Chapter 17

285K 11.1K 5.7K
                                    

Sobra akong kinulit ni Sir Creed kinabukasan. As in kinulit talaga! Siguro mga two minutes pa lang yata ang nakalilipas nang matapos ang klase nya sa amin ay nag-text na agad sya. Nagtatanong kung alam ko na daw ba ang scores ko sa mga exam.

Baliw lang! Alam nyang sya ang first subject namin kaya hindi ko agad malalaman ang mga scores ko! Simula kasi nang malaman nya kahapon ang mga scores ko sa Criminal Law at Conflict of Law na parehong may tig-pitong mga mali, mas lalo lang na-excite ang professor ko! Maya't-maya ang pagtatanong nya sa akin!

At ang nakakabwisit pa, nasa gitna kami ng pag eexam para sa Civil Law nang tumawag sya! Hindi kasi ako nagre-reply sa mga texts nya na kada minuto yata ang dating. Nainis siguro sya kaya tumawag na. At habang nag-eexam ay pigil na pigil ako dahil nakikiliti ako sa pagba-vibrate ng cellphone sa bulsa ko!

"Pass your papers. Finish or not and let's check it." sabi ng professor namin sa Civil Law at nakahinga na ako ng maluwag.

Tapos na ang mid-term exam!

Inilabas ko ang cellphone sa bulsa ko at nakitang tumatawag pa rin sa akin si Sir Creed. Imbes na sagutin iyon ay pinatay ko ang tawag. Nakakaistorbo kasi! Oo at naga-gwapuhan ako sa kanya pero sana ay alam nyang nasa gitna ako ng klase at nag eexam pa!

Masyadong excited para sa lumpia, eh! Kapag ako nainis ay hindi ko na lang sya ipagluluto.

Pinagtabi-tabi na namin ang mga upuan na one seat apart kanina. Checking na rin naman kasi at ito na ang huling klase namin para sa araw na 'to.

"Number one..." sabi na ng professor namin at nagmadali ang mga kaklase ko sa pagkuha ng papel na mache-checkan. Paano ay namimili pa kasi sila. Hinahanap yung papel ng crush nila.

Galawan nila pang gradeschool, eh.

Natapos ang checking at ibinalik ko sa may-ari ang papel nya. Umupo ako sa upuan ko habang hinihintay na may magbalik sa akin ng papel ko. Kinakabahan ako! Buang lang, eh. Ngayon pa ako mas kinabahan kung kailan tapos na ang exam.

"Idol na talaga kita, Fatima. Masyado mong ginalingan!" ngiting ngiting sabi sa akin ni Bobby pagkabigay ng papel ko. Kinakabahang nagbaba ako ng tingin para tignan ang score ko. Maging sina Lionel at Jezel ay nakisilip na rin.

"Yes!" napasigaw ako nang makita ko ang score ko. Lima lang ang mali!

"Bruha ka! Sure na ang latin honors mo!" sabi ni Jezel at pabiro akong sinabunutan.

"Lahat ng mga mali mo ay hindi nag exceed ng ten, diba? Talino mo talaga." naiiling na sabi sa akin ni Lionel.

Napatawa ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko! Madalas naman akong makakuha ng mga ganitong scores pero may iba talaga ngayon.

Pinigilan ko ang sarili kong ibalita kay Sir Creed ang tungkol sa mga scores ko kahit na nangangati ang mga kamay kong padalhan sya ng text. Lahat kasi ng mga scores ko ay hindi lumagpas sa sampu ang mga mali. Muntik nga lang sa Taxation na siyam ang naging mali ko pero kahit na ganoon, magagawa ko ang promise ko kay Sir Creed na ipagluto sya ng lumpiang shanghai.

Sasarapan ko. Yung dapat ay hindi nya malilimutan at hahanap-hanapin pa nya!

"Jezel..." tawag ko sa kanya habang nag aayos sya ng gamit. Dismissal na kasi namin at ang mga kaklase ko ay nagmamadali sa pag uwi dahil mag eempake pa raw sila. Mamayang madaling araw na kasi ang alis namin.

"Oh?" sagot nya at isinukbit ang bag. Si Lionel ay kanina pa tapos at hinihintay na lang kaming dalawa.

Nasa apartment ko na din ang mga dadalhin ni Jezel para mamaya. Pagkadating nya kasi kanina ay doon sya agad dumiretso sa apartment ko para makilagay ng gamit. Nalaman nya tuloy na palagi kaming sabay na nag aalmusal ni Sir Creed kaya inasar na naman nya ako.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon