Chapter 42

294K 9.6K 3.5K
                                    

Nagtaka ako pagkagising ko dahil ibang kisame ang nabungaran ng mga mata ko. Ilang segundo akong nakatitig lang doon. Inaalala kung nasaan ako. Nakidnap ba ako? O baka ibang condo unit ang napasukan ko?

Hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Iyong oath taking ceremony. Yung mga humahabol sa akin. Yung kamuntikan ko nang pagkamatay. Si Sir Creed. Ang mga myembro ng El Ordre.

Napahawak ako sa ulo ko. Sumakit yata dahil sa mga naaalala. Hindi ko pa rin kasi maintindihan ang lahat. Kung minsan ay pinagdududahan ko na rin ang sarili ko. Na baka hindi pala ako matalino dahil hirap talaga akong intindihin ang nangyayari sa akin ngayon.

Kagabi pa ako nag iisip. Nakatulugan ko na nga pero hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako!

Ang sabi ni Ate Vexen ay nadamay daw ako sa laro nila kaya may humahabol sa akin. Ang tatanda na nila pero naglalaro pa sila. At ano bang nilalaro nila? Baril-barilan?

Napakamot ako sa ulo ko at nagdesisyong maligo na lang. Baka mawala pa ang pananakit noon. Feeling ko talaga ay nai-stress ako nitong mga nakaraang araw.

At paano na ngayon iyong paliwanag ni Sir Creed? Kung bakit nya pinatay ang pamilya ko? Ang sabi nya ay pumapatay daw talaga sila ng mga tao para sa gobyerno. At sinabi ni Ate Vexen na mga masasamang tao lang daw.

Anong ibig sabihin noon? Na masamang tao ang pamilya ko kaya nya sila pinatay? Mababait sila! Sigurado akong mababait sila at mahal na mahal nila ako!

Lawyer si Sir Creed pero lumalabag sya sa batas. Pumapatay sya ng tao. Kaya din siguro sya naging lawyer ay para pagtakpan ang mga ginagawa ng mga myembro ng El Ordre. At kung nagtatrabaho nga sila para sa gobyerno, ibig sabihin ay tinutulungan sila noon sa mga paglabag nila sa batas.

Kaya ba hindi nakulong si Sir Creed noon?

At ano iyong kinagagalit ni Kuya Hunter sa akin? Bakit sya galit na galit na parang may kasalanan ako sa kanya? Gwapo sana sya pero ayoko sa gwapong suplado! Ibang iba sya sa Sir Creed ko na palaging nakangiti! Na parang hindi sya ang lalaking pumatay noon sa pamilya ko.

Nagbihis ako ng damit pagkatapos maligo at umupo sa kama habang pinupunasan ng twalya ang buhok ko. Nagugutom na ako pero nahihiya akong lumabas. Ang dami kasing mga lalaki tapos nagga-gwapuhan pa! At sigurado ako na ako ang pinakabata sa loob ng bahay na ito!

Sana ay may pumasok sa kwarto ko.

At nang dininig agad ang panalangin ko ay tuwang tuwa ako! Pakiramdam ko ay mabait akong tao dahil dinidinig agad ng nasa itaas ang panalangin ko.

Pumasok si Ate Vexen at kahit ako ay nahihirapan na sa tyan nya kahit tinitignan ko lang sya. Mukha kasing mabigat. Parang gusto ko tuloy syang tulungan sa pagbubuhat.

"How's your sleep, Fatima?" malambing ang boses na tanong nya. At kahit na buntis sya ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nya. Parang mas lalo pa nga syang gumanda ngayon. O mas maganda lang talaga sya sa personal kaysa noong nakita ko sya sa screen ng laptop ni Sir Creed?

"Ayos lang, Ate Vexen."

Ngumiti sya at kinuha ang blower sa loob ng cabinet sa may vanity. Pinaupo nya ako doon at sinet nya sa pinakamahinang hangin ang hair blower para magkarinigan pa rin kami.

"I know that the information is too much for an ordinary girl like you, Fatima. But I just want you to know the other side of Archer— or Creed."

Marahan ang paggalaw ni Ate Vexen sa buhok ko. Nakakaantok. Parang gusto ko na lang matulog ulit.

"But he's kind. All the members of El Ordre are kind people, Fatima. You can't judge them easily  just because they're killing people. We only kill those bad ones."

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon