14

23.2K 631 24
                                    


MAAGANG gumising si Bianca kinaumagahan. Tinungo niya ang kusina para magluto ng agahan. Naabutan niya roon si Betty.

"Good morning, Betty," bati niya at pagkatapos ay binuksan ang mga naroong kaldero. "Betty, pakidurog mo naman itong natirang kanin kagabi."

"Bakit?" tanong ng katulong na tila galing sa ilong ang sagot.

Hindi naman iyon nakaligtas kay Bianca. Dahil simula pa nang dumating siya sa bahay na iyon nang nagdaang araw ay halos lumuwa na ang mga mata nito sa kaiirap sa kanya. Na hindi naman niya maintindihan kung bakit.

"Magsasangag ako," sagot niya sa pormal na tinig.

Nakita niya ang pag-ismid nito. "Hindi kumakain si sir ng tira-tira. Sa aso pinapakain iyon," maanghang nitong sagot.

Gustong magpanting ng tainga niya. Masyadong maaga para inisin siya. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Sundin mo na lang ang iniuutos ko. Puwede?"

Nagulat ang katulong sa sagot niya. "Mabuti kung kainin ni sir 'yan," bulong pa nito.

Muli niyang nilingon ang katulong. "Hindi ko gustong maasar nang maaga, Betty. Hindi ko rin gustong patulan ka. Pero gusto ko lang tiyakin sa iyo na ako ang maybahay at ako ang masusunod. Hindi ako mahirap pakisamahan. Pero kung pahihirapan mo ako, madali para sa aking dalhin dito ang isa sa mga katulong namin sa bahay at halinhan ka."

Napasinghap ang katulong. "Eh, ma'am—"

"For now, sige, magtrabaho ka ng iba at ako na ang bahala sa iniuutos ko sa iyo." Tinungo niya ang ref at inilabas ang nakitang beef tapa.

NAHINTO sa paglalakad si Greg nang madaanan ng tingin si Bianca sa may kusina. Hinahanap niya ito kanina pagkagising. Huminto siya at pinagmasdan ito. Nakatalikod ito, kaya sinamantala niyang panoorin ang bawat kilos nito. Her hair was in ponytail. Simpleng walking shorts at T-shirt lang ang suot. Napangiti siya nang mapadako ang tingin niya sa mga paa nito.

She was wearing his slippers! She looked casual, comfortable and deliciously attractive. Kahit hindi na siya mag-agahan, okay lang sa kanya.

Naaaliw siyang pagmasdan ito na panatag sa kusina niya. There was something so right about the picture, na para bang si Bianca lang ang hinihintay ng bahay niya para matawag iyong isang tahanan.

Nang sabihin niya kay Bianca na ituloy na nila ang nangyari sa kanila, iyon ay dahil guilt ang nararamdaman niya. Hindi kaya ng konsiyensiya niya na basta na lang itong iwan, pagkatapos nang nangyari.

For Pete's sake, the woman was a virgin. At kahit pa pareho nilang hindi kagustuhan iyon, he felt a strong responsibility for what happened.

Amoy ng niluluto ni Bianca ang nagpabalik sa diwa niya. Sinangag ba iyon? Ilang taon na rin siyang hindi nakakakain ng sinangag. Sa mama niya ang pinakamasarap na sinangag na natikman niya. Pagkalipas ng maraming taon, ngayon lang uli nagkaroon ng buhay ang kusina niya.

Tumikhim si Greg nang bahagya na kaagad namang nagpalingon kay Bianca. Nagtama ang mga mata nila. "'Morning," he said, his voice still husky from sleep.

"'Morning," ganting-bati ni Bianca. "Pasensiya ka na kung medyo pinakialaman ko na itong kusina mo."

"Kusina mo na rin ito," aniya at lumapit dito. "Ano ba 'yang niluluto mo?"

"Nothing special. Just breakfast." Naglagay ito ng placemat sa mesa at pagkatapos ay mga pinggan. Si Greg ang kumuha ng mga kutsara at tinidor. "Tara, kain na tayo."

"Not before I kiss my wife good morning." At bago pa makakilos si Bianca, niyakap niya ito at masuyong hinagkan sa mga labi.

Oh, god, how come it felt so good?

Umangat ang ulo niya mula rito pero hindi ang mga kamay niyang nakasalikop sa baywang nito. "Hindi kaya ikaw na muna ang aalmusalin ko? Amoy-fried tapa ka, wife."

Bianca swallowed. Hindi malaman kung paano ilalayo sa mukha ni Greg ang sandok. "I-iyon ang ulam natin at sinangag sa maraming bawang. G-gusto mo ba ng sinangag na maraming bawang?" Suddenly, biglang gumuhit ang insekyuridad sa mukha nito.

"Perfect! Hindi lang maganda ang asawa ko. Nakuha pa ang kahinaan ko. I even eat raw garlic, honey. Good for the heart."

Nakita niya ang pagkislap ng kasiyahan sa mukha ng asawa. His wife was so easy to please. His wife. Hmm. It had a nice sound to it. He kissed the tip of her nose.

Ngumiti ito at kumawala. "Let's eat then."

Hinila ni Greg ang upuan ni Bianca sa may bandang kanan niya. Pero bago naupo ay sinalinan nito ng kape ang tasa niya. Lagi naman siyang sinasalinan ng kape sa tasa ni Betty o ng mama niya kung narito iyon. Pero hindi niya maintindihan ang kasiyahang nadama sa simpleng gawain na iyon ni Bianca.

"Ihahatid kita sa shop ngayon at susunduin mamayang hapon?" ani Greg habang kumakain sila.

"Bakit?"

"Para tuloy na tayo sa airport. Susunduin natin ang Mama. Mamayang alas-singko y media ang touch down ng eroplano."

Tila binuhusan si Bianca ng malamig na tubig sa narinig. Nabitin ang kutsara sa ere. "Pero hindi ba't sa Wednesday pa 'kamo siya darating?"

"Tumawag siya kagabi. Napaaga ang uwi dahil bakasyon ni Luchie sa trabaho. Okay lang ba sa iyo?"

Nang hindi agad sumagot si Bianca ay inabot niya ang kamay nito at pinisil. "Kung may importante kang kompromiso ngayong hapon na hindi mo maipagpaliban, okay lang na ako na ang susundo. Pero kung ang dahilan ng pag-aatubili mo'y dahil kinakabahan kang makaharap si Mama, please don't, Bianca."

Isang sapilitang ngiti ang ginawa nito. "It's silly of me. Sa malaon at madali'y maghaharap kami ng mama mo."

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon