Prologue

29.3K 763 104
                                    

Nanginginig ang kamay ko habang nangangapa sa pinagkukublihan kong munting kubo. Napalunok pa ako nang sa wakas ay makadampot ako ng matalim na bagay. Isang kutsilyo. Pangatlong gabi na buhat nang makarating kaming magbabarkada dito sa Sitio Aglibol. At alam kong ito na rin ang tinatawag nilang huling Gabi ng Diablo. Saglit pa akong nakiramdam sa paligid bago tumayo upang sumilip sa labas ng bintana kung saan may isang buwan na sing-pula ng dugo ang kulay ang siyang tanging nagbibigay liwanag. Muling nangatal ang mga labi ko. Batid kong ilang sandali na lang ay tuluyang na ring maglalaho ang huling pulang buwan na sa labas. Tuluyan nang lalamunin ng dilim ang paligid. At tuluyan na rin akong lalamunin ng mga halimaw na nakapaligid sa kubong kinaroroonan ko ngayon.

Binuksan ko ang dala kong video camera at iniharap sa mukha ko. Alam kong ito na ang huling pagkakataon upang makapagpaalam ako sa kanila. "M-Mama... P-Papa... " suminghot muna ako ng sipongtumutulo na sa bibig ko. Hindi ko alam kung makakalabas pa ko ng buhay. Ang alam ko lang ay gusto ko pang mabuhay.

Sampu kaming magkakaibigan ang napadpad dito sa Sitio Aglibol. Isang makasalanan at isinumpang sitio. Ang sitio kung saan may tatlong araw at gabi na walang araw na magbibigay liwanag ngunit may tatlong pulang buwan sa madilim na kalangitan. At sa aming sampung magbabarkada ay tanging ako na lamang ang nabubuhay. Lahat sila kasama ng nobyo ko ay napatay ng mga wakwak, sigbin, magindara at kung anu-ano pang halimaw na nasa paligid ng sitio na ito. Nakita ko kung paano kainin ng mga halimaw ang laman loob nila. Nakita ko kung paanong mawasak ang mga katawan nila. Nakita ko kung paano bumulwak ang mga dugo sa bibig at mga mata nila. Ang mga dugo at laman na tumilamsik na rin sa mukha at katawan ko. Mga dugo at laman na halos nalasahan ko na.

At ako... Ako na lang ang natitira sa aming sampu. Ako na lang ang nabubuhay.

"S-sorry p-po kung nagsinungaling ako k-kung s-saan ako pupunta... P-pero gusto ko pong malaman ninyo na... N-na mahal na mahal ko po kayo. S-soryy –" Bigla kong nabitawan ang hawak kong camera bago napahawak nang mahigpit sa bibig ko nang may kumaluskos sa labas. Pinunasan ko ang mukha kong naghahalo na ang sipon, luha, pawis at dugo. Lalong nangatal ang mga labi ko nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto kaya nagsumiksik ako sa pinakasulok ng kubo habang hawak ang matalim na kutsilyo. Naririnig ko na ang ingay na ginagawa ng mga halimaw na nagsisimulang magsaliksik sa paligid. Hinahanap na nila ako. Hinahanap na nila ang amoy ko. Ang amoy ng karne ng tao. "H-hindi ninyo ako mapapatay... H-hindi..."

Tuluyan na akong hindi nakaalis sa pinagtataguan ko nang biglang mag-alarm ang suot kong relo. Tanda na sampung segundo na lang ay tuluyang nang mawawala ang ikatlong pulang buwan. Tuluyan nang lalamunin ng dilim ang sitio na ito.

Sinubukan kong tumakbo pero narinig kong nag-uunanahan nang makalapit sa akin ang mga halimaw na hayok sa dugo at laman ng tao. Nanginginig man ang katawan ko ay pinilit ko pa ring muling magpakatatag at tumayo upang harapin sila. Harapin ang dilaw nilang mga mata at matatalim na pangil. Itinaas ako ang hawak kong kutsilyo at iwinasiwas sa naglalaway nilang mga bibig na anumang oras ay handa na akong sakmalin. Ngunit bago pa tuluyang lamunin ng dilim ang buong sitio at pagpiyestahn ng mga pangil nila ang katawan ko ay wawakasan ko na lahat. Wawakasan ko na ang dapat na wakasan.

"I'm sorry Papa... Mama..." umiiyak na bulong ko bago tuluyan at nanggigil na nilaslas ang sarili kong lalamunan. Kaagad na bumagsak ang katawan ko sa kawayang sahig at nagsimulang mangisay. Ilang saglit lang ay nagsimula na akong mahirapan na huminga na tila ba may nakabara sa ilong at lalamunan ko. Ganito siguro ang pakiramdam nang mamamatay na. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata kong pilit kong nilalabanan. Paulit-ulit at pilit ko pang sinubukan na labanan. Pero bago tuluyang magdilim ang paningin ko ay nakita at naramdaman ko ang kanya-kanyang pagsakmal ng mga matatalim na pangil sa ulo, braso, tyan at mga hita ko. Nagkanya-kanya na sila nang lamon sa mga laman loob ko habang ang leeg ko ay wala pa ring tigil sa pag-agos ng dugo. Nagsisimula nang matakpan nang makapal na ulap ang huling pulang buwan habang umaalulong ang mga halimaw na nakapaligid sa wakwak ko nang katawan. At kasunod nang tuluyang paghinto nang hininga ko ay ang paglaho ng ikatlong pulang buwan sa labas ng kubo. Nilamon ng kadiliman ang buong Sitio Aglibol. 

Miedo de Luna (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon