12

23.5K 619 5
                                    


KINAHAPUNAN ay nasa kanila na si Greg. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Bianca. Napakabilis ng mga pangyayari. Simula ngayon ay iba na ang buhay niya, pati na rin ang bahay.

"Mag-iingat kayo," bilin sa kanila ni Mrs. Sebastian.

"Yes, 'Ma," tugon ni Greg habang inilalagay nito sa trunk ang mga bagahe ni Bianca.

"'Ma, alis na kami," paalam ni Bianca sa ina at niyakap ito. "Mami-miss kita."

"Naku, itong batang ito. Para namang sa ibang bansa ka pupunta. Sige na kayo. Agad ninyo akong bigyan ng mga apo, ha, Greg?"

Ngumisi si Greg. "Huwag kayong mainip, Mama."

Siniko ito ni Bianca sa sikmura. He laughed. Binuksan nito ang passenger seat para sa kanya. Hindi malaman ni Bianca kung matutuwa o malulungkot sa anyo ng ina habang kumakaway. Talagang ipinagtatabuyan siya nito sa pag-aasawa.

"Mabuti naman at hindi mo dala lahat ng gamit mo," ani Greg nang inilalabas na nito ang sasakyan sa garahe nila.

"Bakit mo nasabi iyan?"

"Ayokong isipin mo na ikukulong kita sa bahay. Kung gusto mong magpunta sa bahay n'yo, okay lang. Basta ba sasabihin mo lang sa akin."

Hindi siya sumagot. Dati ay sa mommy niya siya nagpapaalam, ngayon ay may asawa na siyang isasaalang-alang sa mga kilos niya.

"Darating nga pala si Mama sa Wednesday," patuloy ni Greg nang manatili siyang tahimik.

She gasped. "Ang mama mo?" Hindi sumagi sa isip niya ang mama ni Greg dahil nasa ibang bansa naman ito. Ngayong sinabi nitong darating ito ay bigla niyang naisip na baka ito ang uri ng ina na tila inilalagay sa microscope ang pagkatao ng asawa ng anak.

Kunot-noo siyang nilingon ni Greg. "Bakit parang nakakagulat sa iyo ang sinabi ko?"

"Alam ba niya na nag-asawa ka na?"

Umiling ito. "Tulad ng mommy mo, she would be surprised."

"Paano kung magalit siya? Paano kung hindi niya ako magustuhan? What if she hates me?" Umaagos ang insekyuridad sa tono niya.

Greg smiled. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. "You worry too much. Baka nga matuwa pa iyon at nag-asawa na ang panganay niya."

"Nasaan ba ang mama mo?"

"Nasa Italy. Mula nang magdalang-tao ang bunso kong kapatid ay naroon na si Mama. Pero twice a year ay umuuwi iyon. Alam mo ba kung bakit?" Umiling siya. "To check kung may girlfriend ako o mapapangasawa man lang. At kapag nalaman niyang wala, tatawagan noon lahat ng mga kaibigan niya at magpa-party kasama ang mga anak na dalaga ng mga ito. Papipiliin ako sa mga iyon."

Napatuwid sa pagkakaupo si Bianca. Ganoon ba talaga ang mga magulang? Pinupuwersa ang mga anak sa pag-aasawa?

"Kapag wala akong napili. Siya na ang pipili at ipipilit sa akin. Wala akong choice kundi sakyan ang mga pakulo ni Mama. In the end, ako pa rin ang masusunod," patuloy nito na natawa.

"Bakit nga ba hindi ka nag-asawa? What I mean is, noong pinipilit ka ng mama mo."

He shrugged. "I don't know. Siguro dahil na rin sa pamimilit ng Mama. Mientras akong pinupursigeng mag-asawa, lalo namang tila gusto kong manatiling walang sabit. Isa pa'y naniniwala ako na darating at darating din ang babaeng makakasama ko habang-buhay. Hindi kailangang ipilit."

Napalunok siya sa sinabi ni Greg. Nilinga ito at tinitigan nang husto. Ano'ng gustong sabihin nito? Na napipilitan lang ito na ituloy ang napagkasunduan nila? Na hindi siya ang babaeng tinutukoy nito? At sa bandang huli ay iiwan din siya kapag natagpuan na nito ang babaeng sinasabi nitong tama para dito?

"Bakit ka ganyan makatingin? Para namang may ginawa akong napakalaking kasalanan," nakatawang sabi ni Greg.

Ibinalik niya ang pansin sa labas ng sasakyan. "Wala. Iniisip ko lang kung ano ang kahihinatnan ng ginagawa natin."

Greg chuckled. "In my opinion, it's going to be fun."

Nanggigilalas na muli niya itong sinulyapan. "Fun? Ano'ng palagay mo sa ginagawa natin, laro?"

"Life's a game, Bianca. It's either you win or you lose. What happened to us was something out of the ordinary. At para sa akin, exciting ang susunod na mga araw sa buhay natin. Dahil simula bukas, kikilalanin kita."

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. "Balak mong gawing eksperimento ang pagsasama natin! I'm warning you, Greg. Hindi dahil pumayag ako sa ideya mong ito ay gagawin mo na ang lahat ng maibigan mo. Hindi natin kailangang ipilit ang isa't isa."

Bahagyang nagmenor si Greg. "Tama ka. Hindi natin maaaring pilitin ang isa't isa, Bianca. Hindi ako naniniwala roon. Life's a game, all right. But in this game, both of us must win."

"Let's have a deal."

"Anong deal?"

"I'll give us three months. Tatlong buwan para matiyak natin kung dapat tayong patuluyang magsama o hindi."

"What?"

"Kapag lumipas ang tatlong buwan at nakita nating hindi talaga tayo para sa isa't isa, maghiwalay tayo. You get a lawyer to process the annulment papers."

"Alam mo ba ang sinasabi mo?"

"Positive," walang emosyong tugon niya.

Napahigpit ang hawak ni Greg sa manibela, sabay ng pagbuga ng hangin. "Women!"

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon