Chapter 18

278K 11.1K 5.8K
                                    

Lintek! Hindi ako nakatulog! Kahit na maaga kaming natapos ni Jezel sa pagbabalot ng isang daang lumpia ay hindi man lang dumalaw ang antok sa sistema ko. Samantalang si Jezel ay naghihilik pa sa tabi ko!

Paulit ulit ko kasing naririnig sa utak ko ang huling sinabi ni Sir Creed sa video call nya kanina. Kahit yata iumpog ko ang ulo ko ay hindi ko makakalimutan iyon. At sa tuwing naaalala ko iyon ay umiinit ang buong mukha ko at lumalakas ang tibok ng puso ko!

Sinabihan na nya ako dati na para daw akong baby pero ang marinig mula sa kanya na tawagin ako sa ganoon imbes na sa pangalan ko ay nakakawindang talaga!

Ang sabi pa nga ni Jezel ay iyon na daw ang endearment sa akin ni Sir Creed. At ang gaga ay sobra pang kinikilig!

Kamuntik na akong mapatalon nang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Bwisit! Yung sobrang lalim ng iniisip ko at tahimik na tahimik ang buong paligid tapos may biglang tutunog ng malakas? Muntik na akong atakihin sa puso!

Pinatay ko agad ang alarm ng cellphone ko. Badtrip. Hindi talaga ako nakatulog kahit isang segundo! Sa byahe na lang siguro ako matutulog mamaya.

Tumayo na ako para makapagluto ng almusal namin ni Jezel. Ginawa kong fried rice ang natira sa sinaing namin kagabi. Tapos ay iniluto ko ang kalahati ng lumpiang shanghai. Tatlong araw kami doon at dadalhin ko na lang yung kalahati na hindi pa luto. Para naman makakain pa rin si Sir Creed ng lumpia sa tatlong araw namin sa Pangasinan.

Ginising ko ang kaibigan ko at nagulat ako nang mabilis syang bumangon! Matang manok pala 'to! Nakaisang yugyog pa lang ako pero nagising agad sya!

Sabay kaming kumain at ako na ang naunang naligo bago sya. Nagsusuklay ako ng basang buhok ko habang nakaharap sa salamin nang matapos sya.

"Baby."

Napalingon agad ako sa kanya pero ang lukaret ay biglang kumanta.

"You light up my world like nobody else. The way that you flip your gets me overwhelmed. But when you smile at the crowd it ain't hard to tell. You don't know, oh, oh. You don't know you're beautiful."

Napatingin sya sa akin pagkatapos noon. Binigyan ko sya ng masamang tingin pero sya ay inosente ang mukha.

"Bakit?" tanong pa nya.

Inirapan ko! Alam ko naman kasi na nang aasar sya! Dinig na dinig ba naman naming dalawa ang sinabing iyon ni Sir Creed kahapon!

"Uy... Nagba-blush. May naaalala." pakantang asar sa akin ni Jezel. Binato ko sya ng suklay at natatawa syang umilag.

"Jezel, ah? Ang aga-aga!"

"May eyebags ka. Hindi ka nakatulog, no? Iniisip mo si Baby Lumpia Lover mo?"

Kaysa patulan ang pang aasar nya ay nilayasan ko na lang sya. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta ng kusina para ayusin ang dadalhin kong mga lumpia.

Napakamot ako sa ulo ko nang ma-realize na ang dami pala ng ginawa ko! Isang daan! Gusto kong matawa sa sarili ko. Bakit ganitong karaming lumpia ang ginawa ko? Paano kung hindi magustuhan ni Sir Creed? Edi sayang ang effort at pera ko.

At saka nagtitipid ako pero walang pag aalinlangan na gumastos ako ng malaki para sa lumpia ng professor ko!

Dalawang baunan tuloy ang dala ko. Isa ay para sa mga luto na at ang isa ay para sa mga ipi-prito na lang. Inilagay ko ang mga hilaw na lumpia sa may travelling bag na bibitbitin ko at ang mga luto naman ay sa maliit na bagpack na dala ko.

Nakalabas kami ng apartment ng one-fifteen ng madaling araw. Ayos lang naman dahil alas dos pa ang dating ng mga van na sasakyan namin.

Sobrang hapdi ng mga mata ko dahil sa antok habang naglalakad kami papunta sa university. Sana talaga ay makatulog ako sa byahe mamaya. Pagkarating pa naman namin sa Pangasinan ay maggagala na agad kami!

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon