"TONY, ikaw na ang bahala rito. Uuwi na muna ako," paalam ni Greg sa kapatas niya.
"Alas-dos pa lang, boss, ah. May lakad ka ba?"
"Kami ng misis ko." Nagmamadali niyang tinungo ang pickup at inilabas iyon sa garahe. Kaninang umaga pa siya hindi mapalagay nang umalis sa bahay.
Bianca was acting weird these past few days. Nagiging mainitin ang ulo. Hindi naman niya masisisi ito. Talagang naging abala siya noong mga nakaraang linggo. Naging sunod-sunod ang mga order sa kanya. At hindi niya nagawang tanggihan ang kontrata sa Pasig dahil malaki ang bayad na inialok ng may-ari. Iyon ang unang pagkakataong tumanggap siya nang ganoong trabaho.
Nakaramdam siya ng usig ng konsiyensiya na ilang agahan na ang pinalampas niya. Napansin niyang bihira na rin silang nagkakausap ni Bianca. Dalawang buwang mahigit na silang magkasama. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang hindi na binabanggit ng asawa ang tatlong buwang deal sa pagitan nila.
He promised himself that this would be the first and last job outside his shop. Hindi niya gustong maging sanhi ang bagay na iyon para ituloy ni Bianca ang deal. No amount of money could compensate his time with his wife.
NAGMAMADALING pumanhik sa silid si Bianca. Buo na ang pasya niya sa gusto niyang mangyari. Dapat ay noon pa niya ginawa iyon: end this foolish marriage before it was too late. Ipinagpapasalamat niyang wala pa ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa isa't isa. Magdadala lang iyon ng sakit sa kanilang dalawa ni Greg.
Hinablot niya ang sariling maleta. Nanginginig niyang binuksan ang aparador. Nahinto ang kamay niya sa ere nang mapansin ang pagkakaayos ng mga damit niya kasama ng mga T-shirts at polo ni Greg. Tila may pumigil sa kanya na kunin ang mga damit.
Humugot siya ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga damit, tinanggal iyon sa mga hanger at ipinasok sa maleta. Natitiyak niyang tama ang gagawin niya. Minadali lang ng pagdating ni Jenny ang pasya niyang tapusin ang kasal nila ni Greg.
They were both trapped into this marriage. Matagal na niyang pinag-iisipan iyon. Iyon tiyak ang dahilan kung bakit may mood swings siya noong nakalipas na mga araw—a clear sign that it was time to end this whole foolish experiment.
Nagmamadali niyang inilagay lahat ng damit sa maleta, hindi niya gustong maabutan pa ni Greg. Isang karuwagan sa parte niya iyon, pero hindi niya gustong harapin ito. Hindi niya gustong pakinggang muli ang mga argumento nito tungkol sa kanilang dalawa. Dahil sa kapirasong papel, binigyan niya ng lisensiya si Greg na gamitin ang katawan niya.
Napapikit siya roon. She wanted it, too. Totoo. Pero sa bandang huli ay natitiyak niyang siya ang talunang lalabas sa kaayusang ito. Gagawin na niya iyon bago pa siya tuluyang masugatan. Baka hindi niya kayanin.
Isinara niya ang maleta at binuhat iyon. Pagharap niya sa pinto, bulto ni Greg ang bumungad sa kanya. Bianca froze, the very picture of guilt. Ang mga mata ni Greg ay nagpalipat-lipat sa kanya at sa hawak niyang maleta.
"Bakit may hawak kang maleta?"
Nanatili siyang nakatulala sa asawa. Ni hindi niya makuhang magsalita man lang.
"Bianca, saan ka pupunta?" Nakaguhit ang pagkamangha sa mukha nito.
Inilayo niya ang tingin dito. Bakit maaga itong umuwi? Inaasahan niyang alas-sais na ito darating. Hindi siya handang magpaliwanag. Balak niyang sabihin iyon sa sulat. Paano ba niya ngayon ipaliliwanag ang dahilan kung bakit siya aalis?
"B-bakit maaga ka?" Iyon ang lumabas sa bibig niya. Ang maleta sa kamay niya ay tila iginugupo siya pabagsak.
"Sagutin mo ang tanong ko, Bianca. Saan ka pupunta?"
BINABASA MO ANG
When Fools Rush In (COMPLETED)
Romance"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy...