Chapter 10

312K 11.3K 5.6K
                                    

Tinawag nya akong "baby". Mula sa pagtawag ng "kid" ay nag-level down sa pagiging baby. Baka sa susunod nyan ay mag level down naman sa pagiging fetus na.

Hindi ko inaaasahan na mas matatakot pa ako sa hindi ko pinaniniwalaang mga multo kaysa sa halimaw na buong buhay kong kinatakutan at iniwasan. At mas lalong hindi ko matanggap ang pakiramdam na ligtas ako sa kanya noong panahong natatakot ako nang dahil sa inaakala kong multo. Feeling ko tuloy ay tinatalikuran ko na ang pamilya ko.

Kasalanan ito nung pusa, eh. Kung bakit kasi doon pa sa dilim naglaro! Inakala ko tuloy na iyon ang estudyanteng nagmumulto daw sa Charlie building!

Pero ganoon nga siguro ang bawat school. May mga kwento ng kababalaghan. Hindi yata makukumpleto ang isang school kapag wala noon. Para siguro takutin ang mga estudyante at umuwi agad kapag uwian na para di abutin ng gabi sa loob ng school?

Sa sumunod na linggo ay palagi kong naabutan si Sir Creed na nandoon sa karinderya ni Aling Perla kapag nag aalmusal. Palagi tuloy kaming sabay na kumakain at palagi din akong nakakalibre. Masaya dahil bawas gastos pero may parte sa akin ang ayaw syang kasabay bilang respeto sa pamilya ko.

Sya ang dahilan kung bakit sila nawala. Kung bakit ako nag iisa ngayon. Kaya hindi dapat ako nakakaramdam ng kasiyahan sa presensya nya.

Ang dapat ko lang gawin ay ituloy ang plano ko. Marami na rin akong nakukuhang impormasyon sa akin sa araw araw naming pagsasabay kumain.

Pero nakakainis ang mga labi ko na parang nakaset-up yatang ngumiti agad kapag nakikita sya. Kung bakit kasi ang gwapo gwapo ng halimaw na 'yon!

"Good morning, Sir Creed." bati ko sa kanya. Napaangat sya ng tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti noong makita ako.

Napabuntong-hininga na lang ako. Shit ka naman, Sir. Pwede bang kahit isang araw lang ay hindi ka muna maging gwapo?

"Good morning, Maria!" nakangiting sabi nya. Simpleng printed white T-shirt lang ng suot nya ngayon at khaki pants pero hindi pa din nabawasan ang kagwapuhan niya.

Gusto ko na lang maiyak! Ang akala ko ay mahihirapan akong kalabanin sya dahil isa syang makapangyarihang tao pero mukhang nahihirapan ako sa ibang dahilan. Mukha pa lang nya ay panlaban na at parang gusto ko na lang sumuko kapag napapatingin ako doon.

Nasaan na ang tapang mo, Maria?

Binalingan ko na lang si Aling Perla at nag order na lang ng pagkain. Dahil palagi akong nililibre ni Sir Creed ng almusal ay nakakakain ako ng kanin kapag lunch time namin. Dati kasi ay heavy breakfast ako at sandwich na lang kapag lunch na.

Nakakahiya man ang panlilibre nya pero sya naman ang nag ooffer magbayad. Nagagalit pa kapag nagpupumilit akong tanggihan ang libre nya. At dahil takot akong mabigyan ng singko ay pumapayag na lang ako.

Ilang sandali lang ay niligay na ni Aling Perla ang order naming kanin at ulam. Palagi na ring dalawang putahe ang nakakain ko sa almusal dahil kay Sir Creed! Ang saya saya!

"Palagi mo na lang pinapakyaw ang lumpia ni Aling Perla, Sir." kunot ang noong puna ko nang iabot sa kanya ng matanda ang supot na punong puno na naman ng lumpiang shanghai.

"Nagtatanong na nga ang mga suki ko kung bakit hindi na daw ako nagtitinda ng lumpia." natatawang sabi ni Aling Perla. Maging si Sir Creed ay napatawa na din.

"I love your lumpia, Aling Perla. It's the best lumpia in this world." pambobola pa ng professor ko at napailing na lang ang matanda. May bumili kaya nawala ang atensyon nya sa amin.

Binalingan ko si Sir Creed. "Ang hirap kayang maggawa ng lumpia, Sir. Tapos ikaw, araw araw mong lang pinapakyaw."

Hindi makapaniwalang tumingin sya sa akin. "No way. Marunong kang gumawa ng lumpia?"

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon