Chapter 28

279K 9.9K 4.7K
                                    

Isa lang ang downside sa pagiging cum laude o sa pagkakaroon ng special awards. Iyon ay ang nakahiwalay kami sa klase namin. Kaya ngayong araw na nagpa-practice kami para sa graduation ay nandito ako sa bandang unahan nakaupo, kasama ang iba pang mga estudyante na sasabitan din ng medalya.

At grabe ang pagka-inggit ko! Talagang nang-aasar pa kasi yung mg kaklase ko! Nagse-send sila ng mga picture sa group chat at pinapakita talaga nila doon kung gaano sila kasaya! Nakakabwisit! Mga mapang-asar!

Nalungkot din ako dahil nakikita ko ang mga magulang ng mga estudyanteng sasabitan ng medalya. Ang mga magulang kasi ang magsasabit sa amin noon. At mukha silang proud na proud sa mga anak nila. Samantalang ako ay hindi alam kung sino ang magsasabit sa akin ng medalya ko.

Mauunang aakyat ng stage ang mga cum laude ng bawat mga college at isa-isa nang tinawag ang mga pangalan namin. Pinilit ko ang ngumiti kahit na ako lang ang walang guardian dito sa pila. Lahat sila, kasama ang mga magulang nila.

"Nasaan ang magulang mo?" tanong sa akin ng dean ng college namin pagka-akyat ko at nakita akong nag iisa. Umiling ako. "Guardian?" muli akong umiling.

Napatingin ang dean sa chairperson na katabi nya at nag usap sila tungkol sa kung sino ang adviser ng klase namin.

"Si Ma'am Valencia." sagot ng chairperson namin. "Yung nagpa-tour assessment na lang para sa final exam dahil nag-maternity leave na."

Tumango ang dean at napatingin sa akin. Siguro ay nag iisip sa kung sino ang magsasabit ng medal sa akin.

Kahit na si Sir Creed ang pumalit kay Ma'am Valencia ay hindi naman sya pwedeng umakyat dito sa stage bilang isang professor. Unang una ay dahil hindi naman talaga sya professor. Wala syang lisensya para makapagturo. Isa syang lawyer at hindi isang professor.

Tumagal ang linya dahil doon. May tatlo nang estudyante ang nakapila sa likod ko kaya ang nagtatawag ng pangalan ay tumigil na muna para hintayin na matapos ang sa akin. Ramdam ko ang tingin ng lahat ng tao sa gymnasium sa akin at gusto ko na lang umiyak. Nahihiya ako at naawa sa sarili ko. Ako na isang cum laude pero walang magulang na magsasabit ng medal para sa akin.

Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na ngumiti. Inisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko. Mababaw lang 'to kumpara sa mga iyon. Kaya hindi dapat ako umiyak dahil kakayanin ko ito.

"Ako na lang." ang nakakagulat na sabi ni Ma'am Lauris sa dalawang mga ginang na mukhang nadagdagan ang wrinkles dahil sa problema ko. "Kilala ko naman si Fatima, Ma'am."

Tumango ang dean at ibinigay na kay Ma'am Lauris ang medalya na para sa akin. Nakangiti ang babaeng professor na bumaling sa akin.

"Take care of your man, Fatima. Baka biglang may umagaw sayo."

Nagulat ako sa sinabi nya! Hindi ako naging cum laude para hindi agad malaman kung sino ang tinutukoy nya. Si Sir Creed 'yun! One hundred percent!

Tumawa si Ma'am Lauris at mas nagulat ako sa pagtawa nya. Hihihi pa rin ang tunog pero hindi na mahinhin! Tunog bruha na na nakasakay sa isang walis tingting at lumilipad!

Ang bilis magtransform ni Ma'am!

"Don't worry, Fatima." natatawang sabi ni Ma'am Lauris nang humupa ang pagtawa nya at makita ang reaksiyon ko. "I'm not a villain here though I know you think of me as one. Hindi ko sya aagawin sayo."

Tinanggal ko ang ipinahiram muna sa aming cap para sa practice ng graduation ngayon. Isinabit naman ni Ma'am Lauris ang medal sa leeg ko at muli kong isinuot ang cap. Hinawakan nya ang balikat ko at iginiya sa maliit na platform na tutung-tungan ko.

"I just want to give you an advice 'cause you look so clueless about relationships. Just don't let other woman steal your man. Put a leash on him." pinatungtong nya ako sa gitna. "Ang sabi pa naman nila ay tanga sa pag ibig ang matatalino. I-angat mo ang bandera natin, okay?"

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon