Chapter 43

305K 9.7K 4.9K
                                    

Naiwan kaming dalawa ni Ate Vexen sa malaking bahay pagkaalis 'nung mga lalaki. Hinihintay naman namin ang pagdating ng kaibigan nyang si Violet.

Sa totoo lang ay sobra ang pag aalala ko. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa buhay na ito ni Sir Creed. Ang tungkol sa pagpatay nya sa mga masasamang tao. Ang tungkol sa pakikipaglaban nya para sa gobyerno.

Naalala ko na minsan na rin akong nagtaka, kung bakit ang batang sya noon ay mukhang bihasa na sa paghawak ng baril. Magaling umasinta. Siguradong patay ang magiging kaharap nya.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot sa buong buhay kong tanong sa sarili ko. Na kung bakit nya pinatay ang pamilya ko. Na nagdulot sa akin ng matinding takot at trauma. Hindi masama ang pamilya ko kaya bakit nya kailangang gawin iyon?

Ang sabi nya na sa pagbalik nya ay sasabihin nya na sa akin ang naging rason nya. Kakausapin nya na rin ako sa wakas. Magkakaroon na ng sagot ang tanong ko pagkalipas ng labing pitong taon.

Ang tagal ko ring naghintay sa pagkakataong ito.

Kaya dapat ay maging ligtas si Sir Creed. Dapat ay makabalik sya. Dapat ay magtagumpay sila sa misyon na ito. Dahil hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.

"Ate..." tawag ko kay Ate Vexen na nakaupo dito sa sofa sa tabi ko. Kahit na ngumiti sya sa akin ay nakikitaan ko ng kaba ang mukha nya na pilit nyang itinatago. Siguro ay ayaw nyang mag alala ako ng husto kaya ipinapakita nya sa akin na wala dapat akong ipag alala.

"Ano 'yon, Fatima?"

"Magaling bang makipag-laban si Sir Creed?"

Mahinang tumawa si Ate Vexen at isinandal ang likod nya sa backrest ng sofa. Nakita ko ang pagkunot ng mukha na para syang nasaktan pero huminga sya ng malalim at agad ding ngumiti. Natatakot tuloy ako. Baka kasi ngayon sya manganak tapos ako lang ang kasama nya.

"Archer is good but he's the best in long range attacks." muli syang kumuha ng malalim na paghinga. "He's our sniper."

Wow... Na-imagine ko tuloy si Sir Creed na nasa isang mataas na builing. Nakadapa at nakasilip sa scope ng rifle nya.

Parang gusto ko syang makita ng ganoon.

Kaya pala sinabi ni Gray sa akin noong araw ng oath taking ceremony ko. Na nasa mataas na lugar si Sir Creed at pinapanood ako doon sa scope ng rifle nya. Ibig sabihin ay nakikita ako ni Sir Creed ng mga oras na iyon. Tinitignan nya kung may kalaban sa paligid.

Kahit sa malayo ay pinoprotektahan nya pa rin ako.

"He's the most important in our group, actually." sabi ni Ate Vexen. "He provides detailed surveillance for us when there's no CCTV in the place or if Tracer can't use his hacking abilities because of some circumstances. Dahil din sa kanya kaya nababawasan ang combat abilities ng mga kalaban 'cause he can see their weak points. Kaya madalas kaming nananalo sa misyon dahil sa kanya."

Medyo nakampante naman ako dahil doon. Kahit na may nagawa syang malaking kasalanan sa akin ay ayoko naman na may mangyaring masama sa kanya. Lalo na at hindi ko pa naririnig ang paliwanag nya. Lalo na at mahal na mahal ko pa rin sya.

"Don't worry about him, Fatima." mabigat ang paghingang sabi ni Ate Vexen "I, as well, feel at ease when he's with Death on a mission. 'Cause I know that he will do his best to protect the group."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay napadaing sya. Nataranta ako at agad syang dinaluhan. Nakita ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo nya.

"A-ate... Ayos k-ka lang?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Pero ngumiti sa akin si Ate Vexen at nakita ko ang paghihirap sa mukha nya.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon