Chapter 31

290K 10.4K 4.8K
                                    

Naging madali ang trabaho ko sa pagiging legal secretary ni Sir Creed. Wala kasi akong ginagagawa. As in literal na walang ginagawa na konektado sa posisyon ko dito sa law firm nya. Araw-araw ay nagre-review lang ako para sa nalalapit kong bar exam.

Sayang. Excited pa naman ako. Sabi nya kasi ay kasama akong makikipag usap sa mga kliyente nya kung sakaling may magpa-counsel sa kanya.

May dumating ngang babae noong mga unang linggo ko pa lang sa law firm nya. Magpapa-counsel daw pero ang lagkit naman ng tingin kay Sir Creed. Nang tinanong ni Sir kung para saan at sinabi nung babae na about sa investment, ibinigay nya ang kaso kay Attorney Kylo.

Ang ano 'nun ni Attorney Kylo. Mukhang syang palaging manununtok at palagi pang dala ang vape nya. Kaya kapag may naamoy na akong vanilla flavor ay alam kong nandyan lang sya sa paligid.

Pero ayun nga. Dahil mukha syang palaging manununtok, minsan akala ko tuloy ay inaaway nya ang mga kliyente nyang babae na sexy at magaganda. Paglabas kasi ng office nya ay palaging magugulo ang buhok ng mga babae. Gusot pa ang mga damit at kalat ang lipstick sa labi. Tapos susunod na lalabas si Attorney Kylo na magulo din ang buhok at ang damit.

Nagbo-boxing ba sila? Nakaka-ilang rounds kaya sila?

Pero kasi, mukhang masaya naman ang mga babae pag lumalabas sila ng office ni Attorney Kylo. Kaya iba siguro ang ginagawa nila at ayoko nang alamin pa.

Wala akong ginawa kung hindi ang mag-review lang ng mag-review para sa bar exam ko. Sa panaginip ko nga ay nagre-review pa rin ako! Ginagawa ko nang dasal ang lahat ng mga lessons na pinag aralan namin.

Pumayag si Sir Creed na iuwi ko ang laptop na nandoon sa table ko. At malaking tulong iyon para mas mapalawak ko pa ang kaalaman ko. Inaral ko ang lahat. Kinabisado ang lahat. At habang tumatagal, feeling ko malapit na akong ipasok sa mental hospital.

Sa sobrang pagiging seryoso ko sa pagre-review ay hindi ko namalayan na lumilipas na ang mga araw. Hanggang sa namalayan ko na lang na next month na pala ang bar exam namin!

Edi syempre nag-panic ako! Kahit na araw-araw akong may ipinapasok sa utak ko ay feeling ko hindi pa rin iyon sapat. Feeling ko ay may kailangan pa akong malaman. Feeling ko ay babagsak ako!

At ang pinaka-nakakatakot pa, paano kung mablanko ako habang sumasagot ng exam? Tapos bumagsak ako? Isang taon ang masasayang sa akin sa paghihintay para sa next bar exam!

Hindi tuloy ako mapakali habang nagre-review. Gusto kong kabisaduhin ang lahat. Kung pwede nga lang sana ipa-tatto sa katawan ko ang lahat ng mga pinag-aaralan ko. Kaya lang ay hindi na ako tao. Magiging tatto na ako na nagkaroon ng katawan.

"Relax, baby. You won't learn anything if you keep on getting anxious." pagpapalubag loob sa akin ni Sir Creed na sinasamahan akong mag-review dito sa loob ng condo ko.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Aantukin lang ako kapag alam kong sapat na ang nalaman ko para sa isang araw. At sa buong panahon na nag-aaral ako ay nandyan lang palagi Sir Creed. Nakaalalay sa akin.

Mas naging close na din kami. As in close na close na close na close. Iyon nga lang, mas naging makulit sya. Para talagang bata! Pabaliktad yata ang pagtanda nya, eh!

Nakaupo kami ngayon sa carpeted floor dito sa loob ng condo ko. Ang center table ang ginawa kong study table. Habang si Sir Creed naman ay nakaupo sa likod ko. Kinukulong ang katawan ko sa mga binti nya habang nakapangalumbaba sa table at tinititigan lang ako.

Nailang talaga ko noong una syang ganito! Bwisit kasi! Sino bang hindi maiilang kapag may gwapong nakatitig sayo? Kung hindi lang talaga ako nag-aaral ay tititig na din ako pabalik sa kanya para sya naman ang mailang!

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon