Chapter 14

279K 11.1K 9.6K
                                    

Dumating ang araw ng sabado at dahil nakapangako na ako kay Sir Creed na sasamahan nya ako para bumili ng cellphone ay naghanda na ako. Hindi nya kasi talaga ako tinantan hanggang hindi ako pumapayag na gastusin ang pera ko. Kamag anak nya siguro si Mike Enriquez.

Inilabas ko ang denim skirt ko at napagdesisyunang iyon ang suotin. Bagong bago pa iyon dahil ngayon ko pa lang gagamitin. At isang red loose oversized shirt na ni-tuck in ko sa palda ko.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napangiwi. Bakit parang masyado kong pinaghandaan ang araw na 'to? Hindi naman ganito ang madalas kong sinusuot. Palagi akong nakapantalon pero bakit naisipan ko ang magpalda ngayon?

Overdress yata ako para sa isang mahirap at ulilang estudyante na bibili lang ng cellphone.

Bahala na nga. Kaysa naman magmukha akong pulubi habang katabi si Sir Creed. Kahit yata wala syang suotin ay hinding hindi sya magmumukhang mahirap.

Hala... Bakit na-imagine ko ang professor ko na wala talagang suot? Bad ka, Maria.

Bumaba na ako dahil ayokong ma-late sa usapan namin ni Sir Creed. Nakita ko si Aling Nenita na naninilip sa mga siwang ng gate. Nagtaka ako kung sino ang tinitignan nya kaya nakigaya ako.

"Sino pong sinisilip nyo? Baka magkakuliti ka nyan, Aling Nenita." tanong ko bago ko pa makita kung sino ang nasa labas.

"Dios mio kang bata ka! Ginulat mo ako!" nakahawak sa dibdib nyang sabi. Pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasilip sa labas.

Kaya naman pala. Nandoon na si Sir Creed na mukhang inaabangan na ako.

"Kanina pa si pogi. Pasulyap-sulyap dito sa loob. Gusto ko na ngang labasin pero ang pangit ng suot ko." sabi ni Aling Nenita at nakasimangot akong napatingin sa kanya.

Bakit gusto nya pang magpaganda bago harapin si Sir? May asawa't anak na sya pero gusto pang kumerengkeng.

"Ako inaabangan nyan, Aling Nenita." sabi ko sa kanya. Ewan ko kung bakit bigla akong nainis sa paborito kong landlady kaya sinadya kong hindi sabihin sa kanya na professor ko si Sir Creed.

Hindi na nakapagsalita si Aling Nenita at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Napansin nya sigurong bihis na bihis ako at doon pa lang ay napatunayan ko na sa kanyang totoo ang sinabi ko.

"Excuse lang po para makaalis na kami." sabi ko dahil nakaharang pa din sya sa gate.

Nang makaalis ako ay parang gusto ko na lang bumalik sa loob at magbihis ng mas bongga kahit na alam kong wala ako noon. Hindi pa man kasi ako nakakalapit ng tuluyan kay Sir Creed ay inatake na agad ako ng kaba nang makita ko kung gaano sya kagwapo. Simpleng gray hoodie at black pants lang naman ang suot nya pero bakit ang lakas pa din ng dating nya? Kahit yata magbihis ako ng pinakamahal na damit ay feeling ko magmumukha pa din akong pulubi kapag katabi ko sya!

Swabe syang nakasandal sa may side ng passenger seat. Ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng hoodie nya samantalang ang isa ay may hawak na cellphone. Nakatingin sya doon na parang may ka-text.

Pinapapawisan na ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Dati ay kinakabahan ako kapag nakikita ko sya dahil sa takot ko sa kanya. Pero parang may nag iba ngayon. Hindi ako natatakot pero bakit kinakabahan pa rin ako? Ano ang nagbago?

Sana pala ay nagpaturo ako kay Jezel kung paano ang maglagay ng make up. Pero kahit naman pala matuto ako ay wala ring silbi dahil wala naman akong mga make up kit. Pulbo nga lang ako at lip tint lang. Buti nga at may lip tint pa.

Nag-inhale exhale ako. Bwisit talagang kaba 'to. Sanay na naman akong kasama si Sir Creed, normal na din sa akin ang makipag usap sa kanya pero lintek at ang lakas ng tibok ng puso ko!

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon