At My King's Bed!

5 1 0
                                    

DWAYNE'S POV:

Sinilip muna saglit ni Zaffarah si Ayesha sa kwarto ni David bago ito bumaba sa sala at akmang hihiga sa sofa.

"You can sleep on my bed." Ani ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

Bahagya ko itong nilapitan at tiningnan ng masama.

"Don't stare at me.. Just leave me alone." Nakapikit nitong sabi.

"Alam ko kung gaano kalaki ang kama mo."

"So?"

"Alam ko ding mahihirapan ka lang at hindi makakatulog ng maayos diyan." Ani ko pero hindi na ito sumagot kaya nilapitan ko agad siya.

Mabilis ko itong binuhat na parang isang bagong kasal at literal naman itong napanganga sa aking ginawa. Nang siya'y aking maiangat ay katamtaman pa itong nanigas ng mag tama ang aming mga mata.

"W-what are you doing? P-put me down." Nangangatog nitong ibinaling sa ibang direksiyon ang kaniyang mga mata.

I smirk nang mapansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya.

"You're blushing." Pang aasar ko na nakapag palingon sa kaniya.

"N-no, I'm not! C-can you just put me down.. Put me down!"

Hindi ko nalang ito pinansin pa. Kahit nag wawala at nag pupumiglas ay nagawa ko pa din itong mai-akyat patungo sa pintuan ng aking kwarto.

"Can't you hear me! I said put me down!" Sigaw ulit nito nang marating na namin ang pintuan ng aking kwarto.

Hindi ko pa din siya ibinababa. Gamit ko nalang ang aking kamay na naka alalay sa kaniyang likod para maingat na buksan ang pinto.

Nang makapasok na kami sa aking silid ay kaagad ko din naman siyang inilapag sa malaki kong sofa.

Galit itong umayos ng pagkakaupo doon. Naka simangot, naka nguso, naka cross arms at legs, tapos irap pa siya ng irap! Hayy nako naman! Napaka maldita na talaga nitong babaeng 'to!

"Stay there!" Ani ko pero hindi ito sumagot.

Kumuha na lang ako ng white shirt ko at jersey short sa aking closet at pagkatapos ay iniabot iyon kay Zaffara.

"What's this?"

"Shirt and short?"

"I know, I'm not stupid! Tsk! What I mean is anong gagawin ko dito!" Pag mamaldita pa din nito.

"Mag hugas ka na ng katawan mo para makapag pahinga ka na. I will not allow you to lay on my king's bed with that dirty clothes." Pag susuplado ko din.

"As if naman gusto kong humiga diyan sa higaan mo!"

"You have no choice."

"I can sleep in any hotel. I have a lot money remember?" Pag mamaldita pa din nito.

"You can't just leave." Ani ko na may pagkaseryoso.

"Why not?"

"Can't you remember what happened to your mansion and your friends? What if they're still there and just waiting for some stupid brat girl to come out?!" May diin ko nang sabi.

"I can protect myself." Ani nito nito at mabilis na nakatayo.

Nag lakad ito patungo sa pintuang mag lalabas sa kaniya sa aking kuwarto. Ilang hakbang nalang ang pagitan nito nang takbuhin ko ito at hablutin. Pinihit ko ito paharap sa akin. Kaagad itong napahakbang paatras sa pader. Nang mapansin nitong wala na siyang iaatras pa ay kaagad ko namang inilapat ang mga palad ko sa pader dahilan para makulong siya.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon