Kabanata XX

2.7K 179 14
                                    

"Pansamantala ay ligtas na tayo sa lugar na ito," ani Emil.

"Nasaan na tayo?" hinihingal na tanong naman ni Samuel. May isang oras din silang walang tigil na tumakbo hanggang sa pumasok sa isang kwebang kulay itim ang paligid.

"Sa may kwebang dilim," sagot ni Kakang Lucio. Nagsimula na itong maghanap ng mga kahoy na gagamiting pangsiga.

"A-anong ginagawa ninyo?" tanong ni Sarah ng makitang gumagawa ng apoy sa gitna ang matanda. Sa kamay ni Samuel siya napakapit kanina at apat na lang silang magkakasama ngayon nina Emil at Kakang Lucio.

"Tayo ay panandaliang magpapahinga sa lugar na ito," sagot ng matanda habang patuloy sa ginagawa. "Emil, mangalap ka pa ng ibang kahoy na maaari nating magamit."

"No! H-hindi pwede..." Napailing siya habang nagsasalita. "Hindi tayo pwedeng huminto ngayon!" Ngayong hindi niya alam kung may buhay pa sa mga kasama niyang napahiwalay sa kanila ay mas lalong niyang nais na mahanap kaagad si Bernice.

"Pero paano si Bernice? Paano ang kapatid ko!?" Napaiyak na si Sarah habang nagsasalita. Walang sinoman sa mga kasama niya ang makakaintindi sa nararamdaman niya ngayon dahil alam niyang mga sarili lang nito ang iniisip hindi kagaya niya.

"Sarah, halos lahat tayo ay may sugat at pagod ngayon. Walang masama kung magpapahinga tayo saglit." Batid ni Samuel ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Sarah. Na wala silang pakialam sa paghahanap kay Bernice. "Kahit isang oras lang para makabawi tayo ng lakas."

"Hindi ninyo kasi ako naiintindihan, guys. Wala na tayong oras magpahinga. Dapat hindi tayo tumigil ngayon. Dapat tumuloy na tayo sa gubat!" giit pa ni Sarah. Hindi na siya tinitingnan ni Kakang Lucio at Emil na mas lalo niyang ikinakainis. Para bang desidido na ang mga ito na huminto sa kwebang iyon para magpahinga sila. Oo, nakakaramdam din siya ng pagod pero ayaw pa niyang magpahinga. Ayaw pa niyang huminto sila.

"Sarah..."

Napalingon na siya kay Samuel na humawak sa balikat niya.

"Hindi tayo hihinto sa paghahanap kay Bernice. Magpapahinga lang tayo," ani Samuel.

"Pero Samuel –" Hindi na niya nagawang magsalita nang ilapat ni Samuel ang hintuturo sa mga labi niya kasunod ang pagpunas ng mga hinlalaki nito sa mga luhang muling lumalandas sa pisngi niya.

"I told you, tutulungan at sasamahan kitang hanapin ang kapatid mo pero hindi ko hahayaang ikaw naman ang mapahamak bago pa natin siya makita. Kaya please, makinig ka sa amin ng mga kaibigan mo. Kailangan nating magpahinga. Kailangan nating magpahinga para muli tayong bigyan ng lakas ng D'yos na magpatuloy. Kailangan mong magpahinga kahit konti lang..."

Nakulong ang mga pisngi niya sa magkabilang palad ni Samuel. Napakabigat ng pakiramdam niya kanina lalo na at nakita niya kung paano malagutan ng hininga ang isa sa mga kaibigan niya ngunit ngayon ay unti-unti na iyong gumagaan. At kung paanong napapagaan ni Samuel ang loob niya ng ganoon kabilis ay hindi niya alam. "T-thank you..."

●●●●●

"Bitawan ninyo ako!" marahas na binawi ni Armand ang mga kamay mula sa mga kasama nang sa wakas ay huminto na sila sa pagtakbo.

"Ibinilin ni Manang Abeng na hangga't maaari ay protektahan namin ang bawat isa sa inyo," matigas na sagot ni Rigor habang inililibot ang paningin sa paligid at sa ilog na malapit sa kinatatayuan nila.

"Eh bakit hindi ninyo nagawang iligtas ang girlfriend ko!?" pagalit na tanong ni Armand na nababalot pa rin ng dugo ang buong mukha at katawan. "Mga wala kayong kwenta!"

"Armand, tama na... Ginawa naman nila ang lahat para iligtas tayo. N-nagkataon lang na... Na hindi naka-survive si Donna," ani Joyce na namumugto na ang mga mata. Nanginginig pa rin ito sa tuwing maalala kung paanong pinag-agawan ng tatlong malalaking taong ibon ang katawan ng kaibigan. Ngayon ay medyo kumbinsido na itong may totoong kababalaghan talagang nangyayari sa lugar na ito.

Miedo de Luna (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon