ang nangyari sa atin? Hindi ba kapani-paniwala ang nangyari kagabi..." Nilinga nito ang kapirasong bloodstain sa kama.

Bianca gasped in horror. Then groaned. Sa kahihiyan at sa kung ano-ano pang damdaming nag-uunahan sa dibdib niya.

Pagkuwan ay kinalma niya ang sarili at hinarap ito. "So, all right, we made... we had sex. Hindi kita sinisisi roon, pareho tayong nalasing. It was all my fault—"

"Bianca, please calm down. Pag-usapan natin ito nang maayos. Ayon dito sa dokumento ay kasal tayo... So—"

"Naloloko ka na ba? Hindi puwedeng maging totoo iyan. Hindi tayo dapat—hindi kita dapat—" Hindi niya makuhang sundan ang sasabihin. Nagkakandautal na siya.

"Nagpakasal?"

"Tama at—"

"Then spent the whole night making love... our honeymoon?"

"Shut up!" muli niyang singhal dito, pilit pinaglalabanan ang kahihiyang nararamdaman. "Walang matinong tao ang gagawa niyan, kahit pa gaano karami ang nainom nila."

"People have done stranger things."

"Puwes, hindi ako ang ganoong uri ng tao. I don't do things like this or that on impulse." Ikinumpas ni Bianca ang mga kamay, indicating herself, the bed, at higit sa lahat ang kaharap. "And we're not married! Period."

"Pero ito mismo ang sinasabi ng mga dokumento. Kasal ka sa akin," ani Greg at iniharap pa sa kanya ang papel na para bang hindi niya nakita iyon. "At may singsing pa."

"Singsing?" Nanlaki ang mga mata niya. Tumuwid ang mga daliri. May singsing sa middle finger niya. Hindi niya napuna iyon kaninang naghihilamos siya. Lumipat ang mga mata niya sa daliri ni Greg. Naroon ang kaparis ng singsing na nasa kanya. Nanghihilakbot na hinugot niya sa daliri ang singsing at inihagis sa kama.

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon