Chapter 30

319K 10.8K 10.9K
                                    

Isinara ko ang zipper ng travelling bag ko. Huminga ako ng malalim bago nag inat. Nadinig ko pa nga ang paglagutok ng mga buto ko sa likod dahil sa matagal na pagkakaupo.

Pumayag ako sa gusto ni Sir Creed na magtrabaho ako sa law firm nya habang naghihintay ako ng bar examination na naka-schedule sa November. May anim na buwan pa ako para ang mga lessons ay mapaghandaan, mapag-aralan, mapag-reviewhan, mapanuri, mapagmatyag, mapangahas. Matanglawin!

Bawat araw ng Linggo ng November kami magte-test at kada isang Linggo ay tig-dalawang subjects ang ie-exam namin. Kaya ang lumalabas ay isang buwan ang Bar Examination. At nakakatakot lang kasi halimbawa ay bumagsak ako sa exam ng tatlong beses, kailangan ko ulit mag aral ng Law mula simula.

Kumatok ako sa kahoy ng tatlong beses. Halimbawa lang naman iyon.

Tumayo na ako sa kama sa pag aakalang naisilid ko na ang lahat ng gamit sa mga bag ko. Nasa Makati daw kasi ang law firm ni Sir Creed kaya kailangan kong lumipat. Medyo nag aalinlangan pa nga ako dahil hindi pa ako nakakahanap ng matitirhan pero ang sabi ni Sir Creed ay may pino-provide na daw na condo unit ang law firm nya sa bawat empleyado.

Ibig sabihin ay mayaman nga talaga sya. Naibibili nya ng condo unit ang mga empleyado nya. Tapos ay dalawang kotse na ang nakita kong ginamit nya na halatang mamahalin. Siguro ay nasa milyon ang presyo ng mga iyon.

Nakita ko ang notebook na pinagsusulatan ko kay Sir Creed ng mga impormasyon na nakukuha ko sa kanya. Ang tagal ko na nang huli kong masulatan ito. Siguro ay dalawang buwan na ang lumipas. Ibig sabihin ay dalawang buwan na akong may nararamdaman para kay Sir Creed?

Binuksan ko ang notebook at pinagtawanan ang mga nilagay ko doon. Nakakahiya! Ang babaw lang ng mga iyon na hindi naman importante pero nilagay ko pa din! Kung may makakabasa nito ay baka akalain pang stalker ako!

Nilagyan ko tuloy ng title sa pinakaunahang page. Para na rin hindi ko malimutan ang pamilya ko. Para alam ko na may sinimulan akong plano para sa kanila.

Information about Sir Creed: Justice for my family.

Iyon ang inilagay kong title. At habang nagsusulat ako ay ang bigat bigat ng dibdib ko.

Dati ay sigurado ako na si Sir Creed nga ang nakita kong pumatay sa Kuya ko dahil sa mga mata nyang hindi ko makakalimutan. Pero ngayon ay iba na. Hinihiling ko na lang na sana ay mali ako ng nakita. Dahil bata pa naman ako noon. Sana ay pareho lang sila ng mga mata. Sana ay hindi sila parehong tao. Sana ay nagkamali lang talaga ako.

Nang makatanggap ako ng text kay Sir Creed na nasa labas na sya ay binigyan ko ng huling sulyap ang kabuuan ng apartment ko. Apat na taon ko din itong ginamit. Nasaksihan ng apartment na ito ang paghihirap ko para makapagtapos. Nasaksihan din nito ang mga paggising ko sa madaling araw dahil sa bangungot.

Nagpaalam ako kay Aling Nenita na medyo masama ang loob sa akin. Ang sabi nya kasi ay magpaalam agad ako sa kanya isang buwan bago ako umalis ng apartment pero binigla ko. Nabigla din naman ako sa alok ni Sir Creed! Tapos yung condo pa na sinasabi nyang ibibigay nya ay malapit lang sa law firm nya. Kaya kaysa magpakahirap ako sa pagbabyahe araw-araw ay lilipat na lang ako.

Nagpasalamat na lang din ako kay Aling Nenita. Sa apat na taon ko sa kolehiyo ay sya din ang tumayo bilang guardian ko. Sa kanya ko pinapipirmahan ang lahat ng mga requirements na kailangan ng pirma ng mga guardian. At kapag kinakapos ako ay palagi din nya akong tinutulungan.

Nakakalungkot din na hindi ko na sya madalas na makikita.

Nang lumabas ako ng gate ay agad kong nakita si Sir Creed na nakasuot pa ng wayfarer at naka polo at khaki pants kaya ang mga mata ng mga babaeng dumadaan ay halos hindi na umalis sa kanya. Napalabi ako pero natuwa nang sya na mismo ang lumapit sa akin at kunin ang mga bag na dala ko.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon