Kabanata XXVI

2.4K 152 11
                                    

"Sarah..."

Mula sa dalawang mapulang buwan sa madilim na langit ay nabaling ang tingin ni Sarah kay Vic na umupo sa tabi niya sa mahabang bangko. Nakaramdam siya ng matinding pagod kaya hindi na siya tumanggi pa na magpahinga muna sila. Batid niya ring kailangan na ring magpahinga ng mga kasama niya. "Vic..."

"Okay ka lang ba?" tanong ni Vic. Hindi na nito binaggit kahit kanino ang tungkol sa babaeng nakapula na lumapit at nagpakita kanina. Alam kasi nitong mag-aalala na naman si Sarah sa oras na tungkol kay Bernice na naman ang paksa.

Pinilit ngumiti ni Sarah. Kahit hindi naman siya okay ay kailangan niyang maging okay. High school pa lamang ay magkakabarkada na sila. May pangako pa nga sila sa isa't-isa na magiging ninang at ninong ng mga magiging anak ng bawat barkada. Pero bakit kailangan matapos ang buhay ng mga kaibigan niya sa ganito kadugong paraan? "Yep, I'm okay."

"Sarah, tungkol sa mga nasabi ko about Bernice, I'm sorry," panimula ni Vic. "Nag-alala lang ako masyado na baka hindi tayo makaligtas. Na baka hindi ka makaligtas. Ang gusto ko lang naman ay sabay-sabay tayong makabalik sa totoong mundo natin... Ng buhay."

Nakangiting tumango si Sarah. Naisip niya gusto lang talaga masigurado ni Vic ang kaligtasan niya. Masyado lang itong nag-aalala para sa kanya. Naisip niya ring wala ng oras pa upang magtalo-talo pa sila kaya labis niyan ring pinagsisisihan ang pagsampal kay Joyce kanina. "I understand... Ang mahalaga ay buhay si Bernice. Alam na nating buhay ang kapatid ko at makikita ko na ulit siya."

"One more thing."

Napakunot ang noo niya nang hawakan ni Vic ang kamay niya at sumeryoso ang mukha nito. Hindi talaga siya sanay na makitang ganito kaseryoso ang mukha ni Vic.

"Hindi ko alam kung bakit naiisip ko pa ito pero kagaya ng sabi ni Manang Abeng, hindi pa rin tayo nakakasigurado kung lahat tayo ay ligtas at buhay na makababalik sa mundo natin. Pero Sarah, gusto kong tandaan mo na na kahit anong mangyari, kahit... Kahit hindi mo ako magawang mahalin, ikaw lang... Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. At kung totoo man ang reincarnation, pipiliin kong ma-reincarnate upang mahalin ka ulit kahit hindi mo pa rin akong magawang mahalin."

Nakagat ni Sarah ang pang-ibabang labi. Bakit kasi parang nagpapaalam na si Vic sa kanya? Pinilit niyang magkunwaring natatawa na madalas niyang gawin kapag nagpapasaring si Vic ng pagtingin sa kanya. "Ano bang sinasabi mo d'yan Vic? Sama-sama tayong makakalabas sa lugar na ito. Buhay tayong babalik sa mundo natin."

"I love you even you can't love me back." Ngumiti si Vic at pinisil ang kamay ni Sarah. "Basta tandaan mo Sarah, mawala man ako sa tabi mo, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa iyo." Bago pa tumulo ang sariling mga luha ay nagawa na niya iyong pigilan. "Ang drama ko, ano ba ito. Nakakainis."

Si Sarah naman ang humawak sa kamay ni Vic at pinisil iyon. "Thank you Vic. Thank you sa lahat ng pinakita mong kabutihan at pagmamahal sa amin ni Bernice." Kaya siguro ganito na lang ka-emosyonal ang pakiramdam nila dahil malapit na silang makalabas mula sa misteryosong sitio na ito. Makakalabas sila ng buhay at magkakasama.

"Wait. Si Joyce ba 'yon?" Takang tanong ni Vic ng mapatingin sa may likuran ng kausap.

Kaagad ring nabaling ang mga tingin ni Sarah kung nasaan ang mga tingin ni Vic. Kumunot ang noo ng makitang naglalakad si Joyce patungo sa gubat. Ang mas nakapagtataka ay may kasabay itong lalaki na may mahaba at puting buhok at ang kasuotan ay nagliliwanag sa kaputian. "Sino 'yung kasama niya?"

"Joyce!" malakas na tawag ni Vic. "Saan ka pupunta?"

Huminto naman sa paglalakad si Joyce at tumingin sa kanila. Sabay silang kinabahan ni Vic nang bigla itong kumaway sa kanila habang nakaguhit sa mga labi ang kakaibang ngiti. Napatingin din sila sa lalaking kasama ni Joyce na nakalingon sa kanila.

"Joyce..." Nanindig ang mga balahibo ni Sarah dahil sa kulay itim na mga mata ng lalaki.

Muling nagpatuloy sa paglalakad sina Joyce at ang estrangherong lalaking kasama nito papasok sa gubat.

"Guys, si Joyce!!!" ang sigaw ni Samuel mula sa loob ng munting bahay ang tila nagpagising ng diwa ng dalawang natulala kay Joyce.

Mabilis na pumasok sa loob ng bahay sina Vic at Sarah at nagulat nang makitang ang babaeng nasa bisig ni Samuel. Si Joyce na nakapikit ang mga mata habang tinatapik-tapik ni Samuel ang pisngi.

Umupo naman si Kakang Lucio sa may tabi ni Samuel at sinalat ang leeg ni Joyce.

"Wala na siya..."

"N-No... Paano nangyari 'yon? Nakita lang namin siya ni Vic kanina sa labas. M-may kasama pa nga siyang lalaki!" kinikilabutan pa ring sabi ni Sarah. Paanong mawawala ang kabigan niyang kanina lang ay mahimbing na natutulog dito sa loob? At isa pa, sino ang babaeng nakita nila kanina sa labas ni Vic na kamukhang-kamukhan ni Joyce?

"Lalaki?" tumayo na si Kakang Lucio dahil sa narinig. "May mahaba ba na puting buhok ang lalaking inyong tinutukoy?"

"O-opo," si Vic ang sumagot.

"Nagliliwanag sa kaputian ang kanyang kasuotan at wala siyang mga mata, tama ba ako?" muling tanong ng matanda.

Sabay na halos tumango sina Vic at Sarah bilang tugon.

"Tamawo. Isa siyang tamawo," seryosong sabi ni Rigor.

"Ano po 'yung tamawo?" si Samuel ang nagtanong.

"Isa siyang uri ng engkanto na humi-hipnotismo sa mga kababaihan na sumama sa kanilang kaharian. At sa oras na sumama ang isang babae sa kanya sa pamamagitan ng pagkain niya sa kahit na anong inialok ng isang tamawo, hinding-hindi na siya makakalabas pa mula sa kaharian ng mga engkanto," paliwanag ni Kakang Lucio.

"Kaya wala na ang kaibigan ninyo," ang sabi naman ni Paolo. "Sigurado kaming sumama na siya sa sa mundo ng mga engkanto. Mas pinili niyang sumama sa isang tamawo kaysa subukin na hanapin ang liwanag pabalik ng inyong mundo."

********

Naramdaman ni Sarah ang isang palad na humagod sa may likod niya at nalingunan si Samuel sa tabi. Pagkatapos nilang makita si Joyce na wala ng buhay ay nagpaalam siyang saglit na lalabas at nais mapag-isa.

"Panyo?"

Inabot na ni Sarah ang panyo at hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak.. Muli niyang naramdaman ang sakit. Ang sakit kung paano mawalan ng isang kaibigan. At kasalanan niya kung bakit nawala ang mga ito. "S-sorry..." humihikbing sabi niya. "Naisip ko lang na tama si Miracle sa sinabi niya noon. Paano kaya kung hindi na lang kami tumuloy sa outing namin? Mangyayari kaya ang lahat ng ito? Mawawala pa rin kaya ang kapatid ko? Mamamatay pa rin kaya ang mga kaibigan ko?"

"Shhh... Ikaw na ang may sabi, wala namang may gusto sa nangyari sa atin. Walang may gusto sa atin ang mapahamak tayo sa lugar na ito," sabi ni Samuel habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ni Sarah. "Saka h'wag mong sisihin ang sarili mo o kahit na sino sa nangyayaring ito. Sabi nga ni Manang Abeng, may mga bagay na nakatakdang mangyari na hindi na natin pwedeng pigilan o baguhin. Basta Sarah," hinawakan na ni Samuel ang kamay ng dalaga. Hindi rin biro ang takot na nararamdaman niya pero alam niya sa sarili niyang kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niya para kay Sarah. "Makakalabas tayo ng buhay mula sa lugar na ito. Makakalabas tayo kasama ang kapatid mo. Naniniwala ako na we will be guided by Him."

Unti-unting napawi ang bigat na nararamdaman ni Sarah dahil sa sinabi ni Samuel. May kung ano talaga sa paraan ng pagsasalita nito ang kaagad na nakakapagpagaan ng loob niya. "Thank you, Samuel."

Miedo de Luna (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon