Chapter 32

289K 11.3K 7.6K
                                    

Nagkita-kita kami nina Lionel at Jezel sa UST kung saan gaganapin ang bar examination. Halos hindi na ako nakatulog kagabi para sa paghahanda sa unang araw ng exam. Nagalit na nga si Sir Creed sa akin dahil hindi daw maganda kung magpupuyat ako. Ayun. Hindi talaga sya umalis sa unit ko hangga't hindi daw ako natutulog.

Ang istrikto naman ni Sir.

Magkakasama man kami ay nagkahiwa-hiwalay naman kami ng mga kaibigan ko dahil magkakaiba kami ng room kung saan kami mag-eexam. Pero nasa iisang building lang naman kami base sa color coding card na nakadikit sa may dibdib namin. Iyon kasi ang basehan kung saang building kami mag-eexam. Tinawag ko na ang lahat ng santong kilala ko para lang gabayan ako habang nagsasagot ako.

Kapag naipasa ko ang mga test, maghihintay pa ako ng apat o limang buwan para malaman ang magiging resulta. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang sarili ko sa kung anong mangyayari sa loob ng mga buwan na iyon. Mababaliw siguro ako sa paghihintay. Kakabahan sa dadaan na mga araw. Hindi siguro matatahimik ang kalooban ko hangga't hindi ko nalalaman ang resulta ng bar exam.

Pwede kayang matulog na lang ako tapos magising kapag mayroon ng results? Wake me up when the results came ang title ng kanta ko.

Political Law at Labor Law ang ie-exam namin ngayong araw. Tapos sa susunod na linggo naman ay ang Civil Law at Taxation. Sa pangatlong linggo ay Mercantile Law at Criminal Law. At sa panghuling linggo ay ang Remedial Law at Legal and Judicial Ethics.

Nakakadugo ng utak.

Tapos nakakatakot pa dahil kapag hindi ako nakapasa ay hihintayin ko ang susunod na bar examination sa susunod na taon. At kapag tatlong beses akong bumagsak ay kailangan ko ulit mag aral mula simula sa kurso ko.

Siguro tuluyan na akong mababaliw kapag nangyari yun.

Mahirap ang exam. Yung feeling ko maiiyak na lang ako sa sobrang hirap. Kahit na halos patayin ko na ang sarili ko sa pagre-review ay mahirap pa rin para sa akin. Grabe ang talino ng mga nagkaroon ng lisensya sa pagiging lawyer! Naipasa nila ang ganitong kahirap na exam!

Kahit mukhang walang pangarap sa buhay sina Attorney Kylo at Attorney Alastair, naipasa pa rin nila ang bar exam at nakapagtrabaho sa isang sikat na law firm na pagmamay-ari ni Sir Creed. At si Sir Creed, mas lalong tumataas ang respeto ko para sa kanya habang nakikita ko kung gaano kahirap ang exam!

Paano pa kaya yung sa mga susunod na linggo?

"Magpapa-dextrose talaga ako ng milktea mamaya. Nakaka-drain ng utak!" dinig kong sabi ng estudyante pagkatapos ng isang subject para sa araw na iyon.

Apat na oras ang inilaan sa bawat subject at mamayang one-thirty ay ang para sa Labor Law. Isang oras lang ang break time kung saan muli kaming nagkita-kita nina Lionel at Jezel. Nakita ko ang mga mukha nilang namumutla at nakatulala na.

"Hindi ko na kaya." madramang sabi ni Jezel at nagpangalumbaba sa mesa dito sa loob ng cafeteria. Napagaya kami ni Lionel sa kanya.

"Isusuka ko lang yata ang kakainin ko ngayon." sabi ni Lionel habang tumitingin sa mga menu na nandoon.

"Pero kailangan nating kumain. Apat na oras ang exam mamaya."

Sumang-ayon sila sa sinabi ko. Si Lionel na lang ang tumayo para mag-order ng kakainin namin. Ito ang maganda kapag may kaibigan na lalaki. Sila ang bibili ng pagkain kapag babae ang kasama nila.

Kaya din siguro nakipagbati si Jezel dahil sa dahilang 'to.

Six ng gabi nang matapos namin ang pangalawang subject. At grabe. Pagod na pagod ang utak ko! Feeling ko ay piniga yata ang lahat ng kaalaman ko para sa araw na 'to! Nakakaiyak! Gusto ko lang namang maging lawyer pero bakit binabaliw ako ng bansang Pilipinas?!

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon