Chapter 16

293K 11.1K 4.3K
                                    

Abala ako sa pagkalikot ng bago kong cellphone habang hinihintay ang order naming almusal ni Sir Creed. Napapakunot ang noo ko kapag may hindi ako naiintindihan at ang lahat ng iyon ay itinatanong ko sa professor ko na willing naman akong tinututuruan kahit sunod sunod na ang pagtatanong ko sa kanya.

Wala namang masama sa magtanong.

Tapos ay apat pa kasi yung camera ng phone ko! Isa sa harap at tatlo sa likod. Para namang magagamit ko ang lahat ng iyon!

Tinuruan pa ako ni Sir Creed kung paano gamitin ang bawat isa. May mga ipinaliwanag sya na hindi ko talaga maintindihan. Grabe lang. President's lister ako pero feeling ko ay ang bobo ko habang nagpapaliwanag sya ng kung ano tungkol sa camera.

Binuksan ko ang rear camera at itinapat iyon kay Sir Creed na nasa harapan ko. Nakakunot ang noo nya habang nakatungo sa sarili nyang cellphone. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago sya tinawag.

"Sir Creed."

Mabilis kong pinindot ang capture button nang mag angat sya ng tingin. Tinignan ko ang kuha ko sa kanya at halos magpapadyak na sa nakita.

Stolen shot yun pero bakit ang gwapo nya pa din?! Mahilig akong biruin ni Jezel. Palagi nya akong kinukuhaan ng mga stolen shots at ang papangit ko sa lahat ng iyon! May mga nakanganga at nakapikit pa nga akong kuha sa kanya pero bakit ang professor na nasa harapan ko ay mukhang modelo pa din?!

Bahagya pa ding nakakunot ang noo nya sa kuha at seryoso ang mga matang nakatingin sa camera kaya kapag tinignan ang kuha nya ng kung sino ay mukha syang nakatitig pabalik. At kahit picture lang iyon ay feeling ko nakakatunaw pa rin ang mga titig nya! Naka dark green button down long-sleeved shirt sya at nakatupi ang sleeves na hanggang siko kaya nagpapakita ang kulay gold nyang relo.

"Nakakainis, Sir. Ang gwapo mo pa din." reklamo ko habang nakatitig sa kuha nya sa cellphone ko. Tumawa sya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"I can't do anything about it. Ganito talaga ako. Gwapo sa kahit na anong anggulo." nag-wiggle pa ang mga kilay nya sa akin at napairap na lang ako.

Hay, nako. Nakalimutan kong hindi nga pala dapat purihin ang lalaking 'to. Mas lalong lumalaki ang ulo.

"Nga pala, Sir. Nakapag-alay ka na ba? Mamaya ko na kasi malalaman ang scores ko sa Criminal Law pati sa Conflict of Laws." pag iiba ko ng usapan. Baka lumobo pa ang ulo nya sa kakabuhat nya ng sariling upuan.

"Yup. I even bought a whole poultry farm. Inalay ko ang lahat ng mga manok doon."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Wala sa itsura nya ang pagbibiro. Jino-joke ko lang naman sya tungkol doon!

"Hala, seryoso?" halos hindi na ako huminga sa tanong na iyon.

Tumango sya at mukha pang nagtataka sa kinikilos ko. "I'm serious. I want you to cook lumpia for me."

Bwisit na lumpia! Kung hindi dahil sa pangako kong iyon ay walang madadamay na mga manok! Ilang manok ba ang meron sa isang poultry farm? Madami diba? Aabot ba sa libo? At huwag nya sabihing pinang alay nya lang ang lahat ng iyon?

Hala... Naaawa ako sa mga manok. Ang daming inosenteng buhay ang nadamay dahil sa lumpia nya. Hindi na nila natupad ang pangarap nilang maging pang-sabong, o hindi kaya ay maging fried chicken sa mga restaurants.

Paano pala kung sinabi ko na mag alay sya ng kambing? O hindi kaya ay kalabaw? May tsansang gawin nya rin iyon! Bumili pa nga sya talaga ng poultry farm para sa lumpia eh!

Lumpia... Bakit napaka-swerte mo? Gagawin ng gwapong nilalang na nasa harap ko ang lahat para lang sayo. Ang daming nagmamahal sayo! Ang daming pangarap ang hindi nabuo dahil sayo!

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon