Chapter 9

318K 13K 7.5K
                                    

Sabay namin inubos ni Sir Creed ang nasa fifty pieces na lumpiang shanghai nya. Pero mas marami ang nakain nya dahil sa kalagitnaan pa lang ay sumuko na ako sa sobrang pagkabusog. Ayoko sanang tanggihan ang grasya pero hindi na talaga kaya ng tyan ko.

Kinuha ko ang bote ng tubig sa loob ng bag ko at uminom. Hanggang mamaya ko pa sana iyon pero dahil sa pagkain ng lumpia ay nangalahati na iyon. Samantalang si Sir Creed ay bumili pa ng bottled water sa hilera ng mga food stalls na nasa loob ng lagoon.

Napatingin ako sa relong pambisig at napangiwi. Lagpas alas nuwebe na ng umaga. Ibig sabihin ay late na ako. Mahigpit na bilin pa naman ni Bobby na walang male-late ngayon. Sayang nga naman ang effort ng iba na gumising pa ng maaga para lang makaabot sa oras na ibinigay nya.

"'Yan, Sir! Late na tuloy ako!" paninisi ko sa professor ko na busy sa pag inom ng tubig. Nakikita ko ang paggalaw ng adams apple nya sa bawat paglunok nya.

Bagay na bagay sa kanya ang v-neck sweatshirt nya pero nagiging makasalanan ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya. It's either yung mga braso nya ang tinititigan o hindi kaya ay ang leeg nya.

Sa tingin ko naman ay kahit anong suotin nya ay palagi akong may mapupuna. Kung bakit kasi naging paborito ng Diyos ang batang 'to noong nilikha sya!

"Pwede naman nating bigyan yung mga kaklase ko ng lumpia mo, Sir. Na-late pa tuloy ako."

Mabilis nyang ibinaba ang bote ng tubig. Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang likod ng palad nya.

"Gusto mo ba akong mamatay?" hindi mapakaniwala nyang tanong.

Hindi maipinta ang mukha ko noong tinignan ko sya. Ano ba naman 'tong tao 'to? Ganoon ba talaga ang pagpapahalaga nya sa lumpia nya para mag react ng ganito? Ngayon lang ako nakakita ng taong kagaya nya na nagkakaganito nang dahil lang sa pagkain!

Lumpia is life pa daw. Parang buang.

"Ang O.A. mo din, no? Ang damot pa." wala nang pakialam na sabi ko. Alam kong professor ang kausap ko at kailangan respetuhin pero naiinis talaga ako na na-late pa ako kahit na ang lapit lapit lang ng apartment ko.

Kasalanan ko din naman. Kung bakit kasi hindi ko matanggihan ang pagkain.

Naglakad na kami papunta ng ICTC. Nakita ko pa ang ilang mga estudyante na nakapila para siguro ayusin ang mga credentials nila. Bumaba kami ng isang baitang dahil nandoon ang College of Law.

Pagkapasok ko pa lang sa room ay marami nang tao. Si Bobby ay nasa harapan na at mukhang napatigil sa pagsasalita dahil sa pagpasok ko. Nakita ko ang inis sa mukha nya at sigurado akong sesermunan na nya ako pero napatingin sya sa taong nasa likuran ko.

"Sir Creed! Ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ni Bobby na halatang halata ang gulat sa presensya ng professor.

"Tutulong daw sya." sagot ko. Umupo na ako sa pwesto ko at nakitang wala pa si Jezel.

Galing, ah. Mas late pa sa akin.

Nagpasalamat ang mga kaklase ko kay Sir Creed na nanataling nasa may pintuan. Humalukipkip sya at patagilid na sumandal sa hamba ng pinto.

"Okay, so ganito. Magsimula na tayo hangga't maaga pa para maraming matapos. Yung mga prop and art committee, magtulong tulong kayo, ha? Yung mga performers naman tuturuan ko muna ng tamang bigkas at diin. Mag-aact din akong kasagutan nyo, okay?"

Imbes na kay Bobby ang atensyon ng mga kaklase ko ay nakatuon ang mga mata nila sa professor namin na mukhang modelong nakasandal sa hamba ng pintuan. Seryoso ang mga tingin nya habang nakikinig sa mga sinasabi ni Bobby at ang isang kamay ay pinaglalaruan ang mga labi. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon