Chapter 5

366K 11.9K 4.1K
                                    

Dala ko hanggang sa pag uwi ang tanong kung bakit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Sir Cervantes. Malayong malayo sa batang Creed Cervantes na nakilala ng walong taong gulang na Maria. Malamig ang mga tingin nya noon at ang mukha ay parang hindi marunong ngumiti. Pero ngayon ay ibang iba ang mga ipinapakita nya.

Naisip ko na baka hindi sya ang taong iyon pero imposible. Parehong pareho sila ng mga mata at kahit bata pa lang ako ay tumatak na sa isip ko ang mga matang iyon dahil palagi iyong kasama sa mga bangungot ko. Sigurado akong sya iyon.

Siguro ay hindi lang ang pangangatawan at itsura ang nagbago sa kanya. Pati na rin siguro ang pag uugali. Sa bawat pagtawa at pagngisi nya ay hindi aakalain na nakapatay na ng tao ang isang katulad nya.

Hindi siguro mahalaga para sa kanya ang buhay ng pamilya ko para magpakita ng ganoong pag uugali. Wala talaga syang konsensya. Samantalang ako ay nakikipaglaban sa bangungot ng realidad.

Kinuha ko ang luma kong notebook na pinagsusulatan ng kung ano ano. Sa ngayon ay gagamitin ko ito para ilista ang mga impormasyon na nalalaman ko tungkol sa halimaw.

Information about the beast:

1. His name is Creed Cervantes.

2. A lawyer and has his own law firm.

3. Thirty-two years old. Ibig sabihin ay nasa mga sixteen or seventeen years old na sya noong una kaming magkita.

Noong pinatay nya ang mga magulang ko.

Masyadong pang bata para makagawa ng ganoong klaseng krimen. How could he shoot my brother without batting an eye like a professional killer?

4. No wife. No girlfriends. Maraming naging flings.

Napalabi ako. Ganoon ba talaga kapag gwapo ang isang lalaki? Maraming nagiging babae sa buhay nila? Hindi pwedeng isa lang ang maging girlfriend at kailangan papalit-palit talaga?

Masarap sa paningin ang makakita ng gwapo. Siguro masaya din sa pakiramdam na magkaroon ng boyfriend na gwapo. Nakaka-proud daw sabi ni Jezel. Yung mapapasabi na lang daw sya na, "Hey, bitch. Look at me. I have a hot boyfriend unlike you. Maganda ka nga pero ako naman ang may gwapong boyfriend!"

Tinawanan ko sya pero hindi ko sya maintindihan sa parteng iyon. Hindi ba't kaya pumapasok sa isang relasyon ay dahil may nararamdaman sa isang tao na higit pa sa isang pagkakaibigan? Sa mga sinabi kasi ni Jezel ay parang gusto nyang magkaroon ng gwapong boyfriend para gawing tropeyo.

Pero shut up na lang ako. Hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko alam ang feeling. Mas uunahin ko nang problemahin kung paano patatabain ang laman ng wallet ko.

Apat na impormasyon pa lang at kailangan ko pang damihan. I have to dig more if I'll chose to fight him in the court. He's an attorney. He knows everything about legal matters like a back of his hand at mahihirapan ako kung hindi ako mag iingat. Dahil kaya nyang pagtakpan ang ginawa nya. Kung pipiliin ko na labanan sya, kailangan kong makakuha ng mas maraming impormasyon. Kailangan kong ilabas ang mga baho nya.

And the information about the death of my family.

Ipinagpasalamat ko ang pagiging president's lister ko. Mukhang kasali sya sa mga prof na ang matatalinong estudyante ang inuutusan imbes na ang mga class officers.

Ganoon naman ang mga guro hindi ba? Kung hindi ang mga class officers ay ang mga matatalinong estudyante ang inuutusan. Siguro ay dahil alam nila na responsable ang mga ganoong estudyante. Maaasahan na tutulong sa kanila.

Mabuti na lang din at isinigaw ni Jezel na ako ang running for cum laude. Hindi kasi talaga ako magtataas ng kamay noon nung nagtanong si Sir Cervantes tungkol doon.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon