BUONG maghapong nakatitig si Bianca sa telepono. Hindi siya lumalabas sa opisina ng shop niya. Si Tessa ang hinayaan niyang mag-asikaso sa lahat ng customers.
Hindi niya maitanggi sa sarili na sa tuwing tutunog ang telepono ay umaasa siyang si Greg ang nasa kabilang linya. Pero laging mali ang inaasahan niya dahil hindi naman siya tinatawagan nito. O kahit magtungo man lang si Greg sa shop niya.
Iyon naman ang gusto niya, 'di ba? Paanong hinahanap niya ito? Somehow, she missed him so. She missed his house. She missed his shop and the carpenters who were all pleasant and nice. She missed Betty, too. Noong nakalipas na mga araw ay magkasundong-magkasundo sila. But there was no way she would go back to him.
Naputol ang pag-iisip niya sa tinig ni Tessa. May dumating na deliveries. Agad siyang tumayo subalit bigla rin siyang naupong muli. Umiikot ang buong paligid niya. Ilang araw na rin niyang nararamdaman ang pananakit ng ulo at pagkahilo.
"May dinaramdam ka ba?" nag-aalalang tanong ni Tessa nang makitang namumutla siya.
"Bigla akong nahilo."
"Kahapon ka pa ganyan. Hindi kaya nagdadalang-tao ka na?"
Napatingala siya rito. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Tessa. Hindi iyan magandang biro."
"Ano namang masama roon? May asawa ka naman, natural na magdalang-tao ka. Mabuti pa'y magpa-check up ka na lang. Sa kabilang building ay may doktor."
Tumango siya. "Ikaw na muna ang bahala rito."
"WALANG problema sa iyo, Mrs. Vargas. Iyong mga sinasabi mo sa akin ay sintomas ng isang taong nagdadalang-tao."
"Nagdadalang—" Hindi makuhang ituloy ni Bianca ang salita. She felt a sudden tightness in her throat. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa sinabi ng doktora. She felt more like fainting. "I can't be pregnant..." she whispered.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "May mga babaeng tulad mo ang nagiging reaksiyon. Pero lilipas din iyan. At para makatiyak ka, maaari tayong magpa-urine test. May laboratory naman dito."
I'm pregnant. Ni hindi niya napunang hindi dumating ang buwanang dalaw niya. Hindi rin niya iyon naiugnay sa pabago-bago ng moods niya. Kahit hindi siya bumili ng pregnancy kit ay natitiyak niyang tama ito.
But god, she couldn't be pregnant.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay sa resulta ng pregnancy test ay hindi malaman ni Bianca kung saang direksiyon siya pupunta. Malinaw ang isinasaad ng papel na hawak niya. Positive. Nagdadalang-tao siya. At base sa huling period niya, ayon sa doktora ay limang linggo na ang nasa tiyan niya.
Nanlulumo siyang naupo sa loob ng kotse niya at nakatanaw lang sa kawalan. She was carrying a child. Anak nila ni Greg. The thought brought a confusing rush of emotions tumbling after it. Noon pa man ay inilalagay na niya ang sarili sa sitwasyong may dalawang tao na bahagi ng buhay niya. Isang anak at ang ama. That was just part of her dreams. Hindi niya inaasahang magkakatotoo iyon.
Until Greg. Ngayon, hindi na iyon isang panaginip. It was reality. Nagdadalang-tao siya. Wala sa loob na dinama niya ang tiyan.
"Greg..." Bianca drew in a quick deep breath. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Gusto niyang puntahan si Greg at sabihin na daddy na ito. She wanted to feel his arms around her, to hear him say that he was happy about it.
Pero paano niya gagawin iyon? Siya mismo ang nagsara ng pinto sa pagitan nila ng asawa. Slammed it, in fact. Paano siya lalapit dito at sabihing gusto niya ng isa pang pagkakataon? Natitiyak niyang tatanggapin siya ni Greg, lalo na kapag nalaman nitong magkakaanak sila.
BINABASA MO ANG
When Fools Rush In (COMPLETED)
Romance"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy...