7

27.4K 675 19
                                    


SI GREG ay hindi inaalis ang paningin kay Bianca na paroo't parito sa apat na sulok ng silid na iyon. There was something so essentially feminine in the gentle sway of her hips. He remembered the way she looked this morning, the sheet wrapped around her gorgeous body, her hair tangle on her shoulders, her eyes full of shock at finding him in the bed beside her.

She was still beautiful, kahit may hangover pa. Saglit na napangiti si Greg, kahit lasing siya ay hindi pa rin siya nagkamali sa pagpili ng babae.

Subalit agad din niyang inalis ang mga iniisip. Seryosong bagay ang kinasasangkutan niya ngayon. Dapat ay makakaramdam siya ng takot o mangilabot man lang sa mga nangyari. Nang dahil sa pagkalasing ay umabot siya sa sitwasyong iyon. Pero sa pagtataka niya, hindi takot o pangingilabot ang nararamdaman niya.

And last night, though he was drunk, was something to be treasured.

Naagaw ang pansin niya nang lumakad si Bianca patungo sa rolling tray para magsalin ng kape. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito. She was so tensed. Hindi siya magtataka kung mag-crack ang tasa sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito roon. Her eyes reflected all the distress he should be feeling, too, but wasn't.

"Nangyari na. We're married and that's all there is to it. Wala nang dahilan para magsisihan pa tayo," ani Bianca na nakatingin kay Carlo. Hatred reflected in her eyes. "Ang kailangan nating gawin ay ayusin ang gulong ito. We will file annulment. That simple."

Isang katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo. Napatitig dito si Greg. She was sipping her coffee in silence.

"Bakit?" Umalingawngaw sa buong silid ang tanong na iyon ni Carlo.

"Anong bakit?" ganting-tanong ni Bianca. Si Greg ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanila.

"Bakit ninyo kailangan ng annulment?"

Bianca's mouth dropped open, her eyes wide in disbelief. "Naloloko ka na ba? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang dahilan?" She turned to Greg. "It's obvious, hindi ba, Greg?"

Naunahan siya ni Carlo sa pagsagot. "What is very obvious to everyone's eyes was your attraction to each other. So, anong masama kung nagpakasal kayo?" He lifted his cup in Bianca's direction. "Anyway, pareho naman kayong iisa ang problema sa kasalukuyan—inaapura kayo ng mga magulang ninyong mag-asawa na. Hindi ka na kukulitin ng mommy mo. Kasal ka na. Wala na siyang dapat ipag-alala."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Bianca sa sinabing iyon ni Carlo. May naalala. "Ang Mommy, tumawag siya sa akin ngayong umaga. She sounded different..."

"Oh, tinawagan niya ako maaga pa lang kanina dahil hatinggabi pa lang ay tinatawagan ka na niya. Walang sumasagot sa mobile mo..." Pilyo ang ngiting sumilay sa mga labi ni Carlo. "Sinabi ko sa mother mo ang totoo."

Bianca's groan had the sound of doom.

"So, there, Bianca," patuloy ni Carlo, "tapos na ang problema mo sa mommy mo."

"Hindi namin kilala ang isa't isa. Alam mo iyon." Tumingin ito sa kanya na tila humihingi ng tulong sa pagpapaliwanag. Pero hindi siya kumikibo at nakatitig lang kay Carlo habang nagsasalita ang lalaki.

"So what? Sa palagay ba ninyo'y lahat ng mga nagpapakasal ay magkakilala—I mean, do they really know each other? Ang nakikita lang ng isa't isa ay ang gustong ipakita ng bawat isa—good impression, 'yong best character. And marriage is only the start of knowing each other. It's a lifetime process, Bianca..." he said in a tone full of wisdom.

"Are you out of your mind?" Bianca exclaimed. Nilingon siya nito. "Bakit hindi ka magsalita? Bakit ako lang ang nagpapaliwanag dito? Bakit hindi mo sabihin sa kanya na kalokohan ang lahat ng ito?"

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon