18

24.9K 608 31
                                    


"Ingatan mo ang anak ko, hija," bilin ni Mrs. Vargas nang ihatid nila ito sa airport. Napag-alaman niyang pinalabis ni Betty ang mga sinasabi nito at ginatungan ang ginang. "Pasensiya ka na sa mga ginawi ko. I wish we had more time together. I want to make it up to you."

She smiled faintly. "Marami pa naman pong panahon."

"Ikumusta mo ako sa pamangkin ko, 'Ma, at kay Luchie," bilin ni Greg na lumapit matapos ipasok ang bagahe ng ina.

"Puro babae ang mga apo ko sa mga kapatid mo, Greg. Bigyan mo ako ng lalaki nang hindi matapos ang lahi ng ama mo sa iyo," anito, lumipat ang tingin kay Bianca. "I misjudged you, dear. Hayaan mo, kapag nagdalang-tao ka'y babalik ako kaagad. Magbabakasyon ako nang matagal. Hindi kami nagkaroon ng mahabang pagkakataon ng mommy mo na mag-usap..."

Napangiti si Bianca. Minsan lang nagkausap ang dalawang matanda at si Greg pa ang nagpilit sa ina na magtungo sa bahay nila.

"Hindi ko alam na pareho pala tayo ng hilig sa pagluluto," patuloy ni Mrs. Vargas. Nilinga nito si Greg at banayad na tinapik ang pisngi ng anak. "You've made the right choice, Gregorio."

"Ako pa?" ani Greg, grinning from ear to ear.

Yumuko si Mrs. Vargas at binulungan siya kasabay ng halik sa pisngi niya. "My son loves you, Bianca. I wish you and Greg all the happiness."

Hindi malaman ni Bianca kung ano ang sasabihin. She was overwhelmed. Namuo ang luha sa mga mata niya. Sana nga ay totoong nagmamahalan sila ni Greg.

Nang marinig nila ang announcement ng flight ay nagpaalam na sina Alice at Mrs. Vargas.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Bianca habang naglalakad sila ni Greg pabalik sa sasakyan.

"Sisisantehin na ba natin si Betty?" tanong ni Greg.

Umiling siya. "Huwag na. Kawawa naman 'yong tao."

THEIR marriage stepped into a new phase. Tila nakalimutan na nilang pareho ang deal nila. Namumuhay sila tulad ng pangkaraniwang mag-asawa.

Pero habang lumilipas ang araw ay pareho na silang nagiging abala. Sinimulan na niyang buksan ang panibagong branch ng boutique niya sa Greenhills. Si Greg naman ay tumanggap ng kontrata sa Pasig na ito mismo ang gagawa ng mga built-in cabinet sa isang mansiyon doon.

Gusto niyang isipin na dahil pareho sila ni Greg na lumaking independent kaya parang okay lang na hindi sila dumedepende sa isa't isa. Pareho silang may mga trabaho. Bakit pa sila nagsama kung hindi nila kailangan ang isa't isa?

Yet their nights hadn't changed. Each lovemaking was better than the last. But marriage couldn't be built by sex alone.

"'Morning, honey," bati ni Greg habang nagma-madaling ibinubuhol ang sintas ng rubber shoes nito.

"Kumain ka muna bago ka umalis." Inihahain niya sa mesa ang nilutong agahan.

"Coffee na lang, dear. Kailangang matapos ngayon ang cabinet sa silid ni Mrs. Aguilar."

"Bahala ka." Itinago niya ang inis. Coffee na lang, dear. Tila ito commercial sa television.

Lumapit si Greg at hinapit siya sa baywang. "Busy lang talaga ako. Promise, I'll make it up to you."

"Kahit huwag na."

"Honey..." anito. "I really have to go. Babawi ako." Hinagkan siya nito sa pisngi.

Inihatid niya ito sa labas. Pero nang bumalik siya sa loob ay gusto niyang ihagis ang mga kasangkapan sa inis. Ilang linggo nang pinalampas ni Greg ang agahan. Si Betty na dating tingting sa kapayatan ay tumaba na, dahil ito ang kumakain ng lahat ng mga agahang hindi nakakain.

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon