10

24K 595 6
                                    

Kasalukuyang nililinis ni Greg ang kuwartong tutuluyan ni Bianca nang dumating si Carlo.

"Hey, Greg," bati nito, nakasandal sa may hamba ng pinto ng silid.

Nagsasalubong ang mga kilay na nilinga niya ito. "Hindi ba uso sa iyo ang kumatok?" naiiritang sabi niya. "O, di kaya'y hintayin ako sa ibaba?"

Bale-walang nagkibit si Carlo ng mga balikat. "Nariyan naman si Betty. Pinapasok niya ako. Bakit ba ang sungit mo na naman ngayon? Dati naman akong pumapanhik dito, ah."

"Sino naman ang hindi magsusungit sa ginawa mo? You set us up! Hindi ko alam kung paano at bakit mo ginawa iyon. Isa lang ang alam ko, ikaw ang dapat sisihin sa nangyari."

"Ano ba ang ginawa ko?" Carlo's face was the very picture of cherubic innocence. "Ang tanging setup na ginawa ko ay iyong ipakilala kayo ni Bianca sa isa't isa. Iyon lang."

Tiningnan niya ito nang matalim, tinalikuran ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"So, ano na ang nangyari?" mayamaya ay tanong nito.

Napailing siya. Natitiyak na niyang hindi palalagpasin ni Carlo na magtanong. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"You and Bianca."

"What about me and Bianca?"

"Ano na ang napagdesisyunan n'yo?"

"Saan?" Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Carlo. Kahit man lang sa pang-iinis ay makaganti siya sa ginawa nito.

"Sa inyong dalawa? Greg, inaasar mo ba ako?"

"Obvious ba?"

"Ano'ng nakain mo at inaayos mo itong kuwarto ni Sam? At bakit ikaw ang nag-aayos, nariyan naman si Betty."

"Dito na titira si Bianca simula bukas."

Carlo was speechless for a long moment. Na tila ba pilit inirerehistro sa isip ang ibig niyang ipakahulugan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Hindi nito naikaila ang kasiyahan sa tinig. "Tatlong araw na ang dumaan. Sinasabi ko na nga ba at kayo talaga ang para sa isa't isa. I knew it!" Mariin itong sumuntok sa hangin.

"Malalaman pa lang natin, Carlo," Greg pointed out with a dry smile. "We are giving the marriage a try."

"Maghintay ka lang. You and Bianca are going to be great together," Carlo said happily.

Greg sighed. "Sana'y tama ka." If truth be told, he'd never hoped anything quite so much in his entire life.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapani-walang simula bukas ay may asawa na siya. At simula rin bukas ay pag-aaralan na niya kung paano maging isang asawang lalaki. Napakahirap paniwalaan na sa loob lamang ng beinte-kuwatro oras ay magbabago ang buhay ng isa.

Kung sakali kayang alam niya ang kahihinatnan ng pagsama niya sa birthday party ni Bianca, papayag kaya siyang maimbita ni Carlo?

He shook his head. Imposibleng sabihin iyon.

That afternoon when he came home from Bianca's house, he had been thinking a lot. Hindi niya masasabing masaya siya na naikasal sa isang babaeng hindi niya kilala. But he wasn't precisely unhappy either. He'd been thinking that he needed something to shake up his life.

Marahil ay si Bianca iyon.

"It's going to be all right, Greg," putol ni Carlo sa pag-iisip niya nang tapikin nito ang balikat niya. "You'll see."

INIKOT ng tingin ni Bianca ang apat na sulok ng silid niya. Magiging bakante na iyon. She would surely miss her room. Hindi naman niya dadalhin ang lahat ng gamit niya. Gayunman, malaki ang nabawas sa mga iyon. Isang mahabang hininga ang pinakawalan niya.

Ilang oras na lang at magbabago na ang buhay niya. She was now a wife. Sa nakalipas na panahon ay hindi miminsang naitanong ng ina niya sa kanya ang tungkol sa pagbuo ng pamilya. Naitanong niya sa sarili kung magiging anong uri siya ng asawa. Pero kanina ay nabanggit sa kanya ng ina ang tungkol sa anak. She'd never thought about becoming a mother—until now.

Greg was another story. Sigurado siyang magiging isang mabuting ama ito. Responsable ito. Bagaman hindi pa naman niya ito nakikilala, she was sure he'd be good with children. Wala sa loob na hinimas niya ang tiyan. Ano nga kaya ang pakiramdam na may isang nilalang na nabubuhay sa loob niya?

Ang nangyari ba sa kanila sa cottage ay sapat na upang sa susunod na mga araw ay matuklasan niyang taglay niya sa sinapupunan ang magiging anak nila ni Greg?

Magkahalong tuwa at kaba ang bigla niyang naramdaman kung sakali ngang mangyari iyon.

Napaungol si Bianca dahil wala siyang karapatang mag-isip o umasam man lang doon. Dahil ni hindi siya sigurado kung tatagal ang pagsasama nila ni Greg.

Isang mahinang katok ang nagpalingon sa kanya sa may pinto. Sumungaw si Mrs. Sebastian.

"Bianca, anak..." Humakbang ito papasok. "I'm really so happy for you."

"Thanks, Mom. Paano iyan, wala ka nang kasama rito sa bahay."

"Ano ka ba? Nariyan naman sina Emma at Jose," sagot nito na ang tinutukoy ay ang mag-asawang katulong nila. "Sigurado akong magiging masaya kayo ni Greg, anak. I can see that your husband cares for you."

Cares for me? Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Ang alam niya, kaya ginagawa iyon ni Greg ay dahil wala itong pagpipilian kundi ituwid ang isang pagkakamali. He was a noble man.

"Siyanga pala, nasa ibaba si Jenny."

"Si Jenny?"

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon