Chapter 25

282K 10.4K 5.3K
                                    

Buong gabi akong tinadtad ng texts at calls ni Sir Creed pero wala akong ni-replyan o sinagot kahit isa. Bahala sya dyan. Palilipasin ko muna ang sama ng loob ko bago ko sya pansinin. Exam week pa naman namin. Ayokong may gumulo pa sa utak ko bukod sa mga tanong sa exam na kailangan kong sagutin.

Ngayon lang ako nagkagusto sa isang lalaki sa buong buhay ko. At hindi ko akalain na masakit palang makita na may iba ang taong gusto ko. Kahit kausap nya lang. Lalo na kapag mukha silang masaya. Pakiramdam ko ay hindi ko naibibigay sa kanya ang ganoong kasiyahan. Pakiramdam ko ay hindi ako sapat para maging masaya sya sa akin.

Isang Atty. Creed Cervantes ba naman ang taong nagustuhan ko. Mayaman, successful, gwapo, matalino... Lahat na.

Eh, ako? Wala. Tao lang. Minsan nga ay hindi pa sigurado 'yon.

Nagpuyat ako kaka-review sa mga subjects na may exam bukas. Last day na para sa amin ang final exam dahil sa friday ay puro checking na lang ang gagawin namin at para makapag-compute na ang mga professors namin sa final grade namin. Para makapag-pasa na kami ng form sa graduation at makapag-apply ako sa pagiging cum laude kung sakali mang umabot ang GPA ko.

Inaantok pa ako nang magising ako kinabukasan. Ang una kong tinignan ay ang cellphone ko na nakapatay dahil na-lowbat sa buong magdamag na pagtawag sa akin ni Sir Creed. Hinayaan ko lang na ganoon iyon at hindi na nag-charge ng battery. Sya lang naman ang palagi kong kausap doon kaya mabuti na rin siguro na hindi ko muna i-charge. Tampo pa rin ako, eh.

Pero siguro ngayon ay magiging okay na kami. Magsasabay ulit kami sa pagkain ng almusal. Sa iisang lamesa lang. Magkasabay kaming maglalakad papunta sa room namin kung saan ang subject nya ang unang klase namin.

Wala na sigurong eepal ngayon.

Pero agad na namatay sa isip ko ang ideyang 'yon nang makarating ako sa karinderya ni Aling Perla. Nakita ko na naman kasi si Ma'am Lauris na nakaupo sa palagi kong pinupwestuhan at kinukwentuhan ulit si Sir Creed. Pero ang professor ko ay seryoso lang na nakapangalumbaba habang nakatitig sa cellphone nyang nakalapag sa table nila.

Napabuntong-hininga ako. Sige. Dedma lang tayo. Kunwari hindi masakit. Kunwari hindi ko gustong palayasin si Ma'am Lauris sa inagaw nyang pwesto ko.

Muli akong umupo doon sa kalapit ng table nila. Nang makita ako ni Sir Creed ay agad na nagsalubong ang mga kilay nya. Umiigting ang mga panga at alam kong galit na naman sya.

Hala. Ako nga ang dapat na magalit! Ano na namang ginagawa ni Ma'am Lauris dito ngayon at kausap nya? Ganito nya pala ipakita kung gaano nya ako na-miss. Makikipag-usap sya sa ibang babae at doon pa talaga sa palagi kong pinupwestuhan!

"You're not answering my calls!" pagalit na sabi ni Sir Creed sa akin sa nagngangalit na mga ngipin. Halos irapan ko na nga.

Ano? Pagkatapos nyang makipag usap kay Ma'am Lauris ay ako naman ang kakausapin nya? Bakit? Para ma-feel nya na hindi sya nauubusan ng babae? Pwes, hinding hindi ako magiging katulad ng mga naging babae nya!

Bwisit. Kapag wala na si Ma'am Lauris ay saka lang ako kakausapin. Hindi nya ako pwedeng tratuhin na parang isang reserba lang!

"Nagre-review kasi ako, Sir. Nakakaistorbo ka." malamig kong sabi. Nakita ko ang palipat-lipat na tingin sa amin ni Ma'am Lauris. Nasa mukha nya ang pagtataka sa kung anong pinag uusapan namin ni Sir Creed.

Tumawa si Sir Creed pero dinig ko na wala ang kasiyahan doon. Yung tawa nya ay parang sarcastic. Para syang nainsulto pero idinaan nya sa ganoong paraan.

"I'm a nuisance to you?" hindi makapaniwala nyang tanong. Nag-rolyo ang mga mata ko paitaas at hindi na sya pinansin. Pumunta ako sa food warmer ni Aling Perla kung saan naka-display ang mga ulam nya.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon