5

27.5K 760 42
                                    


ISANG nakaririnding ingay ang nagpagising kay Bianca. Parang gustong sumabog ng ulo niya sa ingay na iyon. Gusto niyang tumayo at patayin ang pinanggagalingan ng ingay, ngunit lalo lang sumakit ang ulo niya nang piliting kumilos at iangat ang ulo.

Iniangat niya ang isang kamay. Kinapa ang maaaring maabot. Matigas na bagay ang nahawakan niya. May palagay siyang mesa iyon. Nararamdaman niyang nanginginig ang mesa. Nakapa niya ang pinanggagalingan ng ingay.

Cell phone. Nagba-vibrate pa iyon.

Pilit siyang dumilat para pindutin ang answer button at itinapat sa tainga niya. "Hello?" Her voice sounded as thick and fuzzy as she felt.

"Bianca? Ikaw ba 'yan?" wika ng nasa kabilang linya.

Hinawakan niya ang noo. Masakit ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong uri ng sakit. Tila ba binibiyak ang ulo niya. At maliban sa ulo niya ay may nararamdaman pa siyang nananakit sa katawan niya na hindi agad matukoy.

"Mommy..." she croaked. Nakapikit pa rin siya. Wala siyang balak bumangon. Lalo lamang tumitindi ang sakit ng ulo niya kapag kumikilos siya.

Dammit, if there was one thing she hated most—headache in the morning. "Mom, do you have to wake me up?"

"I need to talk to you, Bianca. You didn't even tell me."

Didn't even tell her mother what? "Saan ka ba naroroon nang ganito kaaga at napatawag ka?" she asked her mother. Nasa palengke na ba ito?

"Hindi ako dapat tumawag, pero hindi ako makapaghintay na sermunan ka," patuloy nito. Pero ang tono ng boses ng mommy niya ay hindi tonong gustong magsermon. Her mother sounded as if she was about to burst with pleasure.

In the first place bakit nga naman siya sesermunan nito? she thought groggily. Nagpaalam naman siya kahapon na gagabihin siya ng uwi.

"Mom, bakit ba? Inaantok pa ako... masakit ang ulo ko." Ibinaon niya ang mukha sa unan, umaasang mawala sa linya ang ina at talagang io-off niya ang cell phone.

"Hija, bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi naman ako tututol, alam mo iyon."

"Ano ba ang pinagsasasabi ninyo?" She groaned, mula sa tumitinding sakit ng ulo at sa sinasabi ng ina.

Hinawi niya ang buhok na nakasabog sa mukha niya. Slowly, she opened her eyes, wishing the headache gone. Ang unang natuunan ng paningin niya ay ang kisame. No. That was wrong. Walang kisame siyang nakikita. Ang nasa itaas ay sala-salabat na kawayan at bubong na nipa.

Kawayan. Nipa. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa cell phone. This wasn't her room! Kaya siya tinatawagan ng ina dahil wala siya sa bahay nila! Hindi niya nakuhang umuwi nang nagdaang gabi!

Tuluyan na siyang nagmulat ng mga mata. Lahat ng hibla ng antok ay tuluyang naglaho, pero hindi ang sakit ng ulo at katawan. Iginala niya ang paningin sa hindi pamilyar na paligid.

Inalis ni Bianca ang puting kumot na nakatabing sa katawan niya at nagtangkang tumayo nang matantong hubad siya.

Hubad? As in hubad.

Nasaan siya? Bakit siya nakahubad? At bakit parang nananakit ang katawan niya? There was something she should remember.

Naririnig niya ang boses ng mommy niya mula sa hawak na cell phone. Subalit ang atensiyon niya ay wala na rito. Mas may mahalagang bagay na nagpipilit umokupa sa isip niya... mas mahalaga pa kaysa sa sinasabi ng mommy niya. Sinisikap niyang alalahanin kung ano ang nangyari sa nakaraang gabi subalit ayaw gumana ng isip niya.

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon