Chapter 35

286K 9.7K 3.4K
                                    

Hindi na ako nilalayuan ni Sir Creed! Naging sweet na sya sa akin pero ramdam ko pa rin ang pagpipigil nya minsan. Sinabi ko nga sa kanya na hindi nya naman kailangang magpigil pero tinawanan nya ako tapos sinabihan akong bata pa raw ako para sa mga ganoong bagay.

Ano bang bagay? Yung halikan? Yung yakapan? Nililimitahan nya kasi yung sarili nyang ibigay sa akin yung mga iyon! Ayoko namang mag-first move. Baka sabihin pa ni Sir na gustong gusto ko sya.

Pero totoo naman. Kaya lang, babae kasi ako, eh. Nakakahiya mag-initiate ng first move. 'Di nya nga binibigay sa akin tapos hihingin ko pa? Baka magmukha akong desperada sa harapan nya at ma-turn off pa sya sa akin.

Kaya dapat, dalagang pilipina lang. Pero dalagang pilipina pa rin ba ako kahit na nahalikan na ako ni Sir Creed? Nagkagatan pa nga kami. Siguro mahihiya yung mga kabaro ko noong unang panahon. Lalo na si Maria Clara. Parehas pa naman kami ng first name.

Ang akala ko ay papapasukin na ulit ako ni Sir Creed sa law firm nya pero hindi sya pumayag. Ang sabi nya ay magfull-time na lang daw ako kapag nakuha ko na ang lisensya ko. Eh, hindi pa nga sure kung pasado ako sa bar exam.

Tapos nagreklamo ako sa kanya na wala akong pera. Na wala akong panggastos para sa sarili ko. Pero wala syang sinabi. Sya kasi ang bumibili ng lahat ng laman ng ref sa loob ng unit ko. At syempre, nahihiya na ako. Iba naman yung dati kung saan almusal lang ang nililibre nya sa akin. Ngayon kasi ay lahat na. Pati personal needs ko.

Ni hindi man lang ako makabili ng bagong mga damit! Paluma na kasi yung mga dati. Tapos medyo sumisikip na at kumukupas pa yung mga kulay. Pero si Sir Creed ay binibigyan ako ng mga tshirts nya. Mga hoodie din. At ang sa akin na lang ay shorts at mga underwear.

Ayos lang naman. Araw-araw ko syang naamoy sa mga damit na ibinigay nya ng sinusuot ko.

Hindi ko pa rin nachi-check ang laman ng ATM card ko. Hindi ko tuloy alam kung nagpapadala pa rin ang benefactor ko. Pero sa palagay ko ay hindi na. Pag aaral ko lang talaga siguro ang tinustusan nya.

Madilim at wala akong makita dahil nakapiring ang mga mata ko ng isang panyo. Kinakapa ko lang ang nasa gilid ko at may nahawakan akong malamig na bagay na pabilog.

Ang isang kamay ko ay kinapa ang nasa harap ko at hinanap ang malambot na bagay. Nang mahawakan ay hinaplos ko iyon ng paulit-ulit.

"Maria..." dinig kong tanong ni Sir Creed at binasa ko ang mga labi ko.

"Huwag kang magulo, Sir." saway ko sa kanya at kinuha ang bagay na nasa kabilang kamay ko.

Nae-excite ako sa ginagawa ko dahil wala talaga akong makita. Kinakapa ko lang ang lahat at pinapakiramdaman si Sir Creed sa harapan ko. Pinilit ko lang talaga syang gawin ito.

"Let's stop this, baby." sabi nya at sinimangutan ko sya. Hindi ko alam kung nakita nya dahil sa panyo na nakatakip sa mukha ko.

"Ituloy natin, Sir. Nandito na tayo, eh." sabi ko at ginawa na ang bagay na dapat gawin sa nasa kabilang kamay ko.

Tumahimik sya nang gumalaw ang kamay ko sa malambot na bagay na iyon at napangiti na lang ako. Tatahimik rin naman pala sya, eh. Lumapit pa ang mukha ko doon para mas mapagbuti ang ginagawa ko.

Napahagikgik ako nang dumaing sya. Sayang. Gusto ko sanang makita ang mukha nya habang ginagawa ko ito sa kanya. Kaso wala, eh. Hindi exciting kapag hindi nakapiring.

Nang maramdaman ko nang medyo malagkit na ang nahahawakan ko sa malambot na bagay na iyon ay tumigil na ako. Ipinunas ko sa damit ni Sir ang kamay kong nagkaroon ng malagkit na bagay. Tapos ay saka ko tinanggal ang piring sa mga mata ko. Medyo sumakit pa iyon dahil nag-adjust pa ang paningin ko sa liwanag.

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon