Killing Me Softly!

20 5 1
                                    

Zaffarah's POV:

Nakaupo ako ngayon sa sulok ng aming livingroom. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga bituin na nakikita ko mula sa labas ng aming garden glass door. Naalala ko bigla sila mommy at daddy kaya dali dali ko silang tinawagan. Halos isang oras ko na silang tinatawagan pero ring lang ito ng ring.

"Hayys! Namimiss ko na talaga sila! Wala man lang ba silang balak na mangamusta sa akin? Wala na ba talaga silang pakialam sa akin?"

Dahil sa hindi ko sila makausap ay mas minabuti ko nalang na mag padala ng mensahe sa mommy ko.

(Mommy?)
Sent

(Kamusta na po?)
Sent

*Typing typing typing*

(Mommy miss ko na po kayo ni daddy. Kailan po kayo free? Kain po tayo sa labas?  Treat ko po kayo.)
Sent

(Kung busy naman po kayo at walang time, I can go nalang po sa house. Tutal matagaltagal naman na din pong hindi na ako nakakauwi diyan.)
Sent

(Namimiss ko na po sina Nanay Josie at si----)
*Delete delete delete*

*We Love You*

Message ringtone ko yun. Boses nila mommy at daddy yan. Nirecord ko yan nung bata pa ako gamit ang una kong cellphone.

Pinindot ko yung message na nag pop up. Number yun ni mommy.

(Don't you dare come home. Busy kami! Huwag mo na kaming abalahin. Mag aral ka nalang ng mabuti para naman magawa ka naming ipagmalaki hindi yung kung anu-anong iniisip mong wala namang kwenta!)

Ouch! Shaket naman! Siguro si daddy 'to. Hindi naman kasi ganiyan kung makapag salita o mag text si mommy sa akin eh.

Nag type ulit ako ng message.

(Sige na naman po. Minsang lang naman po eh. Please? Miss ko na po talaga kayo ni mommy. I love you both!)

Pipindutin ko na sana yung send pero bigla nalang nag ring yung cellphone ko.

*You are my sunshine! My only sunshine...*

Nakita kong number iyun ni mommy kaya agad kong sinagot ito.

"H-hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na huwag na huwag mo kaming kinukulit? Kung wala kang magawa at gusto mong kumain sa labas. Ayain mo nalang yang mga kaibigan mong kagaya mo, mga walang kwenta!" Sigaw sakin ni dad.

"B-but dad.."

*Toot toot toot toot*

"Ay pinatay na?! Masama ba kung gusto ko lang naman kayong makasama? Miss na miss ko na kaya kayo ni mommy, daddy." Malungkot kong sabi sa sarili ko.

Binuksan ko nalang yung mga images na naka save sa phone ko. Nag scroll down ako ng nag scroll down hanggang sa makita ko yung mga old pictures namin nila mommy at daddy. Nung panahong nag uumpisa palang sila mommy at daddy sa kanilang maliit na business.

 Nung panahong nag uumpisa palang sila mommy at daddy sa kanilang maliit na business

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon