"ISANG old maid," naiiling na sabi ni Mrs. Lucinda Sebastian habang pinagmamasdan ang pag-aayos ng anak. "Hindi ako makapaniwalang ang kaisa-isa kong anak ay magpapakatandang dalaga lang."
Bianca almost rolled her eyes. Ipinagpatuloy ang pagsusuklay. "Mom," she said in mild irritation, "matanda na ba ako sa tingin ninyo?"
Mula nang araw na tumuntong siya sa edad na beinte-singko, and that was three years ago, hindi na siya tinantanan ng ina. Tuwing kaarawan niya ay laging idinuduldol nito sa kanya na matanda na siya.
"Sa isang linggo, beinte-otso ka na, Bianca. Dalawang taon na lang at treinta ka na, ano ang tawag mo roon?" Bago makasagot si Bianca ay mabilis nitong dinugtungan ang sinabi. "Noong kapanahunan ko'y nag-aasawa na ang mga babae kinse pa lang."
"You're exaggerating, Mother."
"Pero tingnan mo ikaw, hanggang ngayon ay ni wala kang boyfriend!"
Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis sa ina. Tuwing sumasapit ang birthday niya ay ganoon nang ganoon ang usapan nilang dalawa. Sana'y ini-record na lang niya ang usapan nilang ito noong twenty-fifth birthday niya.
She pulled a Kleenex from the tissue box and patted the lipstick on her lips.
"Mommy, kung magsalita kayo'y parang isang malaking kasalanang hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend." She pouted her lips. Sinisipat ang pagkakalagay niya ng lipstick.
"You don't even have a man in your life, Bianca," patuloy ni Mrs. Sebastian at sinabayan ng paghugot ng pagkalalim-lalim na hininga. "Hindi mo ba gustong magkaasawa... at magkaanak?"
"Siyempre, gusto ko rin. Pero ano ba ang magagawa ko kung hindi pa dumarating ang lalaking para sa akin? Isa pa'y nag-e-enjoy pa ako sa buhay-dalaga. I'm leading a full, productive life. And I'm busy with my boutique. At hindi naman ako namumuhay na tila mongha. I go out with my friends once in a while." Nginitian niya ang ina pero ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi ko alam kung may mali sa pagpapalaki ko sa iyo, Bianca," patuloy nitong paghihinagpis at tinitigan siya nang matiim. "O, baka naman ikaw ay..." Ibinitin nito ang sinabi at nagdududang pinakasuri-suri siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Baka naman ikaw ay... tomboy?"
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paghalakhak. "Now, you're being ridiculous. Twenty-eight pa lang ako, Mommy, hindi eighty-eight!" Umiling siya, nasa mga labi pa rin ang labis na kaaliwan.
Isang buntong-hininga ang ginawa ni Mrs. Sebastian. "Nag-aalala ako sa iyo, Bianca. Paano kung wala na ako? Sino ang titingin sa iyo? Sino ang mag-aasikaso sa iyo kung wala kang asawa? Kahit boyfriend man lang ay mapapanatag na ako."
"Fifty ka pa lang, Mommy. You even look ten years younger. And you're strong and healthy. Hindi ka pa mawawala at aabutan mo pa ang mga apo mo." Dinampot niya ang bag sa ibabaw ng kama.
"Kahit manawari," patuloy nito. "At ang gusto ko lang naman ay maiiwan kitang maligaya, hija."
"Having a man in your life doesn't guarantee happiness, Mommy. Saka tingnan mo nga iyang mga nagsisipag-asawa nang maaga riyan, karamihan ay sa hiwalayan din nauuwi."
"Huwag mong tingnan iyan sa negatibong paraan, anak. It is just a matter of finding the right man."
"Exactly, Mommy. And right now, Mister Right seems nowhere to be found. But don't worry, Mother dear, when I find him, I'll be more than happy to latch on to him."
"Paano mong mahahanap ang 'right man' kung lagi ka na lang nasa boutique mo?"
"'Ma, I am socializing, trust me. At hindi ba kayo natutuwang may sarili akong matagumpay na negosyo?"
"Wala akong sinasabing masama sa boutique mo, Bianca. Ang totoo niyan ay natutuwa ako para sa iyo. Natitiyak ko rin kung nabubuhay pa ang papa mo ay ganoon din ang mararamdaman niya. But a boutique doesn't make up for not having a man. It is important to have someone in your life, darling. Someone to lean on, someone to share the good times and the bad."
"Natatandaan mo ba, Mommy? Iyan din ang sinabi n'yo sa akin noong nakaraang taon, and the year before that."
"Maganda ka at marami namang manliligaw pero bakit wala kang maibigan sa kanila, hija? Kailan ka ba huling nakipag-date?"
"Last week."
Sandaling natigilan si Mrs. Sebastian. "K-kanino?"
Nilingon niya ang ina. "Kay Ian. Mabait siya. Guwapo, and we had a wonderful time together."
Muling humarap si Bianca sa salamin, kunwa ay sinisipat ang sarili. Hindi niya gustong matawa at makadama ng guilt. Hindi naman siya nagsisinungaling. Taglay naman talaga ni Ian ang lahat ng mga sinabi niya. Tama ring nag-date sila. Inaya siya ni Ian na lumabas dahil may iniaalok itong insurance sa kanya.
Hindi nga lang niya masabi sa ina na binabae ito. Well, at least, hindi na siya kukulitin ng ina. Malaman lang na nakipag-date siya ay mapapanatag na ito.
"Mabuti naman kung ganoon," wika nito na medyo umaliwalas ang mukha.
She almost rolled her eyes. Just as she predicted. "Aalis na ako, Mommy. Puwede bang samahan mo muna si Tessa sa shop? Aalis ako nang maaga mamayang hapon."
"Walang problema. Pero bakit?"
"Baka gabihin ako ng uwi. Gustong i-celebrate nang maaga ng mga kaibigan ko ang birthday ko."
Tumango si Mrs. Sebastian at tumayo na. "O siya. Darating ako roon nang alas-tres."
Pagkalabas ng ina ay muli niyang sinuri ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang sariling repleksiyon.
Dalawang taon pa naman ang lilipas bago siya mag-treinta. Gayunman, ang tingin sa kanya ng ina ay tila otsenta anyos na siya sa halip na beinte-otso.
She sighed. Napakabilis lumipas ng panahon. Sa Lunes, beinte-otso na siya. And very much single. Ni walang boyfriend. O kahit prospective boyfriend.
Dapat ba niyang ikalungkot iyon? No. No... Kailanman ay hindi niya ikinabahala na single siya. Dahil hindi naman sa pagkakaroon lang ng boyfriend nakatuon ang paningin niya. Marami na siyang nagawa sa loob ng dalawampu't walong taon ng buhay niya.
She had her own very successful boutique and she loved her work. Sa katunayan nga ay nagbabalak pa siyang magtayo ng isa pang branch sa Virra Mall.
Inilapit ni Bianca ang mukha sa salamin. It looked much the same to her. The same delicate bones, na minana niya sa mommy niya. The same mouth, the lower lip just a bit too full. Wala pa naman siyang nakikitang mga guhit sa mukha. Kahit na pino. Hindi siya pumapalya sa paggamit ng mamahalin at imported na mga moisturizers.
Walang dapat ipag-alala.
BINABASA MO ANG
When Fools Rush In (COMPLETED)
Romance"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy...