Habang inilalabas ni Greg ang delivery truck sa parking area ng mall ay pinapagalitan niya ang sarili. Hindi niya nasabi ang dapat na sabihin. Ilang gabi na niyang pinaghandaan iyon. Pero ni alinman sa mga iyon ay hindi niya nasabi kay Bianca. Kahit isang salita.
Ilang araw niyang tiniis na wala si Bianca sa bahay. Gusto lang naman niya itong mag-isip. Malaman nitong mali ang ginawang pag-alis. Pero hindi siya makatiis. His house felt so damned empty without her. Kaya niya ito pinuntahan ay para sabihing umuwi na at bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang pagsasama nila. Sa halip ay nakipagtitigan lang siya kay Bianca.
Why didn't you tell her how you felt?
Paano ba niya sasabihin kay Bianca na kailangan niya ito? That his life was empty without her. That he was in love with her. Na kahit hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya ay maghihintay siyang mahalin nito. Hindi pa rin siya naniniwalang sa ganoon lang magtatapos ang lahat sa kanilang dalawa.
They felt so right to each other. Kailangang maramdaman iyon ni Bianca. Bakit ba hindi nito makita iyon? Bakit ba hindi maramdaman ni Bianca na mahal niya ito?
All he needed to do is give her another time. Maghihintay siya.
PAGDATING sa bahay ay tumuloy si Greg sa shop. Nakauwi na ang mga tao niya dahil pasado alas-singko na. Kinuha niya ang rocking chair sa dulo at sinimulang gawin dahil nagmamadali na ang may-ari niyon.
Ngunit ayaw kumilos ng mga kamay niya. Mula nang umalis si Bianca ay lagi na siyang ganoon. Tila ba walang silbi ang lahat ng gawin niya. Buong buhay niya ay ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Kapag kailangan niya ng kasama, tatawagin lang niya ang mga kaibigan ay ayos na sa kanya. Pero ibang paghahangad ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Hindi niya kailangan ng kaibigan o kasama. Si Bianca ang kailangan niya. There was an empty space inside him that only she could fill.
Dapat noon pa ay sinabi na niyang mahal niya ito. Hindi marahil ito umalis. Sabi nito ay walang pundasyon ang pagsasama nila. Pero hindi ba malaking pundasyon iyong mahal niya ito? Natatakot siyang baka tanggihan ni Bianca ang pag-ibig niya kapag sinabi niya ang nararamdaman.
Pero wala na ito. At tila hindi na gustong bumalik. Pero wala siyang balak na sumuko. Hahanap at hahanap siya ng paraan para bumalik ito. He would convince her that this crazy marriage was the best thing that had ever happened to either one of them.
"Hey, Greg."
Nilingon ni Greg ang nagsalita. Si Carlo. Nakatayo ito sa may pinto ng shop sa likod dahil sarado na ang harap.
Matabang siyang ngumiti. "Maupo ka na lang kahit saan diyan. May kailangan ka ba?"
Carlo's expression was somewhere between guilt and depression. Huminga nang malalim si Greg. Kinalimutan muna niya ang problema kay Bianca at hinarap si Carlo na tinalo pa ang nalugi sa hilatsa ng mukha.
"Ano'ng problema mo? Break na kayo ni Trish?"
Umiling lang ito at tumingin sa kanya. "Greg, ilang taon na ba tayong magkaibigan?"
Kumunot ang noo niya sa tanong na iyon. "Since the beginning of time. Bakit, anniversary ba natin?" he said sarcastically.
Hindi agad nagsalita si Carlo. Ang anyo ay tila pasan nito ang mundo. "Hindi ako nagbibiro, Greg. Matagal na tayong magkaibigan, 'di ba?"
Umangat ang isang kilay ni Greg. "Ano na namang kalokohan ang ginawa mo? Nabangga mo ba ang kotse ko pagpasok mo ngayon sa garahe?"
"Nagkita kami ni Bianca kahapon."
BINABASA MO ANG
When Fools Rush In (COMPLETED)
Romance"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy...