Chapter 7

303K 11.7K 4.8K
                                    

Maaga akong nagising nang mag-Sabado para sa debate namin. Mahirap na. Baka sermunan din ako ni Bobby kapag na-late ako, eh ang lapit-lapit ko na nga sa piyupi. Yung tipong isang kembot ko lang ay nasa university na ako.

Kaya eight-fifteen pa lang ay nakaayos na ako. Kakain na lang ako ng almusal sa karinderya sa tapat. Heavy breakfast na para kahit sandwich na lang para sa lunch ay okay na. Tipid-tipid all the time. Dinala ko na lang ang toothbrush ko para doon na lang ako sa c.r. ng building namin magse-sepilyo.

Ipinagpasalamat ko na nakapasa ako ng entrance exam ng university na ito. Sobrang mura kasi ng tuition fee. Saan ka makakakita ng dose pesos lang per unit? Laking tipid na nagagawa ko lalo pa at nasa president's lister ako. Bukod kasi sa automatic scholar na ako ng bayan nang maipasa ko ang entrance exam, bukod pa ang pagiging scholar nang maging president's lister ako. Kalahati na lang ng total amount ng tuition fee namin ang binabayaran ko.

Kung siguro ay hindi ako nakapasa dito ay hindi na ako magkakapag-Law school. Magtatrabaho na lang ako hanggang sa makaipon pampa-aral sa sarili ko. Kulang kasi ang pinapadala ng benefactor ko para sa tuition fee sa ibang university.

Kaya naman unang araw pa lang ng pasok noon ay kinabisado ko na agad ang university hymn bilang pasasalamat na mayroon ganitong school para sa aming kinapos sa buhay. Kung mayroon lang akong cellphone ay ginawa ko na ding ringtone iyon.

Kagaya ng palaging kong sinusuot na simpleng blouse at pantalon na malapit nang kumupas ay lumarga na ako. Tumatalbog ang I.D. ko na nasa tyan ko sa sobrang haba ng lace habang naglalakad. Hinawakan ko iyon para hindi maistorbo ang paglalakad ko.

Nang makalabas ako ng gate ay tanaw ko agad ang karinderya. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki na nakikipag usap kay Aling Perla na tindera doon. Hindi ko tuloy alam kung lalapit ba ako o sa ibang karinderya na lang kakain.

Pero diba, Maria, ang sabi mo ay tatapangan mo na ang sarili mo at gagawin ang lahat para mailabas ang baho nya? Eto na ulit ang tadhana, oh. Binibigyan ka na naman ng pagkakataon. Huwag mo nang sayangin.

Napabuntong hininga ako nang magsalita ang konsenya ko. Tama naman. Ilang beses na akong naduduwag at walang pupuntahan ang pagiging duwag ko. Tinutulungan na nga ako ng tadhana pero sinasayang ko naman.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at marahas na ibinuga iyon. Suot ang maskara ng pagiging matapang ay lakas loob akong naglakad palapit sa karinderya. Nakita ko si Aling Perla na nakangiting ibinibigay ang supot na punong puno ng lumpiang shanghai sa lalaki.

Parang nung una ko rin syang nakita ay napakaraming lumpia din ang binili nya? May handaan ba sa kanila?

"Ang dami nyan, Sir, ah?" bungad ko nang makalapit. Iniignora ang takot na unti unting nawawala sa dibdib ko.

Napatingin sa akin si Sir Creed at medyo umawang ang mga labi nya nang makita ako. Siguro ay nagulat dahil bigla na ang akong sumulpot. Kinuha nya muna ang supot ng lumpia kay Aling Perla bago ako binalingan.

"Maria, ikaw pala."

Pinigilan ko ang pagiging estatwa ko nang marinig ko na naman ang pangalan na iyon sa bibig nya. Pilit na mga ngiti ang naibigay ko sa kanya.

"Good morning, Sir. Ang gwapo natin, ah?" pagbati ko na hindi napigilan punahin ang itsura nya.

Palagi naman talaga syang gwapo sa kahit na anong isuot nya. Pero dahil hindi masyadong pormal ang suot nya ngayon ay nagmukha syang bumata ng sampung taon kumpara sa totoong edad nya. Mukha na nga rin syang estudyante at hindi isang professor.

Naka-black v-neck sweater kasi sya at black faded jeans. Nakikita ko tuloy na gumagalaw ang adams apple nya kapag lumulunok sya. Ngayong natatakpan ang mga muscles nya sa braso ay ang adams apple nya naman ang nahihirapan akong iwasang tignan.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon